Chapter 1 - The Switch

51K 1.1K 323
                                    

Clarke

NAGISING ako isang umaga na mabigat ang pakiramdam. I knew something is wrong as soon as I woke up. Bakit parang iba? Bakit iba ang amoy? Bakit sobrang tahimik? Tsaka bakit parang may nakadagan sa akin? Dahan dahan kong ginalaw ang aking katawan para mag unat ngunit parang may iba akong nararamdaman.. sa baba.

Minulat ko ang isang mata ko habang yung isa naman nakapikit pa. I slowly turn my sight to my side to see if may katabi ako which is very unlikely dahil ako lang naman mag isa sa kwarto ko eversince. Medyo blurry pa at madilim ang aking nakikita pero..

WHAT THE ACTUAL FVCK?!

Agad akong napatalon sa kinahihigaan ko and my eyes widen full of shock.

"Waaaaaa!" Sigaw ko na malakas. Napakunot pa ako ng noo dahil bigla akong nanibago sa boses ko, napahawak ako sa leeg at lalong lumapad ang paningin ko sa paligid.

"Babe? May problema ba?" Nagbaling agad ako ng tingin sa isang boses babae na ngayon ay nakaupo na sa kama, nagkusot pa ng mga mata.

"Sino ka?! Anong ginagawa mo dito?!" Pasigaw kong tanong sa babae.

"Huh? Babe nagse-sleep talk ka na naman." Tsaka siya humiga ulit at natulog.

OH MY GOD. ANONG NANGYAYARI.

Sobrang kaba at ang dami kong tanong sa utak ko at halos hindi ko na matugma at ma proseso. Napatingin ako sa paligid ngunit nakakasiguro akong hindi ko kwarto ito. Pag lingon ko sa likod nabigla ako sa nakita ko sa salamin.

THE HELL?!

Sino itong lalaki sa harap ko?!

Hindi ko na alam ang kasunod na nangyari dahil biglang dumilim ang paningin ko at bumagsak ako.

"Babe? Babe? Gising!"

Namulat ako muli. Akala ko malaking panaginip lang lahat kanina pero nadismaya ako dahil hindi. Isa pa din akong lalaki at ang kaharap ko ngayon yung babae kanina. Halos maluha luha na ako. Ano bang nangyayari?

"Babe tayo ka na diyan. Bakit naman diyan ka natulog?"

This girl is pretty to be honest. Ang ganda ng kilay niya, I wonder kung totoo ba ito or tattoed. Ang mata niya okay lang, same lang ata kami tapos pati ilong. But she has a pinkish cheeks which made her look gorgeous. Artista ba 'to?

"Threading ba yan or shaved lang?" Takang tanong ko sa kanya habang ako nakahiga pa at siya nakaupo sa tabi ko.

"What? Anong.."

The fvck, Clarke? Kung lalaki ako ngayon anong klasing lalaki ang magtatanong nun?

"Wala." Agad akong tumayo pero napahawak naman ako sa ulo ko dahil biglang sumakit.

"Babe are you sure okay ka lang?" Hinawakan niya ako sa may ulo at isang kamay naman sa tiyan ko. Nakaramdam tuloy ako ng init na hindi ko ma explain.

Lord, bakit ba ito nangyayari sa akin? Please sabihin mo naman na isang napakalaking panaginip lang ito at maghihintay nalang ako kung kailan ako magigising. Nakakaloka na po kasi.

"Babe?"

Tiningnan ko siya ulit. Nagkatitigan kami saglit. Gosh, isa pa 'to sa problema ko, bakit ang ganda ganda mo girl? Nakakainis!

"Pa-pasensiya na, babe." Gusto ko tuloy masuka sa pagkasabi ko ng babe pero naisip ko sakyan nalang ito dahil kung panaginip man, gusto ko mag enjoy ako dahil once in a lifetime lang ako maging lalaki kahit never nag cross sa utak ko yun. "Uhmm, ano nga ulit pangalan mo?"

"Sampalin kita gusto mo?!" Tinalikuran niya ako at umalis siya sa kinatatayuan namin at tumungo sa kama para mag ayos ng hinihigaan namin, shet namin talaga.

Tumakbo nalang ako patungong banyo at tiningnan ng masinsinan ang sarili. Wow? Sino ba 'tong hinayupak na lalaki ang pinasukan ko. Ke-ganda ganda ng katawan, may muscle at abs. Pinisil pisil ko ang muscles sa katawan at tiningnan maigi ang mukha. Ang gwapo! Ay okay lang, sakto lang. Mapapansin mo talagang maalaga sa katawan at mukha.

Dumako naman ang tingin ko sa baba, oo sa baba dahil na curious din ako. Chineck ko kung ano ang tinatago ng lalaking ito. Pagsilip ko sa suot na boxer shorts, napa Ohh ako. May ipagmamalaki nga naman siya.

PERO SHET NA MALAGKET.

Anong ginagawa ko sa katawang ito? At bakit napunta ako dito? Paano? Kailan?

Ughh! Sumasakit lalo ang ulo ko sa mga pangyayari. Lumabas ako sa banyo para kunin sana cellphone pero bumungad naman sakin ang nakahubad na babae. Bigla nalang akong tumalikod at akmang papasok ulit sa banyo.

"Babe?" Mahinang tawag niya.

"Po?" Sagot ko. Humarap ako pero yung tingin ko sa ibang direksyon. Iba kasi ang nararamdaman ko ng makita siyang ganyan, ang init!

"Paki sara naman ng bra ko sa likod, please." Sabi niya at hinawi ang buhok sa gilid giving me full view of her nape and her sexy back. Grabe maka torture ng babaeng 'to.

Dahan dahan akong naglakad patungo sa kanya at lumagok muna ng laway bago kinabit ang bra.

Lumingon siya sakin pagkatapos at ngumiti. "Thank you babe. Magluluto na muna ako ng breakfast." At naglakad na siya palabas.

"Ay miss. I mean babe. Uhh, alam mo ba kung saan ko nilagay yung phone ko?" Tanong ko. Sumenyas siya sa may drawer at nakita ko naman agad. "Thank you."

Dali dali ko itong kinuha pero leche may passcode. Tina-try ko kahit anong passcode na maisip pero hindi talaga ako makapasok. Napakagat ako ng daliri at nag isip. Usually sa mga passcode birthday, favorite number o monthsary ng mag jowa. Lumabas ako at nilapitan si girl, hindi ko talaga siya kilala.

"Uhmm, pasensiya na babe pero nagka amnesia ata ako. Kailan nga ulit yung birthday ko?"

Kunot noo siyang napalingon sa akin habang nag luluto. "April 18, 1992." Pabagsak niyang sagot, mukhang iritado na sa akin, pero bahala na kailangan ko lang mabuksan 'to para makalog in sa phone.

Sinubukan kong buksan gamit ang 0418 na code pero mali kaya sinubukan ko yung 1992 at tumpak, nakapasok ako. Bumungad naman sa aking ang 10 messages, tinap ko ito pero messages lang ng tatlong babae ang nabasa ko.

Eh walang hiya, babaero pala 'to eh! May girlfriend na pero andaming ka text, jusko. Sana patawarin ka sana ng Dios, napaka-fvck boy. Anyway, nag scroll ulit ako sa messages at hinanap ang possible na text ng girlfriend niya. May nakita naman akong Babe Lexa ♥️ na pangalan sa contacts kaya inayos ko ang sarili ko at tiningnan ang nakatayong babae sa harap ko.

"Le-lexa?" Mahinang tawag ko sa kanya. Lumingon naman siya agad.

"Oh? Bakit?"

Tumpak! Lexa nga ang pangalan niya. Wow ang galing galing ko talaga. So kung siya si Lexa at siya ang girlfriend sa katawang ito, ibig sabihin fvck boy nga siya. Andaming ka text na babae eh! Wait matingnan nga ang facebook messenger. Ngunit hindi na ako nagulat dahil kahit doon madaming messages din na mga babae, naka mute nga lang.

Kaloka this guy.

"Kain na tayo babe, magsisimba pa tayo after." Aya sa akin ni babe, lexa or whatever.

Umupo naman ako at kumain nadin dahil nagugutom ako sa nangyayari.

"Syanga pala, may lakad ako eh. Pwede bang hindi na muna ako sumama sa pagsisimba? May importanteng pupuntahan lang kasi ako." Sabi ko.

"Gaano ba ka importante yan? Pwede mo naman puntahan after. 1 hour lang naman ang pagsimba."

Hindi na ako umimik dahil sa tono ng boses niya mukhang ma be-beastmode na.

Body Switch - Short Story [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon