THE IDOLS LIFE
CHAPTER FOUR
Raedy N GoDi makapag salita si Yannie, kaharap nya ngayon ang mga lalaking pinangarap nya lang sa buong buhay nya. Ito ang unang beses na nabigyan sya ng pag kakataon makita ng malapitan ang apat at isa lang ang masasabi nya... Maliwanag sila. Di sya makagalaw sa kinatatayuan nya ni hindi nga sya makalunok ng laway, nanginginig ang tuhod nya.
"Ine-expect ko kasing tanda mo Liza magiging P. A Namin! " bali ni John kaya nakatanggap sya ng batok sa Manager nya."I'm not too old para sabihin ko sayo! " angal ni Liza habang si John nakahawak sa ulo nya dahil masakit yung pag ka batok ng Manager nila. Ganito palagi ang manager nila pero halos close na sila kay Liza kaya sanay na sila sa ganitong routine.
"So di ba sya mag sasalita? " tanong ni Chris.
"Ah boys. Carmen recommend her Niece to be your P. A At sana maging mabait na kayo pang ilan na sya sa buong taon na to.... " paliwanag ni Liza.
"Yun naman pala si Mommy Carmen na ang nag sabi yari tayo dun pag di tayo naging mabait! " hindi mawawala ang ngiti sa labi ni Michael kahit kapag mag sasalita ito gaya ng inaasahan ni Yannie.
Matagal na nilang kakilala si Carmen na tita ni Yannie pero lingid ito sa kaalaman ni Yannie. Si Carmen ang tumayong magulang ng apat bukod kay Liza si Carmen na ang nagiging adviser ng apat kung tatanggapin nila ang mga offer sakanila."Hi... Ako nga pala si Yannie! " nag bow si Yannie sa apat at ngumiti.
"Hi... Ako nga pala si John, at ito ang mga pasaway kong mga Hyungs... Si Michael hyung! " pakilala ni John sabay turo kay Michael , tumingin si Yannie kay Michael at di sya nag kamali sa iniisip nyang nakangiti ito at nakatingin sakanya. "Ito si Chris Hyung! " turo nya kay Chris. Madali namang nakipag shake hands si Chris kay Yannie kaya lalong tumalon ang puso nito.
"At syempre si Tristan Hyung! " pag tingin ni Yannie nag tama ang mata nilang dalawa ni Tristan her world stopped and everything disappear for a while. Ngayon naiintindihan na ni Yannie ang sinabi ni Meicy sakanya.
"Ayos lang ba sya? " tanong ni Tristan kay Liza.
"Ah... Oo ayos lang ako Tristan ..." Awkward smile appear appears her lip.
Mahirap para sakanya mag panggap na wala lang na kailangan nya magpanggap na di sya excited at gusto na nyang yakapin ang apat lalo na si Tristan.
'Paano ba kumalma? ' tanong ni Yannie sa sarili.
"Nagugutom na kami Liza.... Pa deliver ka na! " angal ni Michael na may Puppy eyes pa sa Manager nila saka lumakad papasok sa kwarto nito sa itaas ng Mansion.Malinis ang Mansion nila kahit puro lalake ang nakatira dito... Sa living room naka pwesto ang mga music instruments nila napansin ni Yannie ang electric Guitar na palaging gamit ni Tristan, napangiti sya ng kaunti bago umakyat sa Itaas at tawagin ang apat para kumain utos na din ni Liza.
Pagkatapos ng maingay na hapunan nag paalam na si Liza para umuwi. Si Yannie naman dumeretso sa isang kwarto sa ibaba ng mansion doon ang kwarto nya.
Nahiga na si Yannie sa malambot na kama at napatingin sa Kisame napabuntong hininga sya at iniisip ang mga nangyayari, gusto nya ikwento kay Meicy ang lahat pero hindi pwede dahil ito ang bilin ni Liza kaya wala syang maisip na mapag sabihan hanggang sa sumagi sa isip nya ang tita Carmen nya napa "ah si Tita" sya at nag madaling kunin ang phone nya sa tabi nya mag ta-type na sana sya pero napatigil sya ng maisip na baka tulog na ang tita nya at maiistorbo pa ito.
Pasadong alas-dyes na ng gabi di pa din makatulog si Yannie, hindi nya alam kung namamahay ba sya o di lang mag sink in sa kanya ang lahat ng nangyari sa buong araw. Nag text ang kuya nya sakanya kinakamusta ang unang araw nya, nireplyan nya ito na ayos lang sya pag katapos hawak nya ang phone nya lumabas sya ng kwarto para uminom ng tubig sa kusina. Malawak ang kusina ng Mansion... Binuksan nya ang ilaw at kumuha ng baso saka binuksan ang malaking fridge, madaming nakitang laman sa Fridge si Yannie may mga prutas, cake, at kung ano ano pang lalong nag pagutom sakanya.
Kinuha nya ang pitcher sa gilid ng fridge at nag salin ng tubig sa baso nya saka nya ibinalik ulitang fridge, pero halos lumundag ang puso nya sa gulat ng pag sara nya ng fridge nakita nyang nakatayo si Chris at nakatingin sakanya."Bat gising ka pa? " tanong ni Chris.
Pinahupa muna ni Yannie ang kaba da dibdib nya at uminom ng kaunti saka inilagay sa counter ang baso nya at muling hinarap si Chris.
"Di ako maka tulog, namamahay ako! " sagot ni Yannie "ikaw? Diba dapat nine palang tulog ka na? "Napalalim ang tingin ni Chris kay Yannie na may halong pag tataka.
"Pano mo nalaman? " tanong ni Chris."Ah! " saka lang napansin ni Yannie ang nasabi nya. "Si Liza... Binilinan nya ako na wag na mag ingay pag nine kasi mga tulog na kayo! " palusot ni Yannie kay Chris na agad naman pinaniwalaan ni Chris.
"Nagugutom kasi ako! " lumakad siChris papunta sa Hanging cabinet at binuksan ito, nandoon nakalagay ang ibat ibang instant noodles at Biscuits. Bukod kasi sa gwapo ang BLUE NIGHT matakaw talaga sila at alam ni Yannie yun. Tumitingin si Chris kung ano ang kakainin nya sa mga nandun, "ahmmm ano gusto mo? Kain tayo dali! " pag anyaya ni Chris sabay lingon kay Yannie na may ngiti.
"O kaya pwede ka ba mag luto? " tanong ni Chris."Di ako marunong mag luto! " sagot agad ni Yannie.
"Bakit ka kinuha ni liza kung di ka marunong mag luto! " may tono na parang batang umiiyak at nag wawala.
"P A nyo kasi ako hindi yaya! " ginaya ni Yannie si Chris at nag katinginan sila saka tumawa. Maya maya napansin ni yannie na umilaw ang screen ng Phone nya na nakalapag sa Counter sa tabi nya. Dinampot nya ito at binasa ang text ng kuya nya. Samantalang binalik ni Chris ang tingin sa hanging cabinet. Nakapili na si Chris at kinuha ang tatlong instant beef noodles at nag hanap ng kaserola para pakuluan ng tubig na mainit.
Iniintay nila na kumulo ang tubig kaya habang nag aantay nakaupo sila sa mahabang lamesa sa kusina.... Alam ni Yannie na magiging awkward para sakanya kausapin ang BLUE NIGHT pero bakit kampante sya na kausap si Chris ngayon. Pinag uusapan nila ang tungkol sa mga sikat na singer bago ang BLUE NIGHT at pati na din ang mga paboritong kanta ni Chris bago pa sya maging BLUE NIGHT, nakikinig lang si Yannie kahit ang totoo alam na niya ang lahat ng mga ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/129459969-288-k996297.jpg)
YOU ARE READING
The idols Life
Fanfictiona Fanfiction of the second Generation Best Hallyu BoyBand CNBLUE