Chapter 18 - That Noise

19.5K 797 229
                                    

TO be honest, wala akong experience sa mga Motel na yan at never pa akong nakapasok not until tonight. Wala man akong experience pero definitely alam ko kung ano ang motel at ano ang pinagkaiba nito sa iba. Nagkaroon kasi ako ng mga barkadang manyak kaya nagka idea ako sa mga ganito.

Pagbukas pa lang ng pinto at unang hakbang ko papasok ng kwarto ay ang dilim dilim na. Hindi kagaya ng ilaw sa bahay o hotel na maliwanag dito madilim talaga.

"Eto na ba yung pinakamaliwanag dito? Ba't madilim pa din?" Tanong ni Lexa ng ma switch na niya yung ilaw. Gosh, wala ba siyang kaalam alam na nasa motel kami?

Maliit lang yung kwarto na may sariling CR. Malaking kama at maliit na TV tapos side table na may lamp. Ang nakaka-weird, may malaking salamin sa gilid.

Umalis si Lexa sa kinatatayuan niya at pumunta sa kama para ilatag mga gamit niya. Ako naman lumapit sa switch at pinag-aralan ko yung ibang pwede pindutin. Sinubukan kong pindutin ang isang switch at medyo lumiwanag na siya ng konti.

"Okay na siguro yan." Napansin ni Lexa ang pagbago ng ilaw dahil tumingin tingin siya sa paligid. "Sige Clarke, ikaw na mauna sa CR para naman makaligo ka at baka magkasakit ka pa niyan." Sabi niya at ngumiti sa akin. Palangiti talaga siya.

Ewan ko ba kung nakakaramdam ako ng concern sa kanya o baka dahil nababahuan na siya sa akin. Ikaw ba naman basang basa sa ulan tapos halos iligo na ang putik.

Pumasok na ako ng CR at naligo. Nilabhan ko na din yung damit ko at patutuyuan ko na lang malapit sa aircon.

Pero ano susuotin ko bukod sa panty at bra? Hindi naman pwede nakahubad ako, jusko po.

Binalot ko na lang yung katawan at buhok ko ng towel at lumabas.

"Lexa, may bathrobe kaya sila dito?" Tanong ko sabay lagay ng mga damit ko malapit sa aircon para mabalis matuyo.

"Hindi ako sure." Nakaupo lang siya sa kama at inayos mga dala niyang gamit.

Obvious naman kasing wala pero gusto ko lang may masabi. Tinawagan ko ang receptionist at nagtanong. Unfortunately, wala silang bathrobe at ngayon magto-towel na lang ako.

"Wala daw?" Tanong ni Lexa. Narinig niya siguro yung pagtawag ko sa receptionist.

"Wala daw eh."

"Ang unusual naman. Pero okay naman siguro maghubad ka na lang muna matulog, tayo tayo lang din naman."

Halos malaglag na yung panga ko sa sinabi niya. "Ha?" Nagulat ako dun.

Wala siyang sagot. Mukha ngang wala siyang narinig. Naging busy kasi talaga siya sa mga gamit niya. Hindi naman ako pwedeng matulog na may towel kasi basa gamit sa pampunas ko kanina sa buhok ko at katawan. Mukhang mag ba-bra at panty lang ako matulog nito.

Matutulog talaga kami dito sa motel?

"Lexa, hanggang bukas pa tayo dito?"

Lumingon siya sa akin. "Oo, okay lang ba? Nag text kasi yung kapit bahay ko, baha daw malapit sa bahay hindi ako makakatawid. Tsaka basa pa din yung damit mo." Turo niya sa damit ko.

Oo nga naman may point siya. Pero ako hindi talaga mapakali eh. Ang dim ng area tapos ang tahimik pa. Dagdagan mo pa yung nakatowel lang ako kasama yung taong hindi ko pa masyadong kilala.

Tama ba 'tong decisyon ko? Kakausapin ko nalang siya para mawala yung awkwardness.

"Lexa. A-ano work mo?" Pasimulang tanong ko.

"Nurse, ikaw?"

"IT officer."

"Uy, magaling ka pala sa computer." Eto na naman yung impresyon ng karamihan na kapag IT graduate magaling sa computer. Ang IT po kasi more of developing software programs. Pero syempre may alam din when it comes to hardware. Mas focus nga lang sa software.

Body Switch - Short Story [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon