Poetry 11

4 0 0
                                    

Ay, wala nga palang tayo

Dahan-dahan lumapit sa akin
Unti-unting sampitin
Mga salitang nais sabihin
Na gustong malaman at marinig ng damdamin
Pero sana lahat nang sasabihin mo ay totoo
Sige na, bago pa ko mamaalam na sa mundo
Sa kamusta ka hanggang sa ingat ka naaalala ko pa
Mga 'mahal kita as a friend' mo na totohanan sana
Yang ngiti mong nakakapasaya sa araw ko na sana'y hindi mabago
Nakakakilig nga eh, yung tinginan natin
Mga pagbisita mo sa bahay sabay sabi kay nanay,"Tita, hiramin ko muna tong anak niyong maganda"
Oh, diba? grabe mong mambola
Sa gabing hindi makatulog, kinakantahan mo pa nga ako
Kahit boses mo ay sintunado
Pinapatawa mo ko, sa panahong lungkot ang bumalot sa pagkatao
Kaya ako ay napamahal na sayo at hindi na makalayo
Yan kasi tayo eh, umaasa at nagpapaasa
Ay mali , kasi wala naman palang tayo mula sa simula hanggang sa huli
Nagkamili ako, magisa nga lang pala akong umiibig sayo
Kaibigan naman kasi ang tingin mo at hanggang  doon lang
Anong magagawa ko, iyan lang naman kasi papel ko sa buhay mo
Gusto ko nga sana na lumevel up from bestfriend to girlfriend kaso nung umamin ako sayo naging Girl Friend muna lang akong at nagbago na ang dating Tayo
Wala na ang dating asaran at mga tawanan
Naging magkakilala nalang ang turingan
Lumayo ka na ng hindi nagpapaalam
Kaya ako ay nalito kasi wala naman akong alam, pero
Kahit na hindi na tayo gaya ng dati ay nanatili parin ako sa iyong tabi
Hindi mo man pansin ay ginagabayan at binabantayan kita palagi
Nasasaktan na ang damdamin pero ako ay heto parin
Kinakausap ang Diyos na sana'y madinig aking panalangin
Panalangin na sana kahit ngayon lang, ako ay iyong mahalin
Ayy Huwag nalang, noon pa 'yon eh. Sigurong ito nalang, sana magingat ka palagi at bantayan ka
Dahil sa ngayon ay susuko na
Hindi dahil sa ayaw ko na pero dahil sa hindi ko na kaya
Na paulit-ulit nalang umiiyak sa gabi
Umaasa na ikaw ay makatabi
Ayy nakalimutan ko, wala nga palang tayo
Kaya patawad kong ayoko na,
Iniiwasan ko na kasi ang habulin ang mga taong walang kwenta


A/N: To my TOTGA. Sana masaya ka.

Get over him: Walang Forever!Where stories live. Discover now