Poetry 10

5 0 0
                                    

Pesensya kung hindi kita naipaglaban.
Ang hina naman kasi ng loob ko sa panahong naiipit na sa sitwasyon tayo.
Sana ay mapatawad kung hanggang salita sa mga tula lang ako nagmamalakas loob.
Kaya pasensya kasi ngayon ko pa masasabi ang mga bagay na matagal nang nais sabihin.
Pero huwag kang magalala dahil sa pagkatapos ng tulang ito ay titigil na.
Ako ay lalayo at mananahimik nalang. Ito na, sisimulan ko na. Magpakikilala muna ako. Ako nga pala yung taong nangiwan sa taong hindi dapat sinasaktan. Kaya pasensya kung ang kapal ng mukha ko na tumayo sa intabladong ito. Sige, ito na.
Alam mo nung araw na tayo nagkakilala ay ang araw na hindi ko inakala na paglalaruan pala ng tadhana. Nagsimula sa pagkakaibigan na nauwi sa mga paalam. Mga magagandang araw na tayo ay magkasama ay naging mga alaala. Alaalang malulungkot at masaaya ang dala. Wala na eh. Tapos na. Pero alam mo,
Sa panahong sinabi ko na ayaw ko na, ang gusto kong marinig mula sayo na bigyan natin ng isang pagkakataon pa. Sa panahong sabi ko na tama na, nais kong marinig mula sa bibig mo na ayoko pa. Pero nasaktan lang ang sarili. Kasi wala kang sinabi. Kaya pasensya kung ganito ako nagpaparinig, ng mga hinanaing hindi masumbat. Hindi masumbat kasi maging ako ay may pagkukulang. Pagkukulang na kailan ma'y hindi ko mapupunan.

Po, sana'y nakikinig ka. Para kasi sayo ang itong gawa kong tula. Po, sana'y nandito ka para malaman mo na hindi ako nagbibiro o kaya ay nanloloko. Gusto kong sabihin na pasensya kasi ako yung napili mo. Ako na pilit pang inaayos ang sariling pagkatao.
Pasensya kasi ako yung taong inakala mo na para sayo. Kaso binitawan ang kamay mo at pinabayaan ka. Sana hindi nalang ako ang pinili mo. Hindi ka sana ngayon nagkakaganito. Na nasasaktan dahil sa alam mo nang dahilan.
Kaya pasensya kung sa paraang ito ay binabalik ko ang mga alaalang siguro'y ibinaon mo na't kinalimutan.
Nung panahon na tinanong mo ako kung anong nangyari sa salitang TAYO?. Tayo na binuo ng Ikaw at Ako.
Ako na nagiwan dahil sa mga bagay na kailanman ay hindi ko maintindihan. Ikaw na nasaktan dahil sa umibig lamang. Umibig sa taong bigla ka nalang pinakawalan.
Alam ko sa ngayon na dahan2x ka nang nakakabangon. Mula sa sakit na aking iniwan. Ngunit andoon pa rin ang hinanakit na tinatakpan ng mga ngiti mong sakit ang laman.
Heto na, nsa dulo na tayo ng aking tula.
Gusto ko lang malaman mo na minahal kita. Kaya pasensya ngunit ito na ang una at huling tula naiaalay sayo. Paalam, ngunit hanggang dito nalang tayo.

Get over him: Walang Forever!Where stories live. Discover now