CHAPTER 3

40 11 4
                                    

****

Mag aala syete na ng gabi ng biglang mag-ring yung cellphone ko. Pagtingin ko si Darel yung tumatawag kaya sinagot ko na agad.

"Hello Darel, Bakit napatawag ka?" tanong ko agad sa kanya.

Ano na naman kayang kailangan ng baklang 'to?

[Janna, bc ka ba?] - sa halip na sagutin yung tanong ko eh tinanong niya rin ako. -_-

"Bakit ba kasi?" - tanong ko rin sa kanya. =_=

[Magpapasama sana ako sayo] - sagot niya. Psh.

"Ano meron? Saan? Kelan? Sino kasama?" - sunod-sunod na tanong ko.

[Basta, huwag na dami tanong girl. Samahan mo ako ha?! ] - hanubayan, sa dami ng tinanong ko wala akong nakuhang ni isang sagot. Ang saya naman.

"Ayoko nga." sabi ko.

[Bahala ka isasama kita. Papunta na ako diyan sa inyo.] - sabi niya.

"Hoy Darel may gagawi--- *toot*toot*toot*" hindi na ako nagsalita pa kasi inend niya na yung call. Pambihirang bakla toh! Eh ano pa nga bang magagawa ko?.

Ilang sandali pa dumating na si Darel. Naka Formal attire siya.

Nakakagulat yung postura niya ngayon. Pero wait, san niya ba kasi ako dadalhin?!

Shewmay naman eh -__-

"Janna magbihis ka na ito suotin mo oh." sabi niya tapos hinagis niya sakin yung dala niya.

"Ano to?" tanong ko.

"Basta suotin mo nalang! Bilis malelate na tayo. Please Janna bilisan mo na..." - sabi niya habang nagmamakaawa sa akin. Ay? Ano ba kasing nangyayari. Kaya yun pumunta ako sa kwarto ko para magbihis tulad nga ng sabi ni Darel. Pagtingin ko sa damit na susuotin ko napalunok ako. Seryoso ba si Darel na ito ang ipapasuot nya sa akin? Isang Off shoulder na, backless pa!

Kita backbone ko dito eh! Hindi naman ako nagsusuot ng ganito! Maryusip! -_-

My G! Hindi ko ata keri to! Lumabas ulit ako sa kwarto ko pero hindi ko pa sinusuot yung bigay niya.

"Darel! Seryoso ka ba dito? Sabihin mo na kasi kung san tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.

Kinakabahan naman ako sa baklang toh. May balak ba siyang ibugaw ako?

Huhu huwag naman sana.

Pero naisip ko rin na bakit niya naman kailangan gawin yun kung pwede niya namang ibugaw yung sarili niya? Psh! Yan tuloy kung anu-ano na nanam pinag-iisip ko. -_-

"Hey girl ano ka ba? ang tagal mo sa loob, hindi ka pa pala nakakapag bihis? Pambihira ka naman oh. " reklamo ni Darel. Ganun? Siya pa'tong naiinis sakin ngayon? Wow.

"Eeeii, Darel naman eh, San nga tayo pupunta? Sabihin mo na kasi. Pramis isusuot ko 'to pag sinabi mo." pangungulit ko.

"Sa party ng Company namin, Kaya yan yung pinapasuot ko sayo kasi ikaw yung makakaDATE ko. So please Janna, tulungan mo naman ako." paliwanag niya. Hinawakan niya pa yung kamay ko tapos nag mamakaawa na rin siya.

"Eh bakit ako pa? Bakit 'di na lang si Jessa? si Aime? Si Mike??" sinamaan niya naman ako ng tingin nung sinali ko si Mike. "Sabi ko nga shut-up na'ko." dagdag ko.

"Ayaw nga nila eh, baka raw kasi hindi nila mapigilan ang sarili nila na tumawa, hindi pwede yun, alam mo naman sitwasyon ko kay daddy diba? hindi niya pa alam na sirena yung uniko hijo niya. Huhuhu. Please Janna I have no one to go to. HELP me puuhleeease..." pagmamaka-awa ni bakla.

STRONG SINGLE HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon