First of all I would like to thank MijAdrian for making my BookCover!😍 Ayiiee! Maraming Salamat nak!
Kaya lab na lab kita eh ! Ayiieeut!
Hahaha. Lablab nak ! Mwah! :*
-
So here's an update !
Yah yah yaaaahhh!!!! :D
--------------**** Triver University***
Masyado pang maaga para sa first subject namin, dahil 10 am pa naman may 2 oras pa akong hihintayin. Isinubsob ko muna yung mukha ko sa lamesa pero hindi ko parin tinatanggal yung shades ko, magkamatayan na pero hindi ko tatanggalin 'to !!! Bleeh! :P Kinakausap ko lang yung sarili ko at minsan sinasampal ko rin sa tuwing may naiisip akong hindi maganda. Intindihin niyo nalang ako.
Nakayuko lang ako hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
"Hoy Janna, Janna gising na huy! , Janna gumising ka na, Ay Putek! Janna Mae Valdez!!" - napabalikwas naman ako sa ginawa ni Jessa. Grabi naman kong maka-gising toh! Kala mo umuulan ng pera!
Pinahiran ko yung mukha ko, baka kasi may tumulo na alam mo na.
"Anong ganap girl? Bakit ang aga mo ata? Tsaka nakapagpanty ka ba?"- tanong ni Darel sakin.
"Tsk! Ang aga-aga ah?! W-wala, trip ko lang" - sagot ko tsaka ko inirapan si Darel.
Ang aga-aga pa eh, panty ko na agad ang pinunterya! Wengya ! ~_~
"Aah ganun ba? Eh yang shades mo? trip mo rin?! " - nakakalokong tanong sakin ni Mike. Nakatingin lang silang apat sa akin ng deritso, naghihintay ng isasagot ko.
"'Di niyo gugustuhing malaman"- sabi ko habang hinahawakan yung shades ko, baka kasi biglang hablutin ng mga TAPAT kong Kaibigan.
"Edi mas lalo kaming na intriga niyan!, bakit naman kasi di namin gugustuhin?" - pangungulit ni Aime. Ang kulit talaga nitong si Aime eh!
"Oo nga Janna, bakit ba kasi may shades pa eh ---"
"SORE EYES . " sabi ko ng walang emosyon. Hindi ko na pinatapos si Jessa sa sasabihin niya. Akma ko na sanang tatanggalin yung shades ng pigilan ako ni Aime.
"Wait--What??! No way! Huwag na huwag mong tatanggalin yang shades mo Janna ah! Kakalimutan ko talagang kaibigan kita! " - halos pasigaw na sabi ni Aime. Luh! Ang OA talaga ng babaeng toh. Asa naman siyang tatanggalin ko 'to, syempre hindi ko gagawin yun noh. Kunwari lang yun!
"Edi magkalimutan na." - sabi naman ni Jessa na nakangiti ng malapad. Baliw talaga tong si Jessa.
"Oh Aime, makaka-alis ka na." - dagdag pa ni Darel. Naku! isa pa tong baliw.
"Eeeeeeeh, kasi naman eh! Huy joke lang yun! Alam niyo namang OA lang talaga ako diba?" - ani Aime. Tss.
Siya na mismo ang nagsabi niyan ah? Wala paring sumasagot sa kanya kaya nakakaawa na masyado ang mukha niya. Gusto ko ng matawa sa hitsura niya. Haha! Shete lang! Pfft!
"Guys! Joke lang talaga yun! Huwag niyo naman akong kalimutan! Sige kayo, mawawalan na kayo ng isang TAPAT na kaibigan, ka-balitaan at ka-chikahan!" dagdag pa niya.
"Pfft! Tahahahahaha! " - hindi ko na talaga napigilang tumawa. Shets lang talaga! Muntanga! xD
"Hahahahahahaaha!" - nagtawanan narin sina Darel at Jessa.
"Huwaaaaaaah! Kayo talaga! Mga baliw talaga kayo, kaya mahal na mahal ko kayo eh!!! Huwag niyo na ulit gagawin yun ah?! Kinabahan kaya ako dun!" sigaw ni Aime. Ay grabeh siya! Mabuti nalang konti pa yong tao sa loob ng room at sanay narin sila sa amin na talagang napaka-ingay.
BINABASA MO ANG
STRONG SINGLE HEART
HumorSimpleng teenager lamang si Janna Nag-aaral ng normal, may mga kaibigang kalog, mapagmahal na anak at higit sa lahat humaharot. Ngunit mababago ang lahat dahil sa isang katotohanang kanyang matutuklasan. Ito na kaya ang magtutulak sa kanya upang ma...