43.

61 1 0
                                    


kanina pa ako naghihintay dito sa labas ng apartment nila Sana, malamig narin dito sa labas dahil papalapit na ang winter kaya di na ako nagpasama kay Sana.

30 minutes na akong nakatayo dito, hindi pa nga niya siniseen ang mga messages ko, di rin naman siya active.

"Athena"

 

excited pa akong lumingon, akala ko siya na pero nadismaya lang ako.

"Jun"




"Anong ginagawa mo dito?" malamig na tanong ko sakanya


"Hinihintay mo siya no?" malungkot na tanong niya


"Oo, hinihintay ko si Jiseul" nakangiting sambit ko at gusto kong ipamukha sakanya na wala na siyang silbi sa buhay ko.

"Alam ko kung nasan siya ngayon, at sa tingin ko kailangan mo siyang makita" sumeryoso na nang tuloyan ang mukha niya kaya nagsimula na akong kabahan.


"Anong nangyari sakanya?" di ko maitago ang kaba sa boses ko "May masama bang nangyari sakanya?"

"Just follow me and see it yourself" malamig na sambit niya at nagsimula nang maglakad.

Medyo naoffend ako sa pagkasabi niya dahil parang wala lang sakanya lahat. Pero tahimik na lamang akong sumunod sakanya dahil tama nga siya, I should see it myself.

Akala ko sa isang hospital kami pupunta pero nagtaka ako nang pumasok kami sa isang building ng mga condominium. Tumigil kami sa tapat ng isang unit at agad akong napaangat ng tingin sakanya.


"Anong ginagawa natin dito?" kunot noong tanong ko sakanya.

May konklusiyon nang bumubuo sa utak ko pero ayaw kung isipin yung mga yon. Ayoko.


"Pumasok ka kung gusto mo siyang makita, nandito lang ako sa labas athena kung kailangan mo ko"

 

Itinulak ko ang pinto at tuloy tuloy na pumasok dito, walang tao sa common area kaya naglakad ako patungo sa isang pinto na medyo nakaawang.

Binalewala ko ang malakas na kabog ng dibdib ko at hindi nako nagdalawang isip pang sumilip doon.

"Jiseul please wag mo kong iiwan" the girl pleaded

unti unting naging familliar yung girl, there i saw the person i least want to see


"Shhh Jieqiong, I won't leave you" a tear escape from my eyes the time he hugged her


"Do you still love me?" tanong ni Jieqiong sakanya habang magkayakap sila.


Gusto kong tumakbo pero may parte  sakin na pumipigil at gustong masaksihan ang lahat. Gusto ko rin marinig ang sagot niya.




"Saranghae"


Di ko na alam ang mararamdaman ko, kung sasaya ba ko dahil finally narinig ko na ang salitang iyon mula sakanya o masasaktan dahil hindi iyon para sakin?


He kissed her so deep, full of love.


Tumakbo ako paalis, ayoko na. Tumigil lang ako sa pagtakbo nang may mabangga ako.

"Anong nakita mo sa loob?"


Oo nga pala haha, nandito lang pala siya sa labas, naghihintay.

"Jun, ba't ganito? ba't naulit na naman?" di ko na napigilang humalughog sa dibdib niya, hinang hina na ako.



"Binalaan na kita noon"



Ba't parepareho sila? Ba't kailangan nila akong saktan ng ganito dahil sa iisang babae?

Let MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon