Chapter 33 - Bad Dream

18.7K 777 129
                                    

Clarke

KASALUKUYAN naming binabaybay ang daanan pauwi ng siudad. Tapos na pala ang napaka memorable naming bakasyon. Nakangiti akong nakaupo sa may gilid habang tinitingnan ang tinatahak naming lugar. At kung bakit? I don't know exactly how I'll put it into words pero ang sarap at gaan lang sa pakiramdam na sa wakas nasabi ko na rin kung ano talaga ang totoo kong nararamdaman. Sabi nga nila it takes courage and effort to finally admit what you truly feel inside.

Konti lang naman siguro ang taong confident sa pag amin sa kanilang nararamdaman towards who they like or love. Takot kasi tayong ma reject, yun ang totoo. Na kapag umamin tayo may pagkakataong iiwasan tayo. Kapag iiwasan tayo, masasaktan tayo. Kapag nasaktan tayo lumalabas ang mga tanong natin sa ating isipan kung ano ba ang kulang? Bakit hindi tayo nagustuhan? Nakakababa ng self esteem yun at baka mag cause pa ng depression. Nakakalungkot isipin na may posibilidad na dun tayo hahantong. Kaya marami sa atin ang pipiliin nalang na manahimik at pagmasdan na lamang ang taong gusto natin sanang makatuluyan.

Pero hanggang dun nalang ba? Kaya mo bang matapos ang isang araw na hindi mo man lang masabi sa kanya ang totoo mong nararamdaman? Kaya mo bang lumipas ang mga araw, buwan o taon na hindi mo man lang sinubukan? Sayang naman.

Don't live with regrets.

Grab your chance. Malay mo baka gusto ka rin, na both of you have mutual feelings for each other. Baka ito na ang taong para sayo, at kung tamaan kayo ni cupido, magiging kayo.

Lahat yan na realized ko bago ako umamin. Lahat yan pinag isipan ko. Nasabi ko pa nga sa sarili ko 'bahala na si Batman'. Kahit hindi kami close, sa kanya nalang ako kumakapit. Kaya Batman, salamat. Ang totoo nga niyan, hindi talaga ako totally nahimatay. Yes, acting lamang iyon kagabi. Pero masama na talaga ang pakiramdam ko dahil basang basa ako sa ulan at nilagnat na ako nun. Reason why sumabay nalang ako sa pakiramdam ko dahil sobrang nahiya ako sa ginawa ko. Si Batman talaga ang nagbigay sa akin ng lakas ng loob para gawin yun, ang halikan siya.

Alam mo yung feeling na gusto mong umamin pero wala talagang lumalabas sa bibig mo kaya action speaks louder than words nalang ang peg ko. Ni isa wala man lang nakaramdam na acting lang yun? Anyway, as long as at the end of the day nailabas ko na ang pinakatago tago kong nararamdaman, I'm finally free.

-= flashback =-

I kissed you because I like you. "Does it mean you like me too because you allowed me to kiss you?" Dugtong ko.

Napa atras si Lexa at nakatitig lang sa aking mga mata. Yung mga klasi ng titig na nagulat sa sitwasyon? At dahil sa ipinakita niyang reaksyon ay nag simula na akong kabahan.

'Eto na, eto na ang rejection na inaabangan ko.' Bulong ko sa sarili. Umiwas nalang ako sa pagkakatitig at napayuko.

Hinawakan niya ang isang kamay ko at nagsalita. "Clarke?"

Muli akong nag angat ng tingin sa kanya at naghihintay sa susunod pa niyang sasabihin.

"I think... uhh? I, i.."

"Lexa, it's okay. It's okay if you don't feel the same way like I do. Maiintindihan ko naman." Sabi ko. Hindi ko na napigilan, naramdaman ko na kasing nasa friendzone na ako.

Humigpit ang pagkakahawak ng kamay niya sa akin. "Hindi." Patuloy niya. "I i think I feel the same way."

Mas bumilis ang tibok ng puso ko at biglang nag lighten ang paligid. "Totoo ba ang narinig ko? Gu-gusto mo rin ako?" Nauutal na tuloy ako sa sobrang excited.

Body Switch - Short Story [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon