A/N
May mga bagay talaga na akala natin satin na panghabang buhay pero at the end hindi pala..
May mga taong akala mo sya na.. pero hindi pala..
May mga panahong akala mo masaya lang.. hindi pala..
May mga bagay na akala mo magbibigay sayo ng saya at lakas pra magpatuloy ka sa buhay, pero yung bagay pala na yun ang magdudulot sayo ng sakit.. sakit na hindi mo alam kung san ilalagay.. sakit na hindi mo alam kung pano mo tatapusin. sakit na mararamdaman mong halos ikatalo mo na.....
Mula nung nagsisimula palang kami sinimulan ko ng isulat ang storya natin.. ayaw ko kasing may makalimutan. pero ewan ko ba laging hindi ko natatapos.. kaya eto sinusubukan ko ulit..
baka sakaling pagtapos nito. tapos narin yung feelings ko para sayo. katulad ng kung pano mo tinapos yung feelings mo para sakin
--------------------------------------------------Slayiezha Marie!!!! Gumising kana jan! tanghali na ano kaba!
Nagmulat ng mata si Slayiezha sabay abot ng cellphone sa ilalim ng unan nya..
12:30pm.. Banggit nya sa isip ng makita kung anong oras na..
Napabuntonghininga si Slayiezha. Panibagong araw nanaman. Kinapa nya ang sariling dibdib at napapikit.. Ramdam na ramdam nya parin ang sakit, sakit ng na dulot ng pagkadurog ng kanyang puso..
Ilang linggo na ba ang nakalipas mula ng naghiway sila ng kanyang boyfriend na si Adriane?
isa?dalawa? napangiti sya ng mapait at napapikit ng mariin ng maalala nyang higit isang buwan na magmula noon pero yung sakit na nararamdaman nya tila ba nagsimula lang kahapon..
Tila ba naririnig nya yung mga huling salitang sinabi saknya ni Adriane..
"Tama na Slayiezha, maawa ka naman sa sarili mo. Sorry pero wala na talaga kong maramdaman. As in blangko."
..........
"Slayiezhaaaaa!!! Ano?hindi ka pa ba talaga babangon! kalahating araw kanang nakahilata jan! Aba!"
Naudlot ang nagbabadyang pagpatak ng luha sakanyang mga mata nung marinig nya ang pang litanya ng ina at naramdamang papasok ito sa kanilang kwarto..
Pang bunsong anak si Slayiezha sa tatlong magkakapatid sa side ng papa at mama nya. Bukod don meron pa syang 4 na kapatid sa side ng nanay nya sa unang asawa nito. Patay na yung dalwang unang kaptid nya sa ina, ang alam nya nagkasakit ang mga ito nung mga baby palamang ang mga ito.
yung dalawa naman parehong nasa ibang bansa at nagttrabaho.
.................
"Bumangon kana jan at kumain kana"
"oo ma tatayo na, anong pagkain?"
"May tinola jan, niluto ko kanina"
sambit ng nanay nya.
Si mama talaga, kahit hindi pa ko nagkwkwento alam nya kung anong nararamdaman ko. Lagi syang nakabantay lalong lalo na pag nakakulong ako sa kwarto.
Alam nilang hiwalay na kami ni Adriane, at bilang ina nagalit sya kay Adriane skanya at sinabihan akong kalimutan na Adriane...
Napangiti ako ng mapait nung maalala ko yung sinabi ni mama..
"parang ang daling gawin" bulong ko sa sarili ko.
......................
Kelangan ko nanaman simulan ang araw ko... Sa totoo lang hindi ko alam kong papano. Feeling ko nawalan ako ng sense mula ng mawala sya sakin. mula nung iniwan nya ko.
Im a graduate of a 4yrs course and nakapag work narin sa dlawang BPO company pero pinili kong magresign nung huli dahil sa management and stress.
6 na bwan na kong walang trabaho. tintry kk mag apply pero ewan ko ba, lately feeling ko wala dun yung puso ko. Siguro dahil nga sa pinagdadaanan ko.
Gumigising ako araw araw na dala yung bigat at sakit ng pagiwan nya sakin.
Naalala ko nanaman sya. Ibabaling ko na sana ang atensyon ko sa ibang bagay ng mahagip ng paningin ko ang white na jacket sa ibabaw ng double deck. kinuha ko yun.
"Jacket ni Adriane" sambit ko, sinarado ko yung kwarto ko at saka ko binalikan yung jacket, hindi ko mapigilang hindi yakapin at amuyin ang jacket.
pinahiram nya sakin to ni Adriane nung minsan nagkita kami kahit wala na kami sa mall...
Hindi ko n namalayang pumapatak nanaman ang luha ko. Ang sakit ng puso ko. Hindi ko maintindihan para itong dinudurog na tinutusok ng hindi mo maintindihan.
Isa lang ang bagay na sigurado ako nung mga oras na yun.. Nasasaktan ako. 😭😭 Ang sakit sakit sakit.
Habang yakap ko yung jacket unti unting bumabalik lahat ang alaala ko mula nung pano kami nagkakilala......
BINABASA MO ANG
I have served my Purpose
Short StoryHave you been inlove? Yung tipong ibinigay at sinugal mo lahat ng kaya mong ibigay at isugal. Yung halos walang natira sayo? Yung nagdesisyon kang sya na hanggang dulo? Ang sarap mag mahal ano? Yung tipong alam mong sya na ang gusto mong makasama h...