"This week we're going to Pampanga." ani Daddy habang nag-drive.
Papunta kasi kami ngayon sa isang italian restaurant. Matagal na kasi since nagdinner kaming pamilya. And it's different this time because we are with Duanne now. Bumaling ako sa kaniya na ngayo'y nakatingin lang sa labas ng bintana. Kami lang dalawa sa likod ngunit napakalayo namin sa bawat isa.
"Really? For how long?" tanong ko.
"Maybe 2-3 weeks? Besides you still have a month before your classes start." wika ni Daddy.
I think it was 6 months ago when I last went there. It's our sembreak that time so we spent the whole week there. Nasasabik na akong makita si Aiden!
Saktong alas siyete ay nakarating na kami. Nagpareserve sila kaya iginiya kami ng waiter sa aming exclusive room.
The restaurant was screaming elegance. Ito ang isa sa mga paborito kong italian restaurant. It has a huge chandelier in the center. Minsa'y kapag pinapatay ito ay may mga fairy lights naman na sinisindian na sapat para lumiwanag ang buong lugar.
Umorder na kami at umalis na ang waiter. Katabi ko ulit si Duanne ngayon at kaharap ko naman si Mommy.
"Oh Duanne.. This is where we usually dine as a family. Masasanay ka rin dito!" si Mommy.
Pagkatapos ng halos limang minutong pagk-kwentuhan ay sinerve na rin ang aming pagkain. I ordered pasta. Ganon rin ang kay Duanne dahil ayon sa kaniya ay kung ano ang akin ay iyon na rin ang sa kanya.
"And about Pampanga.. Did you consider our offer, Duanne?" tanong ni Daddy.
What offer? Ang pag-aaralin ba nila siya dito nang libre? Oh! I didn't even convince him to do that. He has his free will. Maaari siyang pumayag at hindi sumang-ayon.
But my heart tells something.
My heart is hoping.Sana hindi siya umalis.
"I'm still thinking into it, Ma'am. And I still need my Lola's say about this." wika niya.
Nagpatuloy lang kaming kumain. Minsan ay kinakausap ako ni Mommy pero madalas ay nagtatanong lang sila kay Duanne. She even offered Duanne to stay in the mansion but he refused. Ang gusto niya raw ay makasama ang kaniyang pamilya.
Naaalala ko na naman ang aking mga sinabi kay Duanne noong isang gabi. Was I harsh? Iyon ang huli naming pag-uusap dahil naging malamig na ang turing namin sa isa't isa. But I told him that I wanted this. Na hindi niya ako pakielaman.
Did I really want it?
Nagpaalam ako kay sa kanila na pupunta lamang ako sa restroom. Kinuha ko na ang aking sling bag at tumayo. Nalaglag ang aking tinidor sa aking ginawa kaya pinulot ko ito ngunit may naramdaman akong mainit na kamay.
It was Duanne's.
Pinulot ko na ang aking tinidor at tuluyan nang lumabas sa aming room.
Kalma lang! Pinaypayan ko ang aking sarili habang papunta sa girl's room. What is it to me anyway? And why is this such a big deal?
Naghugas ako ng kamay at tinignan ang repleksyon sa salamin. This can't be happening. Maybe it's just infatuation or something!
Naglagay ako ng kaunting make-up. Pagkatapos ay lumabas na ako. Narinig kong may kausap si Duanne. Sa tingin ko'y ang lola niya ata ito. Pagbaba ng kaniyang cellphone ay aalis na sana ako ngunit humarang siya sa aking harap.
Serene, kalma lang!
"Are you still mad at me?" tanong niya.
Am I mad? No! Hindi ako nagalit sa kaniya. Kung alam lang talaga niya na..
YOU ARE READING
Relentless Love
RomansSerene Helena Alcantara is a girl with everything on her hands. She spends her life just enjoying and living life to the fullest. "It's cringe-worthy!" This is her reply whenever love comes up. She believes that love will just hurt you and make you...