Prologo
Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Melissa. Napaupo ito sa ibabaw ng kama at umiyak."Ang tigas talaga ng ulo mo! Ilang beses ko bang sasabihin sayo'ng layuan mo si Marco?!" bulyaw ni Roberto. Ang ama ni Melissa. Limamput anim na taong gulang. May kalakihan ang katawan. Makapal ang kilay. Maputi. Matangos ang ilong. Itim ang buhok na tama lamang ang kapal. May mga mata na kung tumingin ay parang lalamon ng tao. Istrikto. Malayong malayo ang dating nito sa nag iisang anak na dalaga.
Si Melissa. beinte tres anyos. Katamtaman lamang ang katawan. May katangkaran. Balingkinitan ang katawan. Matangos ang ilong. May manipis at mapulang labi. at may mga matang nakaka akit na akala mo'y sa mata ng isang santa.
Noong oras na iyon nagtatalo sa loob ng isang silid ang mag ama. Pilit na ipinaglalaban ni Melissa sa ama ang relasyon nila ni Marco. Ang binatang naging kasintahan niya ng palihim sa loob ng dalawang taon. Inilihim nila ang kanilang relasyon sa kanyang ama dahil sa tuwing magkasama sila nito sa kanilang hacienda, habang sila'y namamasyal, parati nitong bukambibig at puro paalala na huwag na huwag daw siyang papatol sa binatang nagtatrabaho sa kanilang hacienda bilang tagapangalaga ng kanilang mga baka. Wala raw siya ritong mapapala kung ito ang papatulan niya. Hindi raw siya nababagay sa isang lalaking katulad ni Marco kung kaya ganun na lamang ang pagka disgusto nito sa binata. Pero ang lahat ng iyon ay hindi pinakinggan ni Melissa, bagkus ay tinanggap niya ang panliligaw sa kanya ni Marco. Makalipas ang tatlong buwan nitong panliligaw sa kanya ay sinagot niya ito. Parati silang nagkikita ng palihim sa kanilang hacienda, pero sa kasamaang palad ay nalaman ito ng kanyang ama.
"Kahit may anak na kayo, hindi kayo pakakasal! Hindi kayo magsasama!"
Kitang kita sa mga mata ni Melissa ang sama ng loob. Hindi siya sumagot. Pero matalim siyang nakatitig sa ama.
Maya maya ay bumukas ang pinto, ikinuwadro nito ang isang batang babae. Kasama ng bata ang isang babae na tumatayong yaya nito.
"Mama!" tumakbo ito palapit kay Melissa. Yumakap.
"Anak, mag impake ka na ng mga damit mo. Aalis na tayo sa pamamahay na 'to." Wika ni Melissa.
Hindi agad tumalima ang bata. Napatingin ito kay Roberto, at muling humarap sa ina. Mababakas sa mukha nito na tila naguguluhan ito sa sitwasyon noong mga sandaling iyon.
"Melissa!" Napataas muli ang boses ni Roberto. Mas malakas lalo. Napahawak sa mga kamay ni Melissa ang anak nito na tila natakot.
"Aalis na kami dito ni Aliza. Sa ayaw o sa gusto nyo, magsasama kami ni Marco!"
Gumuhit sa mukha ni Roberto ang tila isang demonyong galit na galit. Dinakma nito ang isang kamay ni Melissa. Pinilipit.
"Hindi kayo sasama sa kanya!"
"Bitiwan nyo 'ko! Nasasaktan ako!" mangiyak na wika nito sa ama.
"Hindi kayo aalis!"
"Bitiwan nyo' ko! Wala kang kwentang ama!" sigaw niya rito.
Muling lumagapak sa pisngi ni Melissa ang palad ni Roberto. Maya maya bigla nitong kinuha sa kanya si Aliza. Hinila palabas ng silid. Nakamaang lamang sa isang tabi ang yaya nito. pero mabilis na sumunod kay Roberto. Hinabol dito ang bata.
"Saan nyo dadalhin ang anak ko?!"
"Papa!!" hinabol niya rin ang ama subalit bigla nitong isinara ang pintuan ng silid na iyon. Narinig niyang pumitik ang lock nun. Ikinulong siya. Kinalampag niya ang pintuan.
"Buksan mo 'to! papa!!"
"Papa!! Papa!! Buksan mo 'to!!!"
Bigla siyang nakarinig ng malakas na ugong ng sasakyan. Lumapit siya sa bintana. Nakita niyang nakasakay sa kotse ang kanyang anak habang umiiyak. Humihingi iyon ng tulong sa kanya.
"Aliza!!!"
Sigaw siya ng sigaw sa loob ng kwarto. Humagulgol.
"Aliza!!!"
Wala siyang magawa. Nakita niya sa labas ng bahay ang yaya nito, katulad niya, umiiyak din ito.
"Aliza!!! Huhuhu!" humahagulgol na siya ng humagulgol at napaupo na lamang siya sa harap ng bintana.
Wala siyang nagawa.
**********
BINABASA MO ANG
KUBLI (Suspense-Thriller Novel)
HorrorKUBLI WRITTEN BY JULIUS P. BERGADO Sino ang taong nagkukubli sa likod ng isang patalim? WAG BABASAHIN NG NAG IISA LALO NA KAPAG GABI. pLs. Share & comment. Thanks! subaybayan ang lahat ng kabanata. Huwag na huwag bibitiw. ACKNOWLEDGEMENT To Alysa...