"Miss, tanghali na po."
Nagising ako at naramdaman ko na naman ang napakasakit kong ulo.
"Miss?" muling tawag ng isa naming kasambahay.
"Come in!" sigaw ko.
Pumasok si Grace dala ang isang tray na may pagkain.
"Pinaghanda ko na po kayo ng tanghalian. Pinapabigay po pala ito ni Sir Duanne." abot niya sa akin ng isang maliit na paper bag.
"Sina Mom at Dad?" tanong ko.
"Si Sir Rod at Sir Duanne po ay umalis habang si Ma'am Helena ay nagpunta po sa spa kasama ang kaniyang mga kaibigan. Hindi na po niya kayo pinagising dahil mahimbing pa ang inyong tulog." tugon niya.
Tumango na lamang ako at tuluyan na siyang umalis. Binuksan ko ang paper bag at nakita ko ang isang gamot para sa hangover ko. Napangiti naman ako sa iniwan niyang note sa tabi nito.
"Hope you'll feel better."
Tinignan ko ang aking cellphone na ngayo'y puno na ng text messages at missed calls kina Ali at Kish.
Kish: Where are you?
Kish: OMG! Serene, are you okay?
Kish: Are you home?
Ali: Kish messaged me. What happened, Serene?
Ali: We're worried!
I texted them back. Kinwento ko ang buong nangyari and they were relieved that Duanne was there.
Kumain na ako upang magkaroon ng lakas. Napagpasyahan kong magjogging ng alas singko hanggang alas sais ng gabi.
Nang makauwi ako sa bahay ay saktong papasok sa bahay sina Daddy, Duanne at Mommy? Wait. I thought Mommy was with her friends?
"Did you enjoy the dinner, Duanne?" si Mommy.
"Yes, Ma'am. Thank you."
"Ay nako! You have so much to learn from the company. You can be the head engineer someday!" ani Mommy.
"That's right, Helena. But Duanne is still young. We don't need to pressure him from these things. I'm sure the right time will come." si Daddy.
Nagtawanan silang lahat at pumasok na sa loob ng bahay.
"Serene, where have you been?" si Mommy.
"Jogging, Mom." tipid kong sagot.
Bumaling ako ngayon kay Duanne na nakatingin na rin sa akin.
"I thought you were with your friends?" tanong ko.
"Yes. Nagpasundo lang ako sa Daddy mo dahil along the way lang ang spa." she smiled.
Tumango na lamang ako at umalis nang hindi nila napapansin. Nagpatuloy naman sa pagpuri sina Mommy at Daddy kay Duanne.
"Serene, I told you. You should really tell your parents!" sigaw ni Kish habang nags-skype kami.
Nandito ako ngayon sa kwarto. Hindi na ako lumabas pa dahil alam ko naman ang dadatnan ko roon. I don't want to force myself to feel okay even when I am not. Kahit ngayon lang.
"I don't know." sagot ko.
"But you will just keep hurting. We don't want seeing you devastated each and every day!" si Ali.
"Sa ngayon, ayoko munang magsalita. My parents are really happy now. I don't want to kill their joy by just telling them my selfish feelings."
"That's not selfish, Serene! You're their daughter." ani Ali.
YOU ARE READING
Relentless Love
RomanceSerene Helena Alcantara is a girl with everything on her hands. She spends her life just enjoying and living life to the fullest. "It's cringe-worthy!" This is her reply whenever love comes up. She believes that love will just hurt you and make you...