Poetry 5

7 0 0
                                    


This is for those people who had their eyes for someone that doesn't even notice them.

Matagal na nung unang nakita kita. Naglalakad sa may hallway kasama ang iyong barkada. Nabighani sa angking ganda lalo na pagtumatawa ka. Akala nga hindi na mapapansin sa dami ba naman nang manlilgaw. Nahihiyang lumapit sayo kahit na ikaw ay mag-isa. Ang tanging magawa ay tumanaw mula sa malayo, sinta. Kahit ganoon ay sapat na sa akin. Malaman nga lang na natuwa ka sa mga bigay kong liham ay parang nasa ulap na.

Hindi nagtagal ay mas lumalim ang damdamin. Hindi na mapakali kapag hindi ka makita saglit. Hindi Sadyang ikaw ay mas lalong gustong mapasaakin. Ang layo man natin ay parang lupa at langit. Hahanap ng paraan upang ikaw ay makakita.
Umabot na sa puntong ikaw na ang tinitibok ng puso. Mula sa pagkagising at habang himihinga.
Bawat galaw ng oras ay binibilang ko na. Sa takot na baka ikaw ay mawala.

Ang tanging pangalangin ko ay sana mapansin mo ako. Hindi dahil sabi ng guro o kahit sino kundi dahil gusto mo ako na kausap. Napaka-imposible ng hangad kahit si Bathala ay hindi makapaniwala. Pero kahit ganoon ay mananatili pa ring uhaw sayo. Huwag mag-alala ito ay huhupa sa makalawa. Sana nga ay totoo ang sinabi upang hindi na masaktan pa.

Hanggang sa muli nating pagkikita.

Get over him: Walang Forever!Where stories live. Discover now