5th Chapter: Sixteen

34 1 0
                                    

5th Chapter

Sixteen

Czarina's POV

Sixteen. 16 nalang kaming natitira. Biruin mo, hindi pa kami nakakaisang araw dito sa isla na ito ay may namatay na agad. At, isang linggo pa kami dito. Dala nga namin mga phones namin pero walang signal. Nawawala na rin yung speed boat namin.

Dinala na ng mga lalaki ang katawan ni Mika sa basement.

"What if kung may mangyari pa?" Nag-aalalang tanong ni Eizzel.

"Kailangan nalang natin maging matatag." Ghel.

"Hindi kaya taga labas yung gumagawa nito? Kasi lahat tayo andito." Sabi ko sa kanila.

"Posible." Mikel.

"Kaya dapat maging maingat tayo." Hazel.

"Ngayon lang talaga nangyari sa atin to. Bakit ba to nangyayari satin?" Gian.

"Malay natin. Baka, naiinggit?" Aubrey.

"That's insane! Baliw lang gagawa nun."

"Tara na nga. Matulog nalang tayo." Ghel.

Pumasok na kami sa kanya kanya naming kwarto. Nakaupo lang ako sa kama ko ng tumabi sakin si Sharen.

"May hinala ka ba?"

"Oo eh. Pero sakin muna yun. Gusto kong makasigurado." Sagot ko sa kanya.

"May hinala nga rin ako eh."

"Talaga? Sino?"

"Ayoko rin magsabi. Di rin ako sure eh. Ayokong magjudge."

"Sabagay."

"Pero grabe naman yung pumapatay noh? Wala naman tayong ginagawang masama eh."

"Oo nga. Tara tulog na tayo." Yaya ko kay sharen. May nakita kasi akong may nakasilip. Hindi ko alam kung guni guni ko lang iyon. Basta nakita ko kaya nagyaya na akong matulog dahil natatakot na rin ako.

Aubrey's POV

Ngayon nalang ulit ako nakapunta dito sa rest house namin. Hindi na rin kami nakakapunta dito dahil malayo at isla nga ito, isa pa, busy kami ngayon.

Hindi ako makatulog. Andito lang ako sa kwarto namin. Nakatingin lang ako sa kisame. Iniisip ko kung sino sa amin ang pumapatay. Naoffend rin ako sa sinabi ni Hazel na ako ang pumapatay. Hindi ko naman kayang gawin iyon dahil mga kaibigan ko sila. Kung sino man sa amin ang pumapatay. Kinamumuhian ko siya. Isa siyang plastik na tao. Walang modo. Pinikit ko nalang ang mga mata ko at sinubukang matulog ng may narinig akong tunog ng baril.

*bang!*

Mabilis kaming lumabas ng kwarto ganun na rin yung iba. Nakita kong paakyat si Angelito. Hindi ko nalang pinansin iyon at pumunta na kaming lahat sa kwarto nila. Nakita namin si Mikel may tama ng bala sa sintido. May nakalagay sa baril na papel nakasulat ay, 'red'.

"Dalhin niyo na sa basement yan." Sabi ni Ghel.

Dinala naman ito ng mga lalaki.

Ano meaning nun?

Si Angelito kaya yung pumapatay?

Mas lalong nagulo ang isip ko sa pangyayaring ito.

Punyeta. Nagkanda leche leche na yung nasa isip ko. Magulo. Hindi ko alam kung sino ang pumapatay. Ayoko na. Ayoko nang magtiwala kahit kanino.

Yung kaibigan mo na papatayin ka rin pala? Sus. Wala naman kaming ginagawang masama ah? Bohol bohol na ang mga impormasyon na nalalaman ko.

Mystery between friendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon