NAKATAYO ako sa may gilid ng kama pilit na inaalala ang ginawang pag hawak ni Clarke sa maselan na parte ng aking dibdib. Namumula ang aking pisnge at nanlaki pati ang mga mata ko sa pagkagulat sabay takip ko sa dibdib ko. Naninigas pa ako sa kinatatayuan ko.
"Bakit ka nakatayo diyan?" Aniya niya. Nagkusot pa siya ng mga mata habang takang taka nakatingin sa akin.
Rumelaks ako ng kaunti ng mapansing kong wala siyang ka ide-idea sa ginawa niya. "Na ano, uhmmm." Sabay kagat ko ng labi. "Nagulat lang kasi ako nakayakap ka?"
Halatang nagulat din siya sa sinabi ko. "Ha?? Ginawa ko yun sayo?" Napayuko siya 'tila nag iisip. "Pasensiya, nakakahiya. Promise wala akong intensyon." Sabi niya at muling humarap sa akin looking very worried.
Ako naman para hindi awkward ay umupo sa kama katabi niya. "Okay lang no. Matulog ka na ulit, pasensiya kung nagising kita."
"Hindi, okay lang. Mas nakakahiya yung ginawa ko sayo. Please 'wag mo isipin binabastos kita kasi sa totoo lang hindi talaga, hindi ako aware." Sabay kamot sa leeg niya.
"Okay lang yun." At nginitian siya. Pero pansin ko pa din na nahihiya siya sa nangyari.
Sa totoo lang okay lang naman sa akin kung yayakapin niya ako, may mga tao kasing mas komportable matulog na may kayakap o di kaya hindi lang nila napapansin sa pagtulog nila may niyayakap na sila. Nagulat lang talaga ako sa kamay niya na umabot na doon sa parteng yun. Napag-isip kong hindi nalang sasabihin pa sa kanya yung ibang nangyari dahil baka mas mahiya pa siya at ma awkwardan pa sa akin.
At dahil gising na gising na ako sa nangyari ay tumayo na ako. "Magluluto muna ako ng breakfast." Sabi ko. "Matulog ka na ulit."
"Lexa?"
Napalingon ako ng tawagin niya ako.
"May iba pa bang nangyari?"
Nalagok ko bigla ang morning laway ko sa tanong niya. Ano ba? Sasabihin ko ba o hindi na?
"Ha?" Tanging sagot ko lang. Parang naninigas ulit ako sa kinatatayuan ko sa tanong niya.
"May iba pa bang nangyari?" Ulit niya.
Lexa sumagot ka.
"Hindi naman big deal sa akin." Sabi ko.
"Na ano?" Nakatitig lang siya sa akin, gulat at naghihintay ng sasabihin.
"Never mind. Wala yun." Tumalikod ako at nagsimulang humakbang papalayo sana.
"Lexa."
Napatigil ako. "Po?"
"Hinalikan ba kita? Hinawakan?"
Sa harap ko ay isang silya na may tambak na mga damit kaya kinuha ko ito at tiniklop isa isa. Hindi na din ako humaharap sa kanya.
"Lexa?" Muling tawag niya sa akin.
"Oo." Napasagot ako bigla at humarap sa kanya hawak hawak pa din ang damit. "Pero wala yun sakin." Ako na mismo ang nahiya kaya agad akong umalis sa kinatatayuan ko at lumabas ng kwarto dala dala ang damit.
Anong nangyari dun? Ba't ako kinabahan? Nahiya? Namumula at bumilis bigla ang tibok ng puso ko.
Pumasok na ako ng banyo pagkatapos kong mag prepara ng kakainin for breakfast. Paglabas ko nito ay wala na akong Clarke na nakita sa kwarto. Nagbihis na ako't lahat pero wala pa din. Lumabas ako at nadatnan ko ang isang sticky notes na nakalapag sa lamesa.
'Lexa, sorry kanina. Hindi ko sinasadya kung ano man ang nagawa ko sayo. Syanga pala, nag baon nalang ako.'
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko pero para sa akin wala naman yun. Alam ko naman deep inside hindi niya sinasadya. Pero namumuo pa din ang init sa pisnge ko habang inaalala yun.
![](https://img.wattpad.com/cover/129298866-288-k106413.jpg)
BINABASA MO ANG
Body Switch - Short Story [GxG]
Fantasy[** #1 Highest Ranking on #gxg & #lgbt **] Paano kapag isang araw bigla ka nalang gumising sa katawan ng isang lalaki? Kasabay nito ay pagkilala sa isang napaka gandang babae na hindi mo halos maisip na mahuhulog ka. Story inspired by Movies : Hot C...