Wala pa mang sampung minuto ay bumalik na ako sa couch. Nagpaalam ako kina Kish at Ali upang bumalik na sa couch. I don't feel like partying tonight.
Nakita kong may dalawang babaeng nakatayo sa gilid ng table na nakikipag-usap kay Duanne. The two girls were smiling but his attention was on me. Binalingan ako ng dalawang babae dahil sa ginawa niya. Tumungo na ako roon at umupo sa ibang couch.
"So, are you free this Saturday?" tanong ng babaeng halos lumabas na ang kaluluwa.
Iminuwestra niya ang tabi niya at tinaasan niya ako ng kilay.
"What?" Walang tunog iyon pero sigurado akong naiintindihan niya.
Iminuwestra niya muli ang tabi niya at tumayo ako upang lumapit.
"I can't." sagot niya sa babae.
"Bakit naman pogi?" hinawakan ng isang babae ang balikat niya at hinimas-himas.
Hinila niya ang kamay ko kaya padarag akong napaupo at nauntog ang aking ulo sa kaniyang dibdib.
"My girlfriend's gonna kill me." He smirked then kissed me on my forehead.
What do this guy think he's doing?
Pinagmasdan lang kami ng dalawang babae habang nagbulong-bulungan.
"Make them believe." bulong ni Duanne.
"Ayaw ko nga. You should be the one dealing with your fans."
"Really? Your parents would be fuming mad when they find out that you left the other night."
"And do you think my parents will believe you?"
"Just fucking do it, Serene."
Nagpabuntong-hininga ako at bumaling muli sa dalawang babae.
"Hey, babe. Who are these girls?" Pagkatapos ay hinawakan ko siya sa dibdib at mas lalo pang inilapit ang katawan ko sa kaniya.
Bumaling ako sa dalawang babae na ngayo'y ang sama na ng tingin sa akin. Kinalaunan ay umalis din sila at naglaho sa gitna ng dancefloor.
Lumayo ako ng bahagya sa kaniya.
"Happy?" tanong ko.
"Babe." Nakangiti niyang tugon at tila ba inaasar ako.
"I just granted you a favor so extend my time!"
"No." wika niya.
"Why are you so unfair!" palo ko sa dibdib niya.
Inilapit niya ng kaunti ang kaniyang ulo sa akin. I smelled whiskey.
"Let's go home now, babe." he said huskily.
Magaalas diyes pa lang ay nasa harap na kami ng bahay. Pinasok na ni Mang Pedro ang kotse ay tuluyan na kaming bumaba.
"Duanne, ginabi ata kayo ni Serene?" si Mommy.
"Sorry po, Ma'am. Nagyaya pa po kasing kumain sa labas."
Tumawa ng bahagya si Mommy.
"Mabuti naman that you two are getting along." Nakangiti niyang tugon.
Ilang sandali lamang at lumabas si Daddy mula sa kusina.
"Andyan na pala kayo! By the way, Duanne I have something to discuss with you."
"Magbibihis lang po ako, Sir." wika niya.
"Night, Mom and Dad." hinalikan ko sila sa pisngi at umakyat na.
Isasara ko na sana ang pinto nang nakita kong papunta na rin sa kaniyang kwarto si Duanne.

YOU ARE READING
Relentless Love
RomanceSerene Helena Alcantara is a girl with everything on her hands. She spends her life just enjoying and living life to the fullest. "It's cringe-worthy!" This is her reply whenever love comes up. She believes that love will just hurt you and make you...