CHAPTER TWO : HEY YOU!

0 0 0
                                    


Nakatambay sa classroom ni Yannie si Meicy ng hapon ng Monday na yun, kagaya ng naka ugalian nag ku-kwentuhan sila tungkol sa BLUE Nights habang nag papatugtog ng album ng mga ito.
"Yannie ang galing ng edit mo dito..." hawak ni Meicy ang smart phone ni Yannie at tumitingin ng mga pictures sa gallery ng makita nya ang in-edit na picture ni Yannie.

"salamats.. bagay kami diba!" pabirong sabi ni Yannie.

"Tristannie shipper na ko ngayon!" sagot ni Meicy.

"aba dapat lang... boto ako para sainyo ni pareng Chris no!" sagot naman ni Yannie at nagtawanan silang dalawa.

"blackmail ba yan?" tanong ni Meicy habang tumatawa.

"oo papalag ka ba!" biro din ni Yannie.

"hawak ko Phone mo ibabato ko to!"
"aba blackmail din ba yan?" at lalong lumakas ang tawanan nila.

"kung sakali kaya na makausap mo si Tristan ano sasabihin mo sakanya?
"panagutan nya ko kingna sya!" natatawang sabi ni Yannie.

"hindi seryoso ako!"

"thanks for inspiration ?" patanong na sabi ni Yannie.

"gusto ko silang makausap ng malapitan pero siguro di ako makakapag salita kapag nandyan na ko at kaharap ko na sila!" huminto sa pag sasalita s Meicy para ibigay ang phone kay Yannie. "gusto ko sabihin kay Chris na sya ang dahlan kung bakit Masaya ako sa buhay ko ngayon, yung mga korning jokes nya sa bawat t.v shows nila!" pag tutuloy ni Meicy.

"gusto ko din sabihin kay Tristan yan kaso wala akong chance!" sagot ni Yannie habang nilalagay ang phone nya sa bag.

"ang hirap maging fan girl no... yung mag mamahal ka ng isang tao na di ka naman kilala!"

"pero sa taong di ka kilala ang dahilan kung bakit ka sumasaya!" sagot ni Yannie na may ngiti ang labi.

"bakit ba ang drama natn... " natatawang sabi ni Meicy, tumayo ito sa upuan nya at nilagay ang bag sa likod nya.
"uwi ka na?" tanong ni Yannie ng tinngala nya si Meicy.

"yap... di ko alam kung makakabili ako ng ticket.... Dadamayan kita!" pag bibiro ni Meicy.

"akin nalang pambili mo hahahaha" sagot ni Yannie ng pabiro.

Napahinto si Meicy at napansin ni Yannie na nakatingin lang si Meicy sakanya.
"may problema ba Meicy?" tanong ni Yannie. Umiling si Meicy at ngumiti ng pilit. "may problema ka ano ba yun?"

"mamimiss lang kita pag umalis na ko!" biglang nag bago ang kanina ay nakangting labi ni Yannie at napalitan ng lungkot pero pinilit nyang ngumiti para sa kaibigan nya. Kahit pa sa totoo lang ayaw din nya mahiwalay sa naging kaibigan nya na totoo sakanya at nakaka intindi sa hilig nya.
"meicy naman... ano ka ba mag kikita pa naman tayo... pangako!" she raised her right hand up in the air.

"hahanapin talaga kita akala mo dyan!" sagot ni Meicy.

Kinagabihan tumawag si Meicy kay Yannie para ibalita na di ito makaka abot sa Concert ng BLUE NIGHT dahil emergency na kailangan na nila mag punta sa U.S bukas ng gabi dahil na din sa biglaang schedule nay un lalo lang nalungkot si Yannie. Pag ka baba nya ng phone bigla na lang sya napaisip. Bukas na aalis ang bestfriend nya.... Iniisip nya na matatagalan pa iyon ...wala na syang hahampasin kapag kinikilig sya kay Tristan, wala na din susuporta sakanya sa pag ka baliw nya at wala na syang ka jam kumanta ng mga track ng BLUE NIGHT.

Tanghali ng makarating si Yannie sa airport, nandun na si Meicy kasama ang magulang nito at ang nag iisang kuya nito. Kilala na nila si Yannie at parang myembro ng pamilya ang trato nila dito. Ganun din naman si Mecy sa pamilya ni Yannie.

"mag-iingat ka ah... hahanapin talaga kita!" banta ni Meicy.
Sinagot ni Yannie ng ngiti ang banta ni Meicy at niyakap nya ng mahigpit si Meicy.

"mamimiss kita gaga ka!" sabi ni Yannie na napapaiyak na habang yakap yakap si Meicy.

"ikaw din mamimiss kita...." Humiwalay na sila sa pag kakayakap pero hinawakan ni Meicy ang dalawang kamay ni Yannie. "yang kamay nay an... si Tristan lang dapat ang humawak dyan maliwanag!" sabi ni Meicy.

Ngumiti si Yannie at tumingin kay Meicy. "ikaw ... balitaan mo ko ah! May skype may facebook ... may Instalive kung gusto mo basta ayoko mawala communication natin ah!"

"oo naman... saka pupunta ka sa kasal namin ni Chris ah!" pagbibiro ni Meicy. Tumango si Yannie at ngumiti.

Lumipas ang mga oras at kailangan na pumasok nila Meicy sa loob at nag pasya si Yannie na umuwi na din.

Pag uwi nya ng bahay deretso na agad sya sa kwarto nya , nag bihis ng pang tulog at dumeretso na sa pag tulog.

"hindi pa nag hahapunan yun si Yanyan ah!" may pag aalala ang tono ng mama ni Yannie habang nililigpit ang pinag kainan nila sa lamesa. Tumayo sa upuan ang kuya james ni Yannie at tinulungan ang mama nito sa pag liligpit.

"wag na po natn gisingin... kusa naman po gigisng yun kapag nakaramdam ng gutom... si Yanne pa ba!" sagot ni James habang nilalagay na ang mga plato sa lababo at snimulan ang pag huhugas.

"oo nga pala.. sabi ng tita nya malapit na syang mag simula sa trabaho nya!" pinunasan ng mama nila ang lamesa.

"trabaho?" pag tatanong ni James.

"oo ... assistant daw... mainam na yan kesa naka tambay sya dito sa bahay...." Sagot ng mama nila.

"naku... hahawahan nya lang mga ka trabaho nya... gaya ng 'kilala nyo ba ang BLUE NIGHT... ang gwapo ni Tristan!" panggagaya ni James sa bosses ni Yannie.

"di naman ako ganyan mag salita kuya!" napatingin si James at mama nila kay Yannie na bumababa ng hagdan. Pag lapit kumuha sya ng baso sa platuhan ,malapit sa kuya nya at binuksan ang fridge para mag salin ng Tubig sa baso.

"oy kumain ka na nga!" sab sakanya ng kuya nya habang tinutuloy ang hugasin.

"ano ulam? Mama ano po ba sabi ni Tita? Saan daw po?" tanong ni Yannie pag katapos nyang uminom.

"di nga sinabi ng tita mo... basta sabi nya mag handa ka na daw!" sagot ng Mama nila.

"lagot ka.. ibubugaw ka na ni Tita Carmen!" dahil dun nakatanggap si James ng Batok kay Yannie na nasa gilid nya.

"siraulo ka kuya... di naman ganun si Tita..." sagot ni Yannie.

"mama oh binatukan ako di na ko ginalang na siraulo pa ako!" reklamo ni James.

"siraulo ka naman talaga! Anong bugaw bugaw ka dyan!" sagot ng mama nila.

"yan si Kuya kasi... pero mag kano kada table?" tanong ni Yannie.

"di ko ba alam bakit nag ka anak akong siraulo... matutulog na nga ko... patayin nyo ilaw lahat ah.. double check nyo yung pinto... good night!"

"good night mama!" sabay na sagot ng mag kapatid habang umaakyat na ang mama nila. Di nila napigilang tumawa.

The idols LifeWhere stories live. Discover now