"Bye Tita!" humalik si Ali kay Mommy.
Paalis na sila ngayon. Nakauwi na rin sina Mommy at Daddy mula sa Laguna.
"Okay. Ingat kayo. You sure you don't want Mang Pedro to drive you?" si Mommy.
"No, Tita. We're fine! Thank you for letting us stay here." si Kish.
"Babush, Serene!!" sigaw nila habang papasok ng sasakyan nila Ali.
I waved at them. Pumasok na rin ako sa loob ng bahay nang hindi ko na natanaw ang sasakyan nila. Narinig ko ngayon sina Mom at Dad na kausap si Duanne.
"Really? Serene's friends are quite talkative and hyper. Mabuti nalang at natiis mo?" pagbibiro ni Mom.
"It's okay, Ma'am. They are so nice. In fact."
"How 'bout, Serene? Hindi ka ba niya kinukulit?" ani Daddy.
Bumaling si Duanne sa akin ngayon.
"Hindi naman po. She's treated me very well." nakangiti niyang tugon.
"Oh, that's good. I've bought you some clothes and shoes while we're on our way home. Come!" anyaya ni Mommy kay Duanne.
Ipinakita ni Mommy ang mga paper bags kay Duanne.
"These are all yours!" si Daddy.
"Ako, Mom? Wala ba akong pasalubong?" panlalambing ko kay Mommy habang yumayakap.
"S-sorry, Serene. We're in a hurry so your Dad and I just got stuffs for Duanne. Besides, you have too much clothes and shoes!" tawa ni Mommy.
Wala akong ibang nagawa kundi tumango na lamang.
Unakyat na lamang ako nang hindi nila napapansin at nilubog na lamang ang aking mukha sa unan.
Bakit ba kasi hindi nalang nila ako pinanganak na lalaki? Bakit kailangan ko pang maramdaman lahat ng ito? I know maliit na bagay lamang ito kung tutuusin ngunit nasasaktan ako. Siguro ay nasanay ako na ako lamang ang pinagtutuonan ng pansin nila Mommy at Daddy.
"Serene?" narinig kong may tumawag sa akin.
"Come in." sigaw ko.
Nakita kong pumasok si Aling Ising sa kuwarto.
"Serene..." muli niyang tawag.
Umupo na siya sa kama ngayon at hinawakan ang aking kamay.
"Serene, huwag kang namang magtampo sa Mommy at Daddy mo.." panimula niya.
"Hindi naman po ako nagtatampo."
"Kahit hindi mo sabihin ay nakita ko ang sakit sa iyong mga mata kanina," wika niya. "Pagpasensiyahan mo na lamang sila."
"That's what I'm doing." simple kong sagot.
"Mahal ka ng mga magulang mo. Lagi mong tatandaan iyan."
"Pero bakit sa tingin ko'y nakakalimutan na nila ako? I know they always wanted a boy pero hindi iyon sapat na dahilan para balewalain nalang nila ako!" hindi ko na napigilan ang aking sarili at humikbi na.
Kaagad akong niyakap ni Aling Ising.
"Shhh. Tahan na, Serene." wika niya habang hinihimas himas ang aking likod.
Pinunasan ko na ang aking luha.
Pagkatapos ng ilang sandali ay umalis na si Aling Ising sa kuwarto. Inayos ko ang aking sarili sa salamin.
Napagpasiyahan kong magswimming nalang para mawala ng bumabagabag sa isip ko. Sinuot ko ang isa sa aking mga swimsuit at kinuha ang aking roba. Pagkatapos ay bumaba na ako.
YOU ARE READING
Relentless Love
RomanceSerene Helena Alcantara is a girl with everything on her hands. She spends her life just enjoying and living life to the fullest. "It's cringe-worthy!" This is her reply whenever love comes up. She believes that love will just hurt you and make you...