CHAPTER 2: Young, Dumb and Broke
"We have so much in common
We argue all the time
You always say I'm wrong
But I'm pretty sure I'm right
What's fun about commitment?
When we have all life to live?"
SAPPHIRE
PAGKABABA KO NG sasakyan ay agad napalingon saken ang mga trabahador ng Hacienda Esperanza na abala sa kanya-kanya nilang ginagawa. Hindi ko naman inaasahang ganito karami na pala ang mga tauhan ni Daddy at Lolo para sa hacienda. Mukhang maayos naman ang hacienda at hindi mukhang nalulugi. Nakikita ko ang saya at ngiti ng mga tauhan. May mga bata pa na masayang nagtatakbuhan. So aalisin ko na ang pagkakalugi ng hacienda sa listahan kung bakit ganun umakto si Shan.
Napabaling ang tingin ko nang may humihila sa laylayan ng t-shirt ko. Isang batang babae na sa tingin ko ay nasa lima o anim na taong gulang na. Agad ko itong nginitian.
"Nawawala ka ba?" Nakakunot ang noo ko at saka yumuko ako para pantayan siya.
"Sino ka po? Ngayon lang po kita nakita dito." Sabi nito.
"Ako si Ate Jase mo. Kapatid ko si Ate Shanary mo. Taga dito ka naman di ba? Kilala mo siya?"
"Ah. Isa ka din po pala sa mga may-ari dito," tumango-tango pa ito na parang nalinawan na, "Hmm. Sige po. Alis na po ako, baka hinahanap na ako ni mama ko." Saka siya tumalikod at tumakbo palayo.
Naalala ko nung ganun ang edad ko. Puro pagtakbo, pag-akyat sa mga puno, palihim na sumakay sa kabayo, at kung anu-ano pang mga kalokohan ang mga pinaggagagawa ko. Naalala ko pa na may kalaro ako noon dati, lalaki pero lampa at napakaiyakin. Napatawa naman ako sa naalala ko. Nasan na kaya yung kalaro kong iyon? Ang alam ko nakasama ko pa yun nung nag-14th birthday ako at dito kami nagcelebrate. Siguro may asawa na iyon at may mga anak na.
"So, anong nangyari sa sinabi mong 'hindi na ako babalik dito,'?" Lumingon ako sa likod ko kung saan nandun si Lavinia.
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, nabawasan lang ng konti ang paglagay niya ng foundation ngayon pero pangit pa rin siya sa paningin ko. Imbes na sagutin siya ay inabala ko na lang ang sarili sa pagkuha ng mga gamit ko sa loob ng kotse. Dalawa lang naman ang bag na dala ko.
Patuloy pa rin siya sa pagtitig sa ginagawa ko pero hindi ko siya pinansin. I know for sure na nadala na siya sa ginawa ko sa kanya noon nang pinikon niya ako dahil sa hindi niya pagtigil sa katatalak.
"Lavly, anak may bisita – " napatigil ako sa ginagawa pero hindi ako lumingon sa pinanggalingan ng boses. Alam ko naman na kung sino yun. Pinaikot ko ang mata saka nagpatuloy.
Ilang saglit silang natahimik. Umayos na ako ng tayo. Hawak ko na ang mga bag sa magkabilang kamay.
"Yeah. May bisita nga, pero hindi para sa inyo," nilingon ko saglit ang mirage kong kotse saka ko tiningnan si Minchin. "Ayos lang naman sigurong diyan nakapark ang kotse ko?" Ipinilig ko ang ulo dahil hindi siya agad nakasagot.
"Ah.. o – oo naman. Okay lang. Hindi naman nakahambalang sa daan," nilahad niya pa ang kamay sa pintuan, "pasok ka. Nasa opisina niya ang Daddy mo."
"Nasaan si Shanary?" Tanong ko dahil wala naman sa kanila ang dahilan kung bakit ako umuwi.
"Ah.. kasi.. kahapon pa siya nagkukulong sa kwarto niya. Hindi siya lumabas simula nung pinagusapan ang ka – "
BINABASA MO ANG
The Badass Chic [Dangerously Gorgeous Series Book 1]
AcciónSapphire Jase De Llana... bad girl, rebel, rule-breaker are one of her bad names in the oraganization she's with. Totoo namang hindi siya nasunod sa plano. Yun nga ang problema sa kanya. Sinusunod niya ang plano NIYA, na kahit pa ikapahamak niya a...