Pumasok na agad ako at tumabi ako kay Kyle.
"Kyle, andito na ako." pabulong kong sabi sa kanya para hindi kami mapagalitan ng librarian. Hindi man lang siya sumagot o tumingin sakin. Tss. Ano naman kayang gagawin ko dito?
Ilang minuto na akong naka-upo lang dito. Pambihira nakakabanas nato ah.
Lumipat naman ako ng upuan at pumwesto ako sa harapan niya tsaka ko inunat yung mga kamay ko. Pinapakita ko sa kanya na nababagot na ako dito. Bakit ba kasi hindi niya pa ako tinuturuan?.
Nakakasuya naman. -___-
"Tss. Yan, basahin mo yan tapos sagotan mo narin." sabi niya sabay abot ng isang napaka kapal na libro. Pagbukas ko... Huuwaaat???! Sabog bungo neto! Maduduling ata ako sa dami ng numbers dito. @_@ . Ano ba sa tingin niya ang ginagawa niya?!
"Seryoso ka ba diyan Mr. Kyle Bryte Marquez??!" tanong ko sa kanya. Ako ba pinagloloko niya?
"Mukha ba akong nagbibiro?" pabalik niyang tanong sakin. Nagbabasa lang siya habang sinasabi niya yun pero alam kong seryoso nga siya sa sinabi niya. Tsk!
"Papaano ko sasagutan 'to eh ang dami-dami nito?." nasusuya kong tanong sa kanya.
Bakit naman kasi ang kapal-kapal nito.
"Tss. Use your stock knowledge." sagot niya.
"Ha? Seryoso? Eh wala nga akong stock eh,.... knowledge pa kaya?" pagbibiro ko sana pero totoo naman talaga yun eh. ~_~
"Hindi ako nakikipaglokohan sayo Ms. Janna Mae Valdez. Hindi ko rin naman sinabing sagutan mo lahat yan, yung kaya mo lang ang sagotan mo. Huwag mong pilitin ang sarili mo tsaka magfocus ka nalang sa ginagawa mo." seryosong sabi niya sakin.
Napalunok naman ako sa sinabi niya. So anong ibig niyang sabihin? Na tralala ako?
Na may tiriring ako? Na wala akong focus sa mundo, ganun bah?. Grabeeeeeh ang sama niya. :(
Nanahimik nalang ako at yumuko tsaka ko tinignan kung ilang pages, pagtingin ko sa last page.
Harujuskoh! Sabog talaga bungo ko neto!
544 pages LANG naman! Bruuh. =,=
"Pinaparusahan mo ba ako? ~_~" tanong ko sa kanya.
"No." tipid niyang sagot. Huhuhu. Yun na yun? As.in? Wala na ba talaga siyang iba pang sasabihin? Naman eh.
Sinubukan kong intindihin. May mga questions naman na kaya kong sagotan pero iba talaga eh, lumalabas talaga yung pagka bugiks ko sa numbers.
Napaisip tuloy ako, Bakit ba kasi hindi ako nagmana kina papa at mama. Pareho naman silang matalino sa Maths at English pero bakit ako hindi? Baka naman dahil yun sa gatas na iniinom nila. Hindi kasi ako mahilig sa gatas eh, kaya siguro kinakalawang agad yung utak ko.
Pambihira naman talaga oh.
Nagsimula na akong malula dahil sa dami ng numbers na nakatambad sa harapan ko ngayon. Naaaaaaaaaaaaaah. Ayoko na talagaaa. T---T
Makalipas ang ilang minuto ay nagdesisyon na si Kyle na lumabas ng library dahil tapos narin siya sa ginagawa niya. Mabuti naman!-_- Akala ko hindi na siya matatapos eh.
Tinignan niya naman ako pero inirapan ko lang siya. Heh! Huwag mo'kong kausapin! Pero naisip ko rin na hindi niya naman ako kinakausap ah?! Shunga lang Janna?! Tss. -_-
Aaah basta huwag na huwag niya lang akong subukang kausapin, tatadyakan ko talaga siya!
Ni hindi niya man lang ako tinuruan, akala ko ba tutorial?! Hmp!
BINABASA MO ANG
STRONG SINGLE HEART
HumorSimpleng teenager lamang si Janna Nag-aaral ng normal, may mga kaibigang kalog, mapagmahal na anak at higit sa lahat humaharot. Ngunit mababago ang lahat dahil sa isang katotohanang kanyang matutuklasan. Ito na kaya ang magtutulak sa kanya upang ma...