"Asan ka na ba? Malamig na kape ko kakahintay sayo. Tagal mo leche ka." Inis na sabi ko sa kanya.
"Malapit na talaga ako promise. Wait lang!"
Binabaan ko nalang siya ng tawag at nagpatuloy uminom ng kape. Kanina pa ako andito naghihintay sa bestfriend kong what's new? Palagi nalang nale-late. Anong petsa na, nakakabagot na maghintay.
Alexa Castillo accepted your friend request.
Napatingin ako sa cellphone ko nang may mag notify.
Shet, si Lexa!
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko walang joke. Na excite ako na ewan at napangiting nakatingin lang sa notification sa Facebook.
Si Lexa nga, anong gagawin ko?
I me-message ko ba?
O di kaya mag waive?
Nakakahiya!
Tinap ko ang message button para kay Lexa para mag waive.
"Ano yan?"
"Jusko!" Muntik ko ng mahulog cellphone ko sa bigla at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Bwisit talaga 'tong bestfriend ko na si Destiny. Nasa likuran ko na pala siya at sinilip pinaggagawa ko sa phone ko. "Ano ba, Destiny! Mamamatay ako sayo sa gulat."
"Akala ko ba patay ka na at ibang Clarke na 'tong kaharap ko?" Pang-iinis niya pa. Pumwesto na siya sa harap ko at umupo.
"Leche ka talaga. Late ka na nga!"
"Natagalan ako sa buhok ko eh, pasensiya naman. Teka, nag order ka na ba para sa akin?"
"Swerte ka! Mag order ka ng iyo."
"Ikaw na nga 'tong inimbitahan ako mag kape tapos hindi mo ako ililibre? Ang damot mo pa rin!"
Tumayo na siya at umalis para mag order. Ako naman ipagpapatuloy ko ang pag cha-chat kay Lexa. Pagtingin ko sa phone hindi ko pa pala natuloy yung waive ko. Ita-tap ko na sana yung waive pero biglang..
Alexa is waiving at you!
Tap to wave back.What????
Nanlaki ang dalawang mata kong nakatingin sa cellphone. Hindi ba ako nananaginip? Totoo ba 'tong nakikita ko ngayon? Si Lexa ang nauna!
Halos lumundag na 'tong puso ko sa lakas ng kabog. Leche, bakit ganito nararamdaman ko? Baka dahil to sa pagka-coma ko.
Ano, Clarke? Tititigan mo lang ba chat niya?
Agad akong ng type ng 'Hi.'
Bakit parang nahihiya naman yung chat ko.
Dinagdagan ko nalang ng 'Kumusta?'
My god, napaka pormal naman.
Patingin tingin lang ako sa cellphone ko habang naghihintay sa reply ni Lexa.
"So anong sasabihin mo?" Tanong ng bestfriend ko nang nakabalik na siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/129298866-288-k106413.jpg)
BINABASA MO ANG
Body Switch - Short Story [GxG]
Fantasia[** #1 Highest Ranking on #gxg & #lgbt **] Paano kapag isang araw bigla ka nalang gumising sa katawan ng isang lalaki? Kasabay nito ay pagkilala sa isang napaka gandang babae na hindi mo halos maisip na mahuhulog ka. Story inspired by Movies : Hot C...