◆Chapter 12◆

6.5K 114 18
                                    


◆◆◆◆◆◆◆◆◆◆

"Sino ba yun Julie? ano bang gagawin ko?"

Kung iiwan lang din naman ako ni Lucas sa kung sino man yang taong yan sana naman binigyan niya nalang ako ng kahit isang clue. Mababaliw na ako kakaisip kung sino eh.

Ngiti lang ang isinagot ni Julie sakin saka kami huminto sa isang itim na pintuan, may naka ukit na CEO sa kulay Gold sa gitna nito.Parang mas lalo akong kinabahan ng unti unting binubuksan ni Julie ang pinto. Umatras si Julie ng bumukas ito ng tuluyan at inilahad ang kamay na nag uudyok sakin na pumasok sa loob, kaya hindi nadin ako nagpaligoy ligoy pa, gusto ko ng malama kung sino ang nasa loob.

Napamangha ako sa office ni Lucas, napakaganda, walang wala lang yung lobby kanina sa office niya, napaka elegante at napaka linis. Pagkapasok ko pa lang ay ang isang table glass ang bumungad sakin, nilapitan ko iyon at habang tinitigan ko ng matagal dun ko napansin na hindi pala siya glass kundi crystals! Ito ang table ni Lucas, nakapatong sa lamesa ang isang Granite desk sign, nakasulat doon ang pangalan ni Lucas. 

Lucas Sebastion Samerson

CEO

Pfft, may Sebastion pala siya? ang tanda. Sa sobrang pagkamangha ko sa office ni Lucas ay hindi ko napansin ang isang magandang babae, not until nagpapapansin siya sakin. Akala ko anghel eh mukhang hinulog sa langit ang attitude. Wag ako girl. Nakaupo siya sa sofa habang naka cross legs, pansin ko ang mahaba at makinis niyang legs kasing kinis ng pwet ko. Mataray siyang nakatingin sakin habang nakacross arms at hinead to toe pa ako. Si Julie naman ay nakatayo lang sa may pinto, malapit lang din sa kinaroonan niya. Sino ba siya? bat niya ako tinatarayan?  

"Julie, who is she?"

Binasag ko ang katahimikan, aba I have the rights to know, walang hiyang Lucas yun hindi ba naman ako sinabihan kung sino siya. Narinig ko naman ang pagsinghap ng babae na tila hindi makapaniwala sa narinig. Oa ha?

"ha..I should be the one who's asking you that! Secretary, sino ba yang babaeng yan? bakit ka nagpapapasok ng kung sino sino sa office ng father in law ko?! didn't you know that only few important people are allowed to get inside of his office? I'll tell this to him so he'll fire you!"

Napantig ang tenga ko sa narinig, father in law? At doon nagsink in sakin ang lahat! Nagets ko na kung bakit ganun ang reaction ni Lucas, at kung bakit inis na inis siya, true fact, nakakainis nga siya. Ang high ng tingin sa sarili. Wag nga ako girl mapapahiya ka lang.

"ahh ms. gladove--"

"get her out of here now"

Napatawa ako, HA HA HA, hindi umeepek yang ganyang ugali sakin, nasan ba magulang nito? hindi ba siya natuturuan ng good manners? 

"Julie, if what she said is true, then why is she here in the first place?" Ibinaling ko ang tingin sa kanya.

"I bet you're not even important, So why are you here?"

 Tinaasan ko siya ng kilay na siya namang ikinatayo niya at dali daling tumungo sa pwesto ko habang tinuturo ako.

"You! how dare you!"

Pinanlilinsikan niya ako ng mata, halatang galit na galit na siya sa lagay niyang yan, aba yan lang triggered kana? weak.

"How dare me? let me rephrase that young lady, first of all, if I were you ibababa ko yang kamay na yan"

Ibinaba niya ang kamay niya pero nakacross arms siyang nakaharap sakin. maldita talaga. Sino bang pakakasalan nito? Si Kent ba? kawawang bata

"second, how dare you to throw me your brat attitude, don't you have some manners? This is my husband's office and I can kick your ass any second if I want to.. now who the hell are you? "

Married To His Father (REVISING ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon