Chapter 6 - First Time

24.9K 772 113
                                    


MATAPOS ang flashback na yun, napangiti ako habang pa scroll scroll sa mga pictures sa camera roll ko. Ang cute pala naming dalawa ni Lexa, ngayon ko lang napagmasdan ng maigi. Wala akong ibang masabi kundi ang ganda niya talaga. Not that I'm crushing on her. Maganda lang talaga siya. Natural lang sa dalawang babae ang pumuri lalo na't totoo naman.

Simple lang naman ang beauty ni Lexa. Hindi siya yung babaeng makapal ang mukha dahil sa make up. Yung tipong lip tint at pressed powder lang. Tsaka halatang inaalagaan niya ang mukha at katawan niya kasi ang kinis eh. Daig ko pa talaga 'tong babaeng 'to. Ako kasi ang daming ritwal bago umalis o matulog.

"Ay. Ang cute natin diyan babe. Patingin nga."

Napatingin ako sa gilid at dumungaw pala si Lexa sa akin at ngayon kinuha ang phone at tinitingnan na ang mga pictures nito. Habang nag scro-scroll siya ay dinantayan niya ako. Nakahiga na kasi kami. Para tuloy akong isang kahoy sa posisyon ko. Nakatiyaha lang ako ng bigla niya akong dantayan. Okay lang sana pero nung simula niyang igalaw galaw ang paa niya sa may pribadong parte ko sa baba ay biglang may kuryente mula nito at dumaloy sa buong katawan ko.

Nakukuryente ako sa ginagawa niya. Shet, huwag kang papaapekto Clarke, wag mo na isipin. Isipin mo yung katawan mo ngayon, kung saan na yun. Kumakain pa ba yun, naliligo, nagta-trabaho? Kahit ano ang isipin ko bumabalik pa din ito sa nangyayari ngayon. Patuloy pa din ang ginagawa ni Lexa sa paa niya na ginagalaw sa baba. Why am I feeling so hot?!

Hinawakan ko ang paa niya upang pigilan sa ginagawa niyang paggalaw kasi na di-distract na ako. "Lexa.."

"Hmmm?"

Tumingin siya sa akin saglit at umalis sa tabi ko para ilagay ang phone sa tabi kong table. Thanked GOD natigil na rin, mukhang wala lang din sa kanya yung pangyayari.

"Babe? Pa-hug." Sabi niya ng humiga ulit. Wala naman akong choice kundi tumango lang.

Actually, ito ang kauna-unahang magkatabi kami ng babaeng 'to. Dahil nung unang araw ko as isang lalaki ay umuwi ako sa apartment at dun natulog. Tapos pangalawang araw na ngayon na halos hindi ko na kinakaya. Gustong gusto ko ng bumalik sa dating katawan ko. Sa pagiging babae. Baka kasi napapabayaan na yun. Aaminin ko, maarte pa naman akong tao.

"Babe?" Nakapatong na siya sa akin ngayon habang yung dalawang kamay niya nakahawak na sa magkabilang balikat ko at tinititigan lang ako which is nakakailang.

"Ano?" Oh God, umalis ka na diyan sa harap ko.

"Pakiss ako." Lambing na pagkasabi niya, kanina hug ngayon kiss na naman? Ang clingy foes.

Hindi pa ako ready makipag laplapan sa isang babae kaya niyakap ko na lang siya. "To naman! Na miss ako agad. Matulog ka na, may work ka pa bukas." Pagdadahilan ko.

Ngunit kumiwalas naman siya sa pagkakayakap at tiningnan ako na naka-kunot ang noo. "Ayaw mo na akong halikan? Hindi mo na ako gusto? May iba ka na?" Lumalabi pa siya.

Halos mabaliw na ako sa babaeng 'to. Hindi ko na nga kinakaya may kasa-kasama ako araw araw sa lahat ng gagawin ko how much more sa kama at sa ganitong sitwasyon na hindi naman ako sanay. I'd like to claim myself na independent kasi simula after college ako na talaga mag-isa ang bumubuhay.

Pero ayoko naman makasira ng relasyon kaya kahit labag sa kaloob looban ko ay ginawa ko nalang ang nararapat as boyfriend ng babaeng 'to. Pagbibigyan ko nalang. Hinaplos ko ang magkabilang pisngi niya at naka tingin lang sa baba niya, ayoko tingnan siya sa mata or sa lips, hindi ko kaya. At bigla siyang hinalikan sa lips pero syempre smack lang.

Tsup!

"Oh ayan, okay na?" Sabi ko nang mailayo ko na ang mukha niya.

"Gusto ko matagal." Sabi niya at naglungkot lungkotan pa.

Humaygad! Ayoko na, ayoko na.

I give up. Hindi ko 'to kaya!

Nakakaloka.

Ngunit hindi niya nabasa ang pag-iisip ko at siya na ang nag initiate na humalik.

Gulat na gulat ako ng dumampi ang labi nito sa labi ko. Para tuloy akong binuhusan ng isang napakalamig na tubig. Mukha na akong nag ice bucket challenge sa reaksyon ko. Sa sobrang lamig, naninigas pati labi ko.

"Hmmm." Mahinang ungol niya.

Nagsimula siyang pumwesto sa ibabaw ko na hindi hinihiwalay ang aming mga labi. Hindi ko ma explain, first time ko makipag halikan sa isang babae. Ni bestfriend ko hindi ko nahalikan sa lips, tsaka bakit ko naman hahalikan?

Hindi tumagal at dahan dahan na niyang ginalaw ang kanyang labi. Sobrang lambot. Not kidding here, I've kiss guys before and I won't lie, mas malambot kay Lexa. Sa sobrang lambot napapikit na lang ako. Nandidiri ako na ewan but at the same time gusto ko din iexperience 'to. To kiss a girl? Maybe.

"Hmmm." Isa pang ungol niya.

Kanina dahan dahan lang ang paggalaw ng labi niya pero ngayon medyo bumibilis na. Hindi ko na napigilan at nadadala na din ako. Nakikisabay na din sa paggalaw ang labi ko sa labi niya. Para akong uhaw o gutom sa pag responde. Sa totoo lang hindi ko alam bakit ganito pero nag e-enjoy ako na ewan.

"Hmmm." Napa-ungol na din ako.

This time around naramdaman ko na ang paglabas ng dila sa mga labi ni Lexa trying to make its way into mine. Oh gosh pati dila niya malambot din. Seryoso ba 'to?

Nadadala na talaga ako. Yung buong katawan ko parang kahoy lang sa tigas pero yung mga sanga nalang niya ang tanging gumagalaw.

"Babe, take off."

Agad akong napatigil ng marinig ko yun galing sa kanya. Don't tell me magse-sex kami? No way!

"Uhh inaantok na ako eh." Pagdadahilan ko.

"Inaantok ka na pero yung ano mo hindi?" Sabay turo niya sa baba.

Nakakahiya! Ganito pala yung feeling maging lalaki? Kahit halikan lang naninigas na agad? All this time akala ko yung katawan ko lang naninigas pati ba naman yung alaga ko?!

Namumula na ako at halos hindi makasagot. Paano ba 'to palalambutin? Wala akong kaalam alam paano gawin 'to. Kusa lang talaga siyang nanigas, nakakahiya na po, help!

Nag-iisip pa ako ng isasagot ng hawakan bigla ni Lexa ang junior ko. Isang napakalaking pagkakamali ang hayaan siyang hawakan iyon. Sa hindi inaasahang pakiramdam bigla akong uminit.

"Gusto mo?" Sabi niya.

Agad akong tumanggi. "Hindi."

"Bakit ang pakipot mo ngayon?"

"Inaantok kasi talaga ako." Sabi ko.

Akala ko hahayaan na niya ako pero hindi. Ibinaba niya ang suot kong boxer at brief at hinawakan bigla ang pagkatao ko. Nakakabaliw talaga 'tong babaeng 'to, jusko po!

Ramdam na ramdam ko ang init ng kamay niya. Buong palad niyang hinawakan ito at parang sinasakal. "Sandali lang 'to." Sabi niya at bumaba. Akala ko ibabalik niya ang boxer at brief ko pero hindi. Yumuko ito at isinubo.

Mababaliw na ako ngayon sa totoo lang!

Klarong klaro sa paningin ko ang ginagawa niya kaya napapikit nalang ako. Ganito pala yung feeling. Masarap pero nakakahiya. Ramdam na ramdam ko ang basa ng bibig niya at dila niya na nilalaro ang pagkatao ko. Pero bigla akong natauhan.

"Wait lang!"

Hindi ko na napigilan at umalis ako sa kinahihigaan ko at pinatigil siya sa ginagawa niya sa akin. Tumakbo ako diretso sa CR at ni-lock ang pinto.

WHAT THE ACTUAL FVCK?!

Body Switch - Short Story [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon