DISTANSYA
Isang salita na may dalawang kalalabasan. Babalik pa ba o tuluyan nang mawawala. Nung tayo ay nagkakilala alam ko na sa simula lang tayo masaya. Mga matamis na alaala na masarap balikan kapag ako ay nag-iisa.
Hindi ikakaila na ikaw ay naging parte na ng aking buhay pelikula. Na ang karakter ay lagi nalang naiiwan para sa iba. Pero nung dumating ka ay para bang may nag-iba. Mga kinakatakutan ay naglaho ng parang bula.Naging masaya at puno ng pagmamahal ang katawan kong lupa. Na sobrang malungkot simula pa nung una. Pero habang tumatagal naglalaho ang mga ngiti sa mukha. Dahan-dahang napapalitan ng mga simangot at luha. Na para bang nakikita ko na hindi ka na masaya. Iyon pala ay dahil sa Distansya.
Distansya akala nating makakabuti kapag ginawa. Sinimulan sa hindi pagkikita hanggang sa dumating ang puntong wala na tayong bali-balita. Akala nating abala sa sarili, iyon pala ay naging masaya na kahit wala ka sa piling. Malungkot man ang nangyari, ginusto naman natin kasi. Kaya nasa huli ang pagsisisi dahil wala ka ng babalikan at hindi na siya babalik pa sa iyo muli.