Pag dating nila sa auto, inalalayan ni Chris sa pag sakay si Yannie pag katapos ay saka sya nag madaling umikot para sumakay sa driver’s seat.“ayos ka lang ba?” nag aalalang tumingin si Chris kay Yannie, saka nya lalong naapreciate ang kagandahan ni Yannie na kahit naka kunot ang noo ngayon.
“bakit ganun sya..” naiinis na snabi ni Yannie.
“nagagalit ka ba kay Celine?” tanong ni Chris. Alam naman nya na normal para sa sang fan ang magalit.
“hindi ako nagagalit… naiinggit ako!” sagot ni Yannie. Nag frowned si Chris at inantay ang susunod na sasabihin ni Yannie.
“naiinggit ako kasi nabibigyan sya ng attensyon ni Tristan na pinapangarap naming mga fans… pero bakit kailangan nyang balewalain yun…!” napabuntong hininga si Yannie at yumuko. “may dalawang dahilan bakit hindi ako kayang mahalin ng mahal ko… una dahil sikat sya … pangalawa dahil may mahal syang iba…”“bakit ganyan ang devotion nyo sa Idols…” tanong ni Chris. Kaya agad tumingala si Yannie at tinignan si Chris. “kung mahalin nyo kami parang samn na umiikot ang mundo nyo?”
“di ko din alam… siguro dahil nasa inyo ang mga bagay na hinahanap namin nag kataon lang na idols kayo at normal lang kaming tao…” sagot ni Yannie. “bago ako pumasok bilang P.A nyo ang alam ko mahal ko sya bilang Bias ko… pero habang tumatagal ako sainyo lalong lumalalim ang feelings ko na hindi lang bilang fan..”
“kaya ba selos ang dahilan kanina bakit mo sya nasampal?” tanong ni Chris at tumango si Yannie.
“sorry di ko napigilan… bakit kasi kailangan pang sya ang mahalin ni Tristan..”
“hindi ba matagal ka na naming fan?” tumango ulit si Yannie. “kung ganun alam mo yung tungkol saamin ni Ciandra?”
“yung Girlfriend mo?”
During Training days… dating na si Chris at Ciandra, training days palang sikat na sikat na sila sa Media, tanggap sila ng lahat at describing as “Perfect Couple”. Si Ciandra ang unang nag debut as an actress magaling na actress si Ciandra at palaging laman ng magandang balita sa Media, despite na Trainee palang si Chris noon, marami ang na-i-inggit sa kanilang dalawa as a couple… maswerte si Chris kay Ciandra at ganun din si Ciandra kay Chris…
“its over I‘m sorry!”
Hind inaasahan ni Chris na ito ang sasabihin ni Ciandra sa kanya ng mag propose sya kay Ciandra sa isang private restaurant …. Plano nyang itigil ang traning nya at wag na mag debut para makasama na s Ciandra… gusto na nyang pakasalan si Ciandra gusto nyang si Ciandra na ang makakasama nya habang buhay.Ang inaasahan ni Chris na matutuwa si Ciandra o kaya magugulat sa biglaan nyang pag propose dahil alam nyang mahal na mahal nila ang isat-isa, pero ngayon sa harap ni Ciandra, nakatngn sa mata ng isat-isa…. Hindi mabasa ni Chris ang sinasab ng mga mata ni Ciandra, pero umaasa sya na nag bibiro lang si Ciandra at gusto syang paiyakin gaya noon…
“di magandang biro yan …” natatawa pa si Chris habang sinasabi ito kay Ciandra, itinatago ang kaba sa dibdib nya… pinipilit nyang ngumiti sa harap ng mahal nya.
“seryoso ako Chris!” halos gumuho ang mundo ni Chris sa narinig nya isama pa ang seryosong mukha ni Ciandra, di inaasahang mahulog ng diamond ring na hawak ni Chris sa tiles na sahig ng restaurant.
“sandali!” dali-daling lumuhod si Chris at hinanap kung saan gumulong ang singsing habang si Ciandra nakatayo lang at napabuntong hininga.
“stop Chris… wag mo na hanapin yan… wag mo na aksayahin ang oras mo dahil din a mag babago ang isip ko!”
Habang naka luhod napahinto si Chris sa pag hahanap at para bang nag freeze ang buong katawan nya sa sinabi ni Ciandra.
“sino sya?” pabulong na tanong ni Chris sapat para marinig ni Ciandra, nag bago ang lahat ang ngiti ni Chris bigla nalang nawala at ang boses nya mabilis nag bago ng seryoso ang tono.“anong sino sya?” naka frowned na tanong ni Ciandra.
Dahan-dahan tumayo si Chris na bigo sa pag hahanap sa singsing o talagang hindi na nya hinanap, tumingin sya ng deretso kay Ciandra …. Bakas sa mukha ni Chris ang sakit na nararamdaman nya.
“hindi ka mag kaka ganito kung wala kang ibang mahal… sino sya?” sagot ni Chris na kalmado ang bosses.
“wala akong iba Chris….”
“kung wala bakit ayaw mo tanggapn ang proposal ko!” at ngayon pataas na ang boses nya na kina gulat ni Ciandra.“Chris wala nga akong iba…. Alam mo kung gaano kita kamahal!”
“kung ganun bakit ? bakit Ciandra?” naging maamo ang mata ni Chris habang nakatingin sa mahal nya na hindi makatingin sakanya ng deretso. “hindi ka makatingin sakin ? Ciandra… hindi ko alam kung ano ang totoo pero paniniwalaan ko ang sinasabi mo dahil mahal kita….pero kung mapatunayan ko na may iba ka… sarili ko ang sisi-sihin ko dahil ako ang nag kulang kaya nag hanap ka ng iba!” tinalikuran nya si Ciandra na may sama ng loob hindi sa babaeng mahal nya kung hindi sa sarili nya. Hindi nya pnapansin ang paulit-ulit na pag tawag ni Ciandra sa kanya … hindi din nya napansin na nakasunod si Ciandra sakanya hanggang sa pag tawid nya sa pedestrian lane para makarating kung saan sya naka park, sa huling hakbang nya sa pedestrian may narinig syang mahabang busina ng isang Truck at maririnig ang malakas na pag kiskis ng gulong nito sa pag pipigil sa pag takbo dahil mahina ang preno, pag lingon ni Chris, nakita na lang nya duguan at nakahandusay sa di kalayuan ng pedestrian ang katawan ni Ciandra, malakas ang impact ng pag bangga ng truck kay Ciandra kaya tumilapon ito sa malayo sa pedestrian lane, wala sa sariling tumakbo si Chris kasabay ng mga nag kumpulang mga tao, yung isa sa kanila tumawag na ng ambulance habang si Chris nanginginig na nilapitan si Ciandra at inihiga sa braso nya wala syang pakialam kung puro dugo ang damit nya, nanlalambot sya habang hinahawakan ang pisnge ni Ciandra, Ciandra slowly open her eyes, pero mahina na sya habang nakatingin kay Chris sa mata..
“aka-la ko, di mo na ko papansinin!” pinilit nya ang mag salita kahit hirap na para sakanya at pinilit nyang abutin ang pisnge ni Chris sabay ngiti… “you know what!” she muttered. “you’re the best thing that I ever had….” Hinabol nya ang hininga nya habang nakangiti at nakatitig sa mata ni Chris na kahit anong oras maaaring bumuhos ang luha nya.
“kaya di ko tinanggap ang proposal.. hindi dahil may iba ako…” unti unti na nang hihina si Ciandra pero pinipilit nya ang sarili sa pag sasalita“wag ka na mag salita please… hang on.. malapit na ang ambulansya… lumaban ka!” di nabigo si Ciandra sa pag iisip, dahil bigla nalang tumulo ang luha ni Chris.
“ayoko na akong ang maging dahilan para di mo matupad ang pangarap mo…. Gusto kong ituloy mo ang pangarap mo Chris.. gusto kong makita kita na masayang kumakanta sa stage..” she wiped his tears softly, his Sob is rhythmatic.
“I love you… and I’m sorry… I’m going to miss you Chris …good-bye.” She takes a deep breath before closing her eyes and drop her hands to the floor.“kaya hindi nya siguro tinanggap yun dahil ayaw nyang masira ang pangarap mo… kahit ako kay Ciandra ganun din gagawin ko… pero Chris..” tumingin sya deretso sa mata ni Chris na nakatingin din pala sakanya kaya nag tama ang paningin nilang dalawa. “hindi mo kasalanan ang nangyari… aksidente ang nangyari kay Ciandra, kaya wag mo sisihin ang sarili mo at wag mo ikulong ang sarili mo sa isang pangyayaring kinalimutan na ng lahat ng tao….” Napangiti si Yannie ng makitang napangiti nya si Chris.
“halika na nga baka mahuli pa tayo!” at sinimulan na ni Chris ang pag drive.
![](https://img.wattpad.com/cover/129459969-288-k996297.jpg)
YOU ARE READING
The idols Life
Fanfictiona Fanfiction of the second Generation Best Hallyu BoyBand CNBLUE