Pag uwi sa mansion napansin nila na may red invitation sa mail box nila at alam nilang invitation iyon sa red carpet event.
Binabasa ni Yannie ang nasa invitation habang papasok sila sa mansion hawak nya ang apat na invitation ..“red Carpet event?” tanong ni Yannie.
“taon taon yan ginaganap parang ball para sa mga sikat na artista pag kakakilala sakanila ganun!” paliwanag ni Michael na kasunod ni Yannie sa pag lalakakad.
Umupo sila sa Couch habang si Chris naman dumeretso sa kusina para uminom ng tubig.
“ah… ito yung napapanuod ko sa previews ng mga fansight!” napatigil silang lahat maski si Chris na umiinom ng tubig napatingin kay Yannie, lalo na mismo si Yannie na nagulat din sa sinabi nya.
“Fansight?” tanong ni John.
“ah eh… oo ng Gozzip Girls… kasi fan nila ako super!” palusot ni Yannie at nag ‘ahhh’ ang tatlo sagot sa palusot n Yannie.
Maya maya lumapit na din si Chris sakanila at umupo sa Couch…
“I wonder if you’re Royals too!” nakatingin s Chris kay Yannie habang sinasabi yun si Yannie naman di makatingin ng deretso kay Chris at napipilitan lang ngumiti … nahihirapan syang itago ang pagiging fangirl habang tumatagal na kasama nya ang BLUE NIGHT“ano ba yang tanong mo Chris hyung…. Sobrang fan kaya sya ng Diamond Sky!” sagot ni Tristan.
“Talaga?” tanong ni Chris na parang di pa kumbinsido.
“ah.. oo sobrang fan nila ako!” sagot ni Yannie.
“kaya pala close kayo ni Rico.. ikaw yannie ah!” pag bibiro ni John.
Napakamot ng ulo si Yannie at nag paalam na mag bibihis muna sa kwarto nito. Niwan nyang nag uusap ang apat, iniwan nya na may kaba sa dibdib nya.. para bang may gusto pahiwatig si Chris.
Sabado ng umaga, inaayos ni Yanne ang mga formal suit ng BLUE NIGHT na gagamitin nila sa Event ngayong gabi. Nakatingin sya sa Black Suit ni Tristan at nag buntong hininga…
Narinig nya ang doorbell kaya nag madali syang tumakbo sa pinto ng manson … nakita nya sa screen si Celine na naka Peach na dress at nag aantay na buksan ang pinto.
“wag ko kaya pag buksan tong babaeng to?” bulong ni Yannie na halatang may galit. “joke lang!” tapos binuksan na nya at nag katingnan sila ni Celine at automatic na nag taas ang kilay nilang dalawa.
“bakit?” tanong ni Yannie.“maka tanong ka parang pag mamay-ari mo angbahay na to! Gusto ko makausap ang date ko ..” pinag diinan n Celine kay Yannie ang salitang Date… sumakit nanaman ang puso ni Yannie kaya napa simangot sya bigla.
“bakit yannie? Naiinggit ka ba? Di ikaw ang makakasama ng bias mo?” nang aasar na tanong ni Celine. Napatingin si Yannie ng malalim kay Celine kaya napa smirk si Celine. “akala mo di ko alam na bias mo s Tristan… walang sekreto si Liza saakin… ngayon padaan na kasi kakausapin ko pa ang date ko!” dumeretso si Celine sa loob at binalya si Yannie kaya napa upo si Yannie sa lapag. Lumingon ulit si Celine at napa ngisi ult ng Makita syang nakaupo sa malamig na sahig . “one more thing! Di ka nababagay sa event na yun kaya wag ka na mangarap!” tapos saka sya umakyat sa taas kung asan ang kwarto ni Tristan.
Naka pangalumbaba lang si Yannie sa lamesa sa kusina ng tanghali ng araw na yun gusto nya umiyak pero di nya magawang umiyak… nainggit sya kay Celine dahil una sa lahat pareho sila ni Tristan na artista, pangalawa gusto sya ni Tristan sa dalawang yun palang wala na syang laban.
Pumasok sa kusina si Chris at nakita s Yannie na nakapangalumbaba sa lamesa, umupo sya sa tabi ni Yannie sa pag aakalang mapapansn sya ni Yannie pero nakatulala lang si Yannie sa kawalan.“ang lalim ng iniisip mo ah!” nag balik nalang sa reyalidad si Yannie ng marinig na nag salita si Chris, napatingin si Yannie ng malalim kay Chris at para bang magic na nabasa agad ni Chris ang mata ni Yannie.
“gusto mo ba talagang sumama sa event ?” tanong ni Chris.
![](https://img.wattpad.com/cover/129459969-288-k996297.jpg)
YOU ARE READING
The idols Life
Fanfictiona Fanfiction of the second Generation Best Hallyu BoyBand CNBLUE