◆Chapter 13◆ Kinthea Closure

6.4K 127 14
                                    

◆◆◆Kinthea~The Closure (masakit to humanda kayo)

Maaga akong nagising sa araw nato, 5 am palang kaya napag-isipan kong maghanda para magjogging. Nasanay na din kasi akong magjogging noon kasama si Kin. Nakakamiss din pala ang dating nakagawian. Pinihit ko na ang pinto at saktong paglabas ko ay ang paglabas din ni Kin sa kabilang kwarto. Biglang lumakas tibok ng puso ko ng magkatinginan kaming dalawa. Malamig ang kanyang mga mata, walang ekspresyon ang mukha niya at walang kagana gana siyang nakatayo doon. Nakasuot din siya ng pang jogging attire, kaya alam ko ng magjojogging din siya. Nauna siyang tumalikod sakin at naglakad habang sinusuot ang wireless headset niya. Para naman akong binagsakan ng malamig na tubig sa kinatatayuan ko, too ba yun? dineadma lang ako ni Kin? wala naba talaga akong halaga sa kanya?

"ahh Kin"

Sinubukan kong tawagin siya, mga pitong hakbang lang ang layo niya sakin. Nakita ko siyang huminto pero hindi siya lumingon, kaya nilakasan ko na ang loob ko. Siguro Kin ito na siguro ang kailangan nating dalawa.

"S-sabay na tayo? t-total magjojogging ka rin lang naman eh..."

Hindi siya sumagot at pagkalaunay isang maliit na tango lang ang natanggap ko at tuluyan na siyang naglakad patungo sa hagdan. Wala na din akong ibang choice kundi sumunod sa kanya, aside sa hindi pa ako pamilyar sa mansion nila, chance ko na din to para makausap siya.


Kasalukuyan na kaming nagjojogging ngayon sa garden nila, sobrang laki pala talaga ng mansion nila, aside sa malaking fountain sa tapat ng mansion, meron din silang Maze garden at pool. At doon ko narealize ang lahat, kung gano kalungkot si Lucas nung mga panahong  na naninirahan lang siya  mag-isa sa isang malaking malaking bahay. Ngayon lang nangyari to, na nandito silang lahat dahil base sa kinwento sakin ni Kin, nung nagbibinata na silang dalawa ni Kent ay napagdesisyunan na nilang tumira sa sarili nilang condo. Kaya I understand Lucas now, aanhin mo ba ang malaking mansion, kung hindi ka naman masaya, kung ikaw lang mag-isa at walang nagaalaga at nagmamahal sayo.

"aahh! araaay!"

Anak ng tupa, sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko namalayan may bato pala akong naapakan kaya sa masamang palad, nadapa ako. Saktong dapa lang, yung dapa na nahalikan mo na ang lupa, masaya yun noh.  Napapikit akong umupo habang hinihimas ang siko ko, tssk mukhang nasugatan talaga ako sa katangahan ko. 

"sinabi ko naman sayong mag-ingat ka,  ang clumsy mo parin althea alam mo yun?"

Bigla akong napatingala sa nagmamay-ari ng boses na yun, nakita ko si Kin na nakatingin sakin, bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Dun bigla akong napanatag, may concern pa siya sakin. Yieee wag kayo.

"kaya mo bang tumayo?"

Inilahad niya ang kamay niya, agad ko namang tinanggap yun at sinubukang tumayo pero anak ng tupa nasprain yata ang paa ko  kaya natumba ulit ako. Ang sakit sa pwet di man lang ako sinalo! 

"Aray ko naman! papatayin mo naman ako eh!"

Inis na bulyaw ko sa kanya, napahawak ako sa paa ko habang pilit na iniinda ang hapdi at sakit nito.

"just like what you did to me?"

Hindi ko alam kung anong irereact ko sa linyang yun. Kung huhugot man siya sana naman nasa magandang pwesto kami hindi yung ganito ka awkward na sitwasyon na nakahawak padin siya sa kamay ko. Alam ko naman Kin na malaki talaga ang kasalan ko sayo eh, di mo naman kailangan ipamukha sakin yun.

"s-sorry"

"tsk"

Yun lang ang huling narinig ko galing sa kanya at maya maya pa naramdaman ko na ang pag-angat ng katawan ko sa ere. Binuhat niya ako. Sobrang nagulat ako sa ginawa niyang yun at mas lalong tumibok ang puso ko ng magkalapit ang mga mukha namin. Na-aamoy ko ang pabango niya, na malayong malayo kay Lucas. Ramdam ko din ang mainit na paghinga niya sa ulo ko habang papunta kami sa isa sa mga bench nila doon. Unti unti na ding sumisikat ang araw, mas lalo ko ng naaninag ang mala anghel na mukha ni Kin. Hindi nakakasawang tingnan.

Married To His Father (REVISING ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon