A/N
Sa ptuloy na pag lakad mo sa isang daang hindi mo alam kung san patungo, sa sugal at sa lakas ng loob mong ituloy ang byahe nito magugulat ka nalang... Nasa dulo kana pala.. nalagpasan mo na.. masaya kana..
****************************
Krrrrrrriiiiinggggg!!Excited na pinatay ko yung tunog ng alarm clock sa cellphone ko.. Yes, mag jojogging ako.. and isa itong himala dahil excited ako.. ewan ko ba.. naalala ko si kuyang pogi sa neopolitan, at ayaw ko man aminin pero sya talaga yung reason kung bat ako nakkaramdam ng excitement.. Gusto ko ulit makita si kuya.. Haha type ko ata talaga sya..
Agad agad akong bumangon at nag ayos I make sure I look good.. hindi pwedeng mukang sawi ang peg ko at baka makita ko na ang the "Right one" ko.. haha.. napapangiti ako sa salamin pag naalala Ko kung pano sya maging concern sakin nung natamaan ako ng bola kahapon. yiieeeeeehhh! ang pogi nya talaga bes..
Nung mtapos ako mag ayos, tiningnan ko yung sarili ko sa salamin saka umalis ng bahay nung matiyak kong maganda nako....
*******************
7:45am nung makarating ako sa neopolitan.. Nag stretching agad ako habang naglalakad lakad at nililibot yung mata ko sa paligid, nagbabakasakaling makita ko ulit sila kuyang maputi na ayun sa pagkakarinig ko kahapon eh mak ang pangalan.. hmm mak?so paniguradong Mark yun.. bat ang prone ko sa Mark?😂
But anyways, hindi mkita ng mata ko yung hinahanap ko kaya nagpasya nakong magsimulang mag jog baka nsa kabilang part lang yun..
Pero nalibot ko na yung buong neopolitan wala kong nakita kahit anino ni kuyang pogi. Nakakainis.. naiinis talaga ko't nadidissapoint.. sana di nalang ako nag jog.. 😑
Sobrang inis ko dinaan ko sa takbo.. nakailang lap nako nung mapagod at makaramdam ako ng uhaw..
Gusto ko ng buko.. sabi ko sa isip ko kaya dumiretcho ako sa way kung san nakapwesto si kuyang nagtitinda ng buko..
At bes, napangiti ako ng makita ko kung sino yung mga bumibili.. Sila kuyang pogiiiiiiiiiii!!! 😍😍😍
diretcho ko sa tapat ni kuyang tindero para bumili sakto rin naman na bibili din sya.. oh my!! Is this what you call destiny? 😍😍😍
Hindi ako nagpahalata, hindi ko sya tiningnan, kunware hindi ko sya namukhaan kahit ang totoo tumatak talaga sa isip ko yung mukha nya...
"Kuya isang buko.. yung hindi po masyadong malambot hindi rin masyadong matigas.. yung tama lang kuya" sabi ko ke kuya..
"Ay hala si ate miss"sabi nung isa sa mga kagrupo nila habang nakatingin sakin at napangiti nung makompirma nilang ako yun..
Kumunot ako kunwari ng noo.. kunwari di ko sila matandaan..
"Ayy Oo.. kamusta ka na te?" tanong naman ni kuyang pogi..
Ngumiti lang ako.. ngiti na nagtataka kunwari hindi ko sila matandaan..
"Yan ate miss yung nakatama ng bola sa yo kahapon nung naglalakad ka" turo ng kaibigan nilang babae kay kuyang pogi..
"Ahhh!" sabay ngiti..
"libreng batok na ate oh" pabirong sabi naman ng isang lalaki sabay hwak ke mak..
"batukan ko naba?sakit nung kahapon ehh" pagsakay ko naman sa biro nila.
"Hala.. sorry talaga sige miss ganti kana.. " parang seryosong sagot naman ni kuyang pogi.
"Joke lang!Hindi ako nanakit eh.. mabait ako. hahaha"sabi ko naman
"oh mabait naman daw pala si ate.."tugon nung isa
"Sige te ganto nalang Libre ko nayang buko mo" nakangiting sabi nya.. "bayad dun sa pag kakatama ko sayo ng bola" dugtong nya sabay ngiti..
Natunaw ako sa ngiti nya bess!! myghad!Eh bayad sa puso kong tinamaan mo? sagot ko sa isip ko.. 😍😍
Sobrang ngiti ko talga.. "uy hindi na.. ako nalang" sagot ko.
"hayaan mo nyan te hindi ka mananalo jan. pag sinabi nya ginagawa nya.. hindi papaawst hanggat di nya nagagawa yung sinabi nya"sagot nung isang babae..
"Ahy ganun?" tanong ko na saknya nakatingin..
Ngiting ngiti naman si mokong..
Sakto namang pag abot sakin ng buko.."salamat" sabi ko..
Ang kukulit nila.. ang daming kalokohan.. nakakatywNg kasama..
Hindi ko na namalayan yung oras.. mag 10am na nagpaalam narin ako kasi masakit na sa balat yung init.. ganun din naman sila..
Nakasakay nako sa jeep nung maalala kong hindi ko pala natanung mga pangalan nila.. but anyway, magkikita rin naman siguro kami ulit bukas pag nag jogging..
Ang gaan gaan ng pakiramdam ko ng mga oras nayun. ewan ko ba pero naenjoy ko talaga yung company nila..
pag uwi sa bahay..
dali dali akong nagpalit at nagbihis. gusto ko mag pahinga at maidlip.. antok na antok pako..maaya nalang ako kakain pag gising ko ulit.
*******
"Slayiezha!! Gising na hoy! Slayiezha!"
Nagising ako sa tawag ng nanau ko sa pangalan ko.. ano bayan antok pa ko..
"ma?ano b yun? tutulog ako." sagot ko naman sa nanay ko.
"Aba mag aalas kwatro na ano.. hindi kapa nagtatanghalian..."sagot ng nanay ko
Napadilat ako at inabot yung cellphone sa tabi ko para macheck yung oras..
hala!Mag 4pm.na nga talaga.. ang haba ng tulog ko. pero parang antok na antok pa ko.. masama din yunh pakiramdam ko.. masobrahan ata ko sa pagod.
"Kumain kana" sabi ni mama..
"maya nalang..."sagot ko sabay higa ulit.. ang sama tlaga ng pakiramdam ko..
Hindi ko namanlayan nakatulog ako ulit pag gising ko..
2am something na..
kinuha ko yung cellphone at tumayo ng higaan.. hindi ako nagugutom kaya magtitimpla nalang ako ng gatas..
pag katimpla ko ng gatas naisip kong mag laro ng ML.. tamang tama ito yung mga oras na masarap maglaro dahil walang lag...
Pagkaload nung app, napatingin ako sa mga playing na friends ko.. nakita ko yung pangalan ni Adriane..
Adrianne.. Ngayon ko nlang ulit sya naalala.. after ng buong maghapon.. kung di ko pa makikitang playing sya di ko pa sya maalala..
Nagtaka ko sa sarili ko.. wala kasing sakit akong naramdaman nung makita ko yung pangalan nya.. normally kasi nasasktan na ko makita marinig ko palang pangalan nun pero ngayon..
Haaaay.. yaan mo na nga slayiezha... Mabuti nga yun eh.. Hindi mo sya naisip buong maghapon.. buti nga na hindi mo sya naalala ng buong araw.. for the first time almost 2months, ngayon ka lang di nasaktan sa isang buong araw. napagod rin ata yung puso ko na masaktan.. kaya eto ko ngayon ang blanko ng feelings ko..
"Lord, are you starting to renew me?" Dasal ko ke Lord ng gabing yun "If yes please, continue to do so. So that I will no longer feel the pain. "dugtong ko pa..
Nilog out ko nlang yung app at inubos yung gatas na tinimpla ko..
matutulog nalang ako ulit.. bukas nalang ako mag lalaro..
Pagkatapos kong hugasan yung baso na ininuman ko ng gatas dumiretcho nako ng higaan.. bago ko humiga.. nasabi ko sarili ko na "Congrats Slayiezha!This is the 1st day that you never thought about Him."
*******/***********
A/NEto yung mga panahong ang sarap sa feeling.. alam mo sa sarili mong nakapgsimula ka ng humakbang.. papalapit sa dulo..
Pag andito kana. push lang ng push!kaya mo yan!kakayanin mo!
I know you can. 😊 I will.
BINABASA MO ANG
I have served my Purpose
Short StoryHave you been inlove? Yung tipong ibinigay at sinugal mo lahat ng kaya mong ibigay at isugal. Yung halos walang natira sayo? Yung nagdesisyon kang sya na hanggang dulo? Ang sarap mag mahal ano? Yung tipong alam mong sya na ang gusto mong makasama h...