◆Chapter 21◆

5.7K 147 44
                                    

◆◆◆◆

Thursday, 7:00 am, Hospital

Nandito parin kami sa hospital room ni Kin, hindi parin nagsink in sa utak namin ang sinabi ni Lucas, na nacoma siya.. Natatakot man ako sa mga pwedeng mangyari pero binaniwala ko nalang yun, kailangan ako ni Kin,kailangan niya kami.

Malaki ang natamong damage ni Kin sabi ng doctor lalo na sa kanyang ulo,  isa daw itong milagro dahil nabuhay pa siya sa lagay niya, pwede kasi itong humantong sa internal hemorrhage at pag hindi agad naagapan ay hahantong sa kamatayan. Sabi ng doctor ay may malaking posibilidad na magka-amnesia si Kin. okay lang yun, okay lang makalimutan niya ako..magising lang siya okay na okay na yun.

"wife here.."

Inabot sakin ni Sebastion ang kape na binili niya sa isang vending machine...sina Kent at Catalina naman ay nagpapahinga, masyado silang nastress..kahit wala namang ginawa kagabi kundi magbangayan..hay naku.

I wipe off my tears and look at him..

"natatakot ako Lucas"

Niyakap niya naman ako. Bumalik na siya sa dati, yung ma-awtoridad at amang ama na si Lucas.

"Don't be, he's strong..just have faith in him and the Lord, he will save Kin. okay? he's not giving up Althea I can feel it.. he's fighting, so I must say you must be strong for him too, he doesn't want  to see you like that"

Tumango ako saka pilit na ngumiti habang hinihimas niya ang likuran ko. Of all the people bakit si Kin pa, bakit sa kanya pa nangyari to? I keep on thinking about the incident, his near death experience and Lowel. Nabitawan ko ang kapeng ibinigay sakin ni Lucas.

No...

There's no way it has to be connected with my father, and our marriage. Naikuyom ko ang kamao ko saka tumayo. Ramdam ko ang matinding galit na umaalab sa kaloob looban ko.

And in one glimpse, I saw myself going to the path, the path I once called home.

◆◆◆◆◆

"Althea baby !"

Pagkapasok na pagkapasok ko sa mansion ay si Mom agad ang sumalubong sa akin. Alam kong alam niya ang nangyari kay Kin dahil ibinalita iyon sa tv kagabi. Yayakapin sana ako ni mom ng inunahan ko na siya...ng isang matalim na tingin.

"nasan ang asawa mo?"

Wala akong pakialam kong wala man akong respeto sa kanila, hindi nila ako masisisi, sila ang nagbigay ng dahilan para hindi ko sila respetuin.

"Thea, don't call your dad like that"

"I SAID WHERE THE FUCK IS HE?!!"

Puno na ng galit ang puso ko. Peste! gusto kong magmura nalang ng magmura! Pesteng buhay to!pesteng pamilya!

"ang aga mo namang bumisita sakin Althea, miss mo na si dad?"

Agad akong tumingin sa lalaking bumababa sa hagdan. mahulog ka sana at mabawian ng buhay.

"Mamimiss lang kita pag patay ka na"

"Athea!"

Isang malaking sampal ang natamo ko galing sa mabuti kong Nanay, kasabay non ang pagsigaw niya sa pangalan ko. Ayoko ng magtimpi. Oo! Mali na sa mali!

"Don't you shout at me Mom! wala kang alam!"

Tumingin ako kay dad na nakababa na. Nakangiti siya sakin na parang sinasabing anong-masasabi-mo-sa-ginawa-ko? Demonyo ka talaga!

"tell me ..ikaw ba ang may gawa nun?"

naikuyom ko ang kamao ko sa pagtawa niya.. wala siyang kasing sama.

Married To His Father (REVISING ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon