***ANGELIE'S POV***
"Saan mo ba talaga ako dadalhin Mike?" tanong ko kay Mike dahil nag tataka na ako.
Bakit ba kasi kami dumaan dito kung saan konti lang ang mga estudyanteng dumadaan.
"Basta. May surpresa nga ako diba?" sagot niya tsaka siya ngumiti ng nakakaloko.
Bwesit na Mike to! Huwag niya lang talaga akong pagnanasaan! >.< dahil pag ginawa niya yun nakuuuu talagang pagbibigyan ko siya! O_O
Eh?! O___O
Yan tuloy kung ano-anong kabuangan na ang naiisip ko! Pasalamat ka ultimate crush kita kaya may tiwala ako sayo. Hmp!
"Assuss! Supresa! Pag ako Mike hindi na surprise naku, lagot ka talaga sakin." pambabanta ko sa kanya.
Pa as.if na lang ako na parang wala akong iniisip na ibang bagay kundi ang surpresa niya kahit kanina ko pa iniisip kung pagnanasaan niya ba ako.
Jonks!Joke lang yun guys na may halong truth! HAHA !
"I'm sure you will, Angelie baby, and you'll be proud of me as what I'm always praying." sabi niya tapos hinawakan niya yung kanang kamay ko.
Wet lang naman Mike! Huwag kang magmadali, ninanamnam ko pa yong sinabi mo eh. Sheets!
Heto na naman ako! Umaariba na naman tong kalandi-erns ko pagdating kay Mike! Huhuhu. T_TKawawa na naman ako neto pramis! Pero naisip ko, bakit niya naman pinagdarasal na maging proud ako sa kanya?!
Eeeiiiih! >//<
Gusto kong matuwa, pero no way! Never! Hindi nga pwede diba?
Huy Angelie huwag ka ngang tanga! Do not careless you, ok?!
Shet! Hayaan niyo yung English ko!>.>
"Hay nako Mike! Ilang beses ko ba kasi sasabihin sayo na huwag ako. Hindi mo'ko mao-oto." confidence kong sabi sa kanya kahit sa loob-loob ko natatakot na ako.
Bakit ba kasi ang landi mo Mike? Alam kong mabait ka at sweet pa pero shet lang alam ko rin namang malandi ka. Masasaktan lang ang babaeng magseseryoso at papatol sayo. ~_~
"Look Angelie Baby. Ito lang masasabi ko at tandaan mo to hanggang sa huling sandali ng buhay natin. Ni minsan hindi kita inuto at wala sa sistema ko ang utuin ka." seryoso niyang sabi sakin habang pahigpit ng pahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
Shewmay ano ng gagawin ko ?
What I do, huh? What I do? Psh!
Kahit nagsusuntukan yang grammar ko at least maganda naman ako! CHAROT!
Pero seriousness! Hindi ako makagalaw ngayon sa kinatatayuan ko.
Tulong naman oh. Ayokong tumingin sa mga mata niya. Kahinaan ko yang mga titig niya eh. Labanan mo yan Angelie. Sige ka, masasaktan ka, gusto mo ba? Tinatakot ko nalang yung sarili ko para tumigil na ako sa shungahan ko. Hay! Pambihira.
I should breathing now! Hooooo.
Kaya ko'to!"O siyasiya. Tatandaan ko yan basta tandaan mo rin yung sinabi ko. Huwag ako." seryoso kong sabi sa kanya habang diretsong nakatingin sa mga mata niya. Pwede naman akong magpaka loka-loka ang importante ay iwasan ko na ang magpaka tanga!
Hindi ko naman kasi mapipigilan ang takbo nitong utak ko. Kailangan ko lang imonitor yung puso ko.
Mahirap na.
"Tss... Takot ka lang eh. Duwag." sambit niya. Para naman akong tinirador na puno ng konsentrasyon. Sapol eh! Pero paki ba niya?
Marunong naman akong magtapang-tapangan ah.
BINABASA MO ANG
STRONG SINGLE HEART
HumorSimpleng teenager lamang si Janna Nag-aaral ng normal, may mga kaibigang kalog, mapagmahal na anak at higit sa lahat humaharot. Ngunit mababago ang lahat dahil sa isang katotohanang kanyang matutuklasan. Ito na kaya ang magtutulak sa kanya upang ma...