Chapter 9 - Drunken Night

19.3K 629 27
                                    

HINDI natatapos ang mga tanong ni Lexa hanggang sa nakarating na kami ng bahay. Ayaw niya akong tigilan.

"Sabihin mo sakin ang totoo, finn!"

"Kung sasabihin ko sayo yung totoo maniniwala ka ba?"

Napatigil siya at puno ng katanungan ang reaksyon niya. "What?"

"Umuwi ako sa totoo kong apartment. I was there trying to analyze everything and gather whatever info I can get. Pero biglang dumating kapatid ko si Carissa and everything went into chaos."

"Pinaglalaruan mo ba ako?" Sabay turo ng kamay niya sa kanya referring to herself.

"I am not, lex. And that's the truth."

"Alam mo, it's too obvious that you are trying the best that you can to get away from this!"

"Oo! I am trying to get away from this body." Turo ko sa sarili ko. "Gustong gusto ko ng umalis sa katawang 'to. Like I said before, I am not you think I am. Hindi ako si finn. Mahirap nga paniwalaan at mahirap pa patunayan sa ngayon pero yun talaga ang totoo lex, I'm telling the truth." Pagmamakaawa ko na.

Tiningnan lang niya ako ng masama and released a very heavy sigh. "Napakasinungaling mo talaga." And walked out.

Ako na nga nagsasabi ng totoo, ako pa sinungaling. I don't even know how to position myself into this. Kung magsisinungaling ako, I feel so guilty. Kung hindi naman, hindi din kapani-paniwala.

Umupo nalang ako sa sofa at nag-isip pa ng pwedeng gawin. Bestfriend ko tinakbuhan ako, kapatid ko pinakulong ako. Si Lexa naman ayaw maniwala sakin. Ano pa ba pwede kong gawin?

•••

"Isa pang tequila sunrise!"

Andito ako sa bar mag-isa trying to vent out. Wala naman akong kilalang kaibigan ng lalaking 'to and I'm never going to be stupid again to invite someone who don't know this person. Stress na din ako eh, I feel so damn frustrated and hopeless. Might as well enjoy.

Hindi na ako nagpaalam kay Lexa, lowbat na din yung cellphone kaya I'm feeling so liberated. I'm not yet drunk dahil cocktail drinks lang naman ininom ko. Lakas pa maka-react ng bartender sa order ko, akala siguro bakla ako. Eh hindi naman ako umiinom ng hard.

Halfway through the night medyo nakainom na ako. Umorder nalang ako ng beer dahil nakailang tequila sunrise na ako at hindi pa ako natatamaan. Gusto ko magwalwal ngayon. Yung feeling na wala na akong pakialam kahit pulutin na ako sa labas. Hindi ko naman katawan 'to eh kaya bahala na.

"Finn!" May tumawag sakin nang papunta na ako sa CR. Isang babae na ubod ng sexy. Wearing black bodycon dress. Honestly, hindi ko siya kilala kaya tiningnan ko lang siya saglit at nagpatuloy maglakad papuntang CR.

"Finn, wait!" She grabbed my arm and made her way to my front. "Hey." Bati niya at abot taenga pa ang ngiti.

"Hello." Sabi ko din. Gurl hindi kita kilala. Alis diyan. "CR muna ako." At naglakad ulit papuntang CR. Naiihi na talaga kasi ako.

Paglabas ko ng CR, ngarag na ako at lasing na. Pero nakatayo pa din yung babae sa harap. Gosh, sino ba 'to.

"Done?" Sabi niya at ngumiti ulit sakin. Tumango lang ako. Maglalakad na sana ako papunta sa table ko pero ikinublit niya yung kamay niya sa braso ko. "After everything finn it seemed that you're acting like you don't know me anymore." Bulong niya sa akin.

Napalingon ako sa kanya at tiningnan siya from head to toe. Isa 'ata 'to sa mga babae ni finn. "Kumusta?" Tanong ko.

"I'm fine, ikaw ba? Mukhang naglalasing ka ngayon ah. May problema?"

"Wala naman, gusto ko lang mawala stress ko." Sabi ko at umupo ako ng makarating kami sa table. Kahit siya umupo na din. Malas mo gurl wala akong pera panlibre ng drinks mo.

"Well there's a fun way to get that stress out from your body. You know that finn." She said while smirking at me.

"Talaga, ano naman yun?"

"Ikaw talaga, cute mo pa din! Kaya irresistable ka eh." Sabay kurot niya sa may singit ko dahilan para mapatuwid ako ng upo. Tumatawa pa siya.

Hindi ko man siya kilala but I'm pretty sure kilala siya ni finn. I shouldn't be entertaining this lady but I really need someone to talk to right now kaya gora.

"Saan nga ulit tayo nagkakilala? Sorry nakalimutan ko na." Tanong ko ulit.

"Sa bar, remember? Pero hindi dito." Sabi niya at sumenyas sa waiter. Sige umorder ka, ikaw talaga magbabayad niyan. "Anong gusto mo inumin? My treat." Ow wow, judgemental talaga ako. May pera naman pala.

"Whatever you're having nalang."

"4 shots of flaming lamborghini then. Tagda-dalawa tayo." Then she smirked at me again. Mukhang mayaman naman pala 'tong babaeng 'to. Na wrong ako, akala ko kasi mga fvck girl looking na babae sa bar puro palibre lang. Pasensiya naman, wrong judgement lang.

Mahaba haba na din yung usapan namin nang dumating na yung order niya, akala ko another cocktail drinks but it turned out different. "Ready?" Sabi niya and we started sipping the shot.

Isang shot pa lang at nahilo na ako. Ang hard pala nun, patay tayo dito. Before the second shot, this girl was already caressing my legs. Ako naman usog pa ng usog sa kinauupuan ko. Nevertheless, enjoy na enjoy naman ako kasama siya. Actually masarap siya kausap, may sense. Mukha lang kaming mag bestfriend na matagal nagkita, ganun.

"Last shot?" Aya niya. Tumango lang ako.

Matapos ang dalawang shot na kahit dalawa lang yun ay sobrang lasing na ako. Hindi na ako halos makatayo at sobrang hilong hilo na. Tinatawanan lang niya ako at natatawa nalang din ako sa hitsura ko.

"Samahan mo naman ako pumara ng taxi." I slurred while saying it to her. Hindi ko alam ang name niya at ayaw ko na din alamin. Hindi ko na din kasi kaya maglakad mag isa, natutumba ako kaya kailangan ko yung tulong niya.

"Ihahatid na kita." Suhestyon niya.

"No." Angal ko. I don't think proper na magpapahatid ako sa babaeng 'to sa bahay ni Lexa, baka makita niya kami awayin na naman ako. Pero hindi din naman ako pwede sa apartment ko kasi na trespassing na nga ako dun. "Magta-taxi nalang ako."

"You're drunk finn. Atleast let me take you home. Or stay ka muna sa condo ko for a while."

Tiningnan ko yung wallet ko kung may pera pa. P100 nalang natira, what can I say? Party pa more. "Pwede pahiram? Wala na pala akong cash."

Tumawa lang siya at hinawakan ang bewang ko for support at iginiya akong maglakad. "Wala din akong dalang cash kaya sa condo ka nalang muna bago kita ihatid sa inyo." Sa totoo lang nababaitan ako dito sa babaeng 'to. Mas okay na din kung ganun dahil kung uuwi ako kay Lexa malamang magagalit yun dahil nalasing ako. Diba ganun naman yung mga babae.

Pagdating ng condo agad akong pinahiga. Infairness siya pa nag hubad ng sapatos ko, bait talaga.

Sa sobrang antok at pagkahilo ay natulog na ako. Minutes felt like hours nagising ako ng may nagsa-salsal sa alaga ko. At kahit lasing at antok pa ang pakiramdam ko agad akong napaupo sa kinahihigaan ko.

"Anong ginagawa mo?" Sabi ko. Pansin kong nakababa na pala ang brief at pants ko at tanging nakikita ko lang ngayon ay ang nakatayong Leaning Tower of Pisa na may plastic.

Humaygad this girl.

Body Switch - Short Story [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon