"Kuha lang ako ng popcorn." utas ko.
Andito kami ngayon sa bahay nina Akisha. Napag-usapan naming manood na lamang ng mga pelikula kaysa lumabas.
Lumabas ako sa kaniyang kwarto at bumaba. Nagsalin ako ng popcorn mula sa kawaling pinaglutuan namin kanina.
Kumuha rin ako ng juice mula sa ref at umakyat na muli sa taas. Nasa kama si Kish habang nasa lapag naman si Ali. Napagdesisyunan naming manood na lamang ng cartoons.
"Yun nalang!" turo ni Ali sa isang movie na mukha atang baby na naka formal suit.
Pinindot ko ang movie na iyon at nagsimula na ito. Habang nanonood kami ay nagtext si Mommy sakin.
Mom: Go home early. Walang kasama si Duanne sa bahay!
Why do I even need to be with this guy? I'm sure he can live by himself. Malaki naman ang bahay at kung gusto niya ay makipag-usap siya sa mga katulong namin!
Alas sais na nang natapos namin ang ikatalong movie namin. Ayaw pa naming umuwi kaya nagpadeliver nalang kami ng pagkain dito.
Patuloy pa rin ang pagte-text ni Mommy sakin habang kumakain. Pinatay ko na lamang ang cellphone ko.
Gosh! Nasa bahay naman ako nina Kish! Why don't they let me enjoy? Para naman akong bata kung ganito na lang lagi. Why don't they enjoy with their golden boy?
"What time are you going home, Serene?" tanong ni Ali sakin.
Nasa kama na kaming lahat ngayon, hawak ang mga cellphone.
"I don't know. Maybe 8?"
"Alright. I'll just text my driver then."
We took pictures of us together. Hinalughog namin ang closet ni Kish at nagsuot ng mga iba't ibang damit. I admit it. She has a lot of clothes and most of them are cropped tops. Or maybe dahil matangkad lang ako kaya lumiliit?
"Bye, Ali!" I kissed her on her cheek.
Tumungo na palabas ang kanilang sasakyan. For sure my parents will scold me again this time.
As I got near to our house, wala pa ring sumisigaw sa pangalan ko. Maybe they aren't home yet?
Pagkapasok ko sa aming double doors ay narinig ko silang nagtatawanan. Again, with Duanne. Sumilip ako ng bahagya at sakto namang nahagip ako ng tingin ni Duanne.
"Hi, Mom! Hi, Dad!" dire-diretso kong sabi sa kanila.
"I told you to go home early! It's almost 9 pm, Serene! When are you going to listen?" si Mommy.
"Helena, hayaan mo na ang anak mo." wika ni Daddy.
Bumaling naman ako kay Duanne na ngayo'y nakatingin sa akin. Tinaasan ko lamang siya ng kilay at inirapan.
This boy is so pathetic! Ang plastik niya. Tuwing nandiyan ang mga magulang ko ay para bang anghel na mula sa langit!
"You're 20, Duanne. Have you ever had or have a girlfriend?" tanong ni Daddy.
Nakuha niya ang buong atensyon ko ngayon.
"Wala naman po, Sir. I just take care of my grandmother and my 4 brothers. So I have no time for that." sagot niya.
"Well, if you do, just ask tips from me! Expert ata to sa mga babae." turo ni Dad sa sarili niya.
Pabiro siyang pinalo ni Mommy at nagtawanan sila ulit.
I should be glad that my parents are so happy like this. Ngunit bakit may kirot sa puso ko? I could dissapear from them now right away and they wouldn't even notice.
YOU ARE READING
Relentless Love
RomanceSerene Helena Alcantara is a girl with everything on her hands. She spends her life just enjoying and living life to the fullest. "It's cringe-worthy!" This is her reply whenever love comes up. She believes that love will just hurt you and make you...