Awkward!!!!😑

12 0 0
                                    

Tiningnan ko yung sarili ko sa salamin bago umalis para tiyakin kung ok na yung itchura ko...

Napatitig ako sa sarili kong image.. Hindi naman ako panget.... Haaaay!!

"Erase!Erase!Erase!..."sambit ko sabay iling.... para mapigil yung mga alaalang nag babadya nanamang magpapansin para isipin..

"quota kana day!! Abay tama na ang pag eemo! Sayang ang ganda!....... Smile nga daliii!!..." sabay ngiti sa salamin.. "Oh, see?? perfect!!" dugtong ko pa..

Haay naku eto nanaman ako, parang siraulong kinakausap yung sarili sa salamin..

"Nababaliw nanaman ako... makaalis na nga... anong oras na"

6pm na ng gabi.. para kong bampira na ayaw lumabas ng lungga pag may araw.. Literal na ayaw kong masinagan ng araw.. Haha ewan ko kung bakit.. pero basta ayoko. walang basagan ng trip.. 😂

********
Sa Jeep.....

Sa robinsons nalang ako bababa tas tawid nalang ako maya sa SmF since malapit lang naman.. Gusto ko bumili ng siomai sa Siomai house.. favorite ko yun... saka nagccrave ako..

Pag baba.. dirediretcho ko sa 3rdflr ng mall.. Siomai house lang talaga yung nasa isip ko...

Pag dating don, napangiti ako wala kasing pila meaning hindi ko na kelangan maghintay... Bonus pa si kuyang bantay..

haha crush ko kasi yung isang nagbabantay don. Yung maputi, matangkad at matangos ang ilong.... gwapong gwapo talaga ko sa mga ganung features ng tao.. 😂 pero priority ko parin ang siomai at ang cravings ko.. walang tatalo don kahit ilang gwapo pa iharap mo sakin vs sa siomai.. pramis siomai ang mas papansinin ko. 😂 hindi kasi ako mahilig sa gwapo.. mas interested akong tumingin sa mga magaganda. hahhaaha (just to be clear hindi ko Tibo... Hindi lang talaga ko mapag nasa sa opposite sex.. walang appeal sakin..)

Anyway, enough with so much explanation.. eto na, naglalaway nako sa siomai..

"isang order nga po... kuya wag mo na lagyan ng kalamansi, sayang lang... padagdagan nalang ng chili oil.. kahit yung oil lang kuya...."

Yan na talaga yung script ko lagi eversince pag bumubili ako ng siomai sa siomai haus.. haha

"May gulaman po ba ma'am" Tanong ni kuyang chinito...

Ngiti naman ang lola mo.. ngiting mabait hindi ngiting pacute. haha halata naman masyado pag ganun.. at kutulad ng sinabi ko yung siomai talaga priority ko, kelangan maging mabait sa paningin ni kuya para dagdagan ng chili oil yung siomai ko... 😂😂😂

"Yes, Please.." sagot kong hindi parin tinanggal yung pag kakangiti.. At the back of my mind.. (dagdagan mo chili oil kuya parang awa mona😂😂)

***pag kaserve....

Sheeeeeemssss amoy palang... Nilantakan ko agad.. nag crave talaga ko ng sobra.... wala pa atang 10min naubos ko na... 

"Isang order panga kuya!" sambit ko, kahit hindi ko pa tapos nguyain sa bibig ko yung huling piraso ng siomai na kinain ko... wa pakels kahit walang poise eeeh sa gusto ko pa ehh!!

abot naman ni kuya yung order ko.. kain ulit...

***After 10min ng katakawan..

"Busog nako... cravings satisfied.. tawid nako ng sm..pra makapglaro naman ng Mobile legend.."

yun na ata routine ko, pag pupunta ko ng SMF hindi pwede hindi maglalaro ng Mobile legend pag naglalaro kasi ako naooccupy yung isip ko ng laro... nakkalimutan ko sya...

teka bat ba bumaba ko sa first flr.. eh, sa 2nd flr lang meron ng labasan diretcho ng overpass patawid sa kabila.. ayaaaaan.. sobrang pag iisip..

Sige na nga dun nalang ako daan sa baba makadaan narin sa tyangge. bukas narin yun eh..

I have served my PurposeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon