Nakaupo si Yannie sa upuan sa kusina nila habang nasa lamesa nakalapag ang laptop nya at naka harap sakanya. Daig pa nya ang pinag sakloban ng langit at lupa at parang semana santa ang araw nya ng mabasa nya na mag kaka roon ng concert ang BLUE Night at major plot twist..... wala syang pang concert.
"ang hirap naman maging stupident..." angal ni Yannie at dahan dahan nyang ini higa ang ulo nya sa table.
Graduating palang si Yannie ng College at di nya alam paano sya mag iipon within 3 months before selling.... Gusto nyang makita ang BLUE Night pero wala syang pera para maka punta o maka bili man lang ng ticket.Iniisip nya na ibenta ang mga album nya pero bigay ito ng kuya nya lahat sakanya at paniguradong magagalit ang kuya nya kapag binenta nya ito.
Nag ring ang phone nya na nasa coffee table sa terrace nila kaya napa bangon agad ang ulo nya sa taranta at tumakbosa terrace para sagutin ang tawag ..
"Yolo Meicy?" tanong nya. Meicy is a Chris stan at nag meet lang sila ni Yannie sa university na pinapasukan nilang pareho 2 years ago dahil sa isang activity at ng malaman nilang pareho silang Royal ayun nag ka Mutual Understanding ang dalawa.
"hey girl nag release na ng ticket price at date ng selling" isipin nyo nalang yung fan na di makalma at tili ng tili ganun si Meicy ngayon.
"yah I know!' walang ganang sagot ni Yannie hawak ang smart phone nya at nag lalakad sya pabalik sa Kusina.
"di ako makakapunta Team bahay ako !" sunod na sabi ni Yannie habang paupo na sya sa upuan nya hawak nya sa kaliwang kamay ang Smart phone nya habang sa kanan naman ang mouse ng laptop nya."sus! Ikaw pa ba... eh kilala kita sa loob ng limang linggo pustahan may pang Gen ad ka na! ultimate kuripot ka kaya!" sagot ni Meicy.
"hala grabe ka talaga sa kuripot... eeeeh iba kasi talaga ngayon..." binitawan nya ang mouse ng laptop nya at inilipat ang phone na hawak sa kabilang kamay. "kita mo may Feasib kami... may mga kailangan ipa print sobrang gastos maging grad-waiting ...."
"ano pautangin kita want mo?" tanonng ni Meicy. Nabalot ng katahimkan ang paligid, nag isip muna sya ng malalim. "oy ano na ?" tanong ni Meicy.
"eh kasi Meicy ayoko na mag kautang sayo.... Tatanggapin ko nalang talaga na team bahay ako..."
Sagot ni Yannie na may pang hihinayang."ganun ba? Sayang naman friend... pero sige bawi ka nalang next con for sure VIP ka na nun!" may panghihinayang din na sabi ni Meicy ... para di sumama ang loob ng kaibigan nya ... kung si Meicy ang tatanungin ayaw na din nya mag punta sa con para madamayan nya si Yannie pero last na panuod na nya ito bago sila mag move ng family nya sa U.S.
"oo naman!" biglang sigla ni Yannie. Ayaw nya maging malungkot ayaw din nya ma guilty ang kaibigan nya kaya sinubukan nya maging ok ulit.
"oh pano friend kailangan ko pa kausapin si Tita sa Skype ... see you sa campus sa Monday huh!" paalam ni Meicy, nag goodbye si Yannie sakanya at sya na din ang nag patay ng phone.
Monday morning, nagising si Yannie sa sinag ng araw na nag mula sa malakng bintana ng kwarto nya. Sumandal sya sa headboard ng kama nya at nag unat sabay tingin sa poster ni Tristan na nakadikit sa pader sa bandang paanan ng kama nya.
"wag mo ko ngitian ng ganyan kinikilig ako!" sabi ni Yannie habang naka titig sa poster. "good morning Tristan!"Pag kababa nya sa living room nila naabutan nya na nag uusap ang tita Carmen at ang Mama nya, may hawak na tasa ng kape ang tita Carmen nya habang naka upo at nakaharap sa mama nya at nakikinig sa sinasabi nito. Napatngin ang tita Carmen nya ng bumaba sya sa huling hakbang ng hagdan at ngumiti ito at kumaway sakanya. Ngumiti din si Yannie dito at sumenyas na mag to-toothbrush muna sya at mag hihilamos .
Pag balik sa living room nag blessed sya sa tita Carmen nya bilang pag galang at umupo sya sa tabi ng mama nya.
"nabanggit saakin ni Mama mo na nag aantay ka pa ng next semester para maka graduate ka...." Pangunguna ng Tita Carmen nya.
"opo... ang hirap po maging octoberian .." sagot ni Yannie na may ngiti sa labi nya. Masayahing bata si Yannie kaya palag syang naka ngiti kahit kanino pero may taglay syang kamalditahan pero nalulugar naman nya yun kapag dapat mag taray at hindi dapat."ang sabi ng tita Carmen mo may nag hahanap daw para maging assistant ..." sagot naman ng mama ni Yannie. "tamang tama na wala ka nang pasok sa susunod na linggo at kailangan mo ng side line para sa concert ng imagination boy friend mo..." mabilis nag bago ang ngiti n Yannie ng poker face at napatingin sa mama nya.
"ma! Paano nyo po nalaman na mag ko-concert sila?" tanong kaagad ni Yannie.
"nakita kasi ng kuya mo sa Facebook ayun nasabi nya saakin...tamang tama yan nak.... Kung ako sayo pumayag ka na!" at wala na nga nagawa si Yannie... bukod sa kailangan nga talaga nya ng pera wala naman din syang gagawin sa bahay. Walang problema sa kuya at mama nya na sakanya lang ang sweldo nya dahil sapat naman ang kita ng mama at kuya nya para sakanilang tatlo.
Hapon ng araw na yun pumasok na si Yannie, irregular Class na sila since one week nalang at sem break na ... nag lalakad sa hallway si Yannie kasama si Meicy at Ervin, si Ervin ang Childhood friend ni Yannie at parang kuya na din ni Yannie dahil kung mang sermon ito sakanya daig pa kuya nya.
"oh diba... God will provide!" masayang sabi ni Meicy habang nakayakap sa braso ni Yannie at nag lalakad."kung pinang kain mo nalang edi tumaba ka pa!" sagot ni Ervin kaya napatingn ng masama si Meicy.
"di naman na kailangan ni Yannie nun.... Oh diba mama nya na nag offer!" sagot ni Meicy."pinayayaman nyo lang yang mga yan..." reklamo ulit ni Ervin na ginagaya ni Meicy pero sa nakaka iritang itsura.
"at least pag yumaman na sya at napakasalan ko sya babalik sakin yung pinang concert ko!" tumatawang sabi ni Yannie na sinang ayunan ni Meicy at nag apir pa ang dalawa.
"ewan ko sainyong dalawa nababaliw kayo sa taong di naman kayo kilala!" asar na sagot ni Ervin.
"makikilala din nya ko at maiinlove si Tristan sakin!"puno ng pantasyang sabi ni Yannie.
"mga asawa namin sila... " sagot pa ni Meicy.
"pero fan lang ang tingin sainyo? Gising na oy!" sabi pa ni Ervin.
"ayaw namin.... Masaya kami dito!" sagot pa ni Meicy at tumango si Yannie ...
YOU ARE READING
The idols Life
Hayran Kurgua Fanfiction of the second Generation Best Hallyu BoyBand CNBLUE