Athena's POVWalang gana akong naglakad papunta sa gymnasium. Nababanas ako sa tuwing naiisip ko na kasama na namin si Jun sa club.
At tuloyan na ngang nasira ang araw ko nang makita ko siya harapan ko, napa irap na lamang ako at nilagpasan siya. Nakakaasar lang kase sumusunod na siya sakin.
"Umagang umaga nakabusangot ka na naman" di ko na lamang siya pinansin at mas binilisan ang paglalakad
"Good Morning" pangungulit niya.
"Wala man lang good morning too diyan?" nakangiting sambit niya at nang maaninag ko na ang gymnasium ay tumakbo kaagad ako patungo dun.
Napangiti ako nang makita ko si Jiseul na nagwawarm up, nagtagpo ang mga mata namin at agad nawala ang ngiti ko ng inalis niya kaagad ang tingin niya at seryosong bumalik sa ginagawa niya.
Ilang araw na niya akong hindi pinapansin at di kinakausap, kahit sa chat man lang.
Di ko napansin na nakatayo na pala si Jun sa gilid ko.
"Anong meron sainyo ni Jiseul?" deretso ang tingin niya kay jiseul.
Tumalikod ako sa kanya at naglakad papunta sa mga bleachers para ilapag ang mga gamit ko.
Tinawag na kaming lahat para magsimula na ang practice.
Nagulat ako nang hilain bigla ni Jun ang kamay ko.
"Ano ba bitawan mo nga ako!" sigaw ko sakanya
"Ako ang bagong makaka partner mo, okay?" nakangiting sambit niya
Napatingin ako sa pwesto ni Yuta at nakitang iba narin ang partner niya. Nagulat ako nang biglang may humila ulit sakin.
"Ako ang makakapartner niya" seryosong sambit nito. lagot.
i felt the tension between them pero mas nakaagaw ng atensyon ko ang malakas na tibok ng puso ko dahil sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko
___
medyo corny lul
BINABASA MO ANG
Let Me
Short Story"idol, pasali sa club niyo hehehe" ~and they met through the name of dancing