💕
"A_aaa!" Napasigaw ako ng makuryente ako .
Nakuha ko naman yung isang dahon,pero nagulat talaga ako dahil sa kuryente na yun.
Pinulot ko na ang dahon na nalaglag dahil sa pagkakakuryente sakin.
"Hay!" Nagpakawala ako ng hangin ng maramdaman Kong walang kuryente tong dahon.
Pagkapulot ko ng dahon agad agad akong tumakbo papalabas papunta sa likod ng aming bahay .
Ang sabi kasi nung matanda ay ilaglag ko daw sa lupa.
Napasinghal ako dahil sa kaba ,Hindi ko kasi alam kung anong klaseng lagusan yung sinabi nung matanda ei.
Nang makakita ako ng malawak na parte nitong bakuran nagpunta ko dun at dahan dahang inilaglag ang dahon .
Tumagal ng ilang segundo ,ngunit wala paring lagusan na lumalabas.
Papabalik na sana ako ng biglang lumindol at dahil dun napakapit ako sa bakod.
Tumigil din naman ang paglundol at nang humarap ako isang napakalaking halaman na may malaking bulaklak ang tumambad sakin.
Hindi naman ako natakot ,namangha pa nga ako ei.natatandaan ko yung kwento sakin ng magulang ko tungkol sa pagkakaampon nila sakin ,natatandaan Kong kaparehong kapareho nitong nasa harapan ko ang bulaklak na nagluwa sakin.
Bumukas ang bulaklak na nakatupi at may mga baging na lumabas at nagtungo sakin.
Alam Kong hihigupin ako nito,kaya naman nagpaubaya na ko.
Gumawa ako ng malaking harang na pumoprotekta dito sa bahay ,para kung sakaling higupin ako ng bulaklak nato at Hindi na ko muling makabalik may magpoprotekta saking nanay nanayan.
Unti-unting lumapit saking paahan ang mga baging at unti-unti ring humigpit ito.
Nararamdaman Kong hihigitin na ako nito papasok sa bulaklak kaya naman naghanda na ko at......
|
|
|
|
|
|
Wala na Kong nabanggit na salita o kahit ano pa mang tunog,ayoko rin namang may mga makarinig na kapit bahay at sabihin nababaliw ako.Habang nakabaluktot ako dito ,nararamdaman ko ang lamig ,ramdam ko ring may mga baging na nakatutok saking sentido .parang may konekto saking nakaraan ,parang may nagpa-falshback na mga ala-ala .
May nakikita kong imahe kaso sobrang labo.
At yun nga biglang lumawanag dito sa loob ,alam Kong sa dibdib ko nagmula ang liwanag dahil nakayuko ako .
Sa sobrang liwanag sa loob ay Hindi ko na makita ang nasa loob at napansin Kong may tubig na lumalabas mula sa gitna nitong bulaklak .
Nang malamon na ko ng tubig unti unti ng sumusikip ang aking paghinga.
At??
+itutuloy^~^