8th Chapter
Attic
Ghel's POV
Andito kaming lahat sa sala. Inaayos namin ang mga kwartong tutulugan. Sama sama na dapat kami.
Ako na ang nanguna sa pag-ggrupo. "Sa unang kwarto, si Mhae, Hazel, Czarina, Sharen. Pangalawa, Ako, Aubrey, Yssa, Sam, Aya. Aya, sa kunin mo nalang yung isa sa mga kutson dun sa ibang rooms na malinis. Yung boys, sa isang kwarto na din. Yung isa, kuha nalang ng kutson. Okay?"
Tumango naman silang lahat.
"Si Gian, kulang!" Sabi ni Czarina
"Ay oo nga noh. Sa room niyo nalang Hazel si Gian."
Tumango naman siya.
"Teka, asan nga ba si Gian?" Tanong ni Yssa.
"Ewan natin." Sabi ni Sharen.
"Tara hanapin natin." Aya ko naman sa kanila.
Tumango sila at nagsimula na kaming maghanap. Pumunta kami sa mga kwarto wala. Ang susunod naman naming pupuntahan ay attic. May kama din dun pero maliit lang daw sabi ni Aubrey. Baka andun nga siya.
Pumunta na kaming attic at nagulat kami sa nakita namin.
Wala na si Gian. Patay na siya. Yan na nga ba ang sinasabi eh! Sabing wag maghihiwalay tapos biglang humiwalay. Nako. Delikado talaga ang sitwasyon namin ngayon. Pero ngayon. Wala na. Wala ng nakasulat o nakalagay. Bakit biglang tumigil?
Dinala nalang ng mga lalaki yung bangkay ni Gian sa basement. Kailangan naming makaalis dito pero wala ng paraan.
Kutob ko talaga may sumisira sa amin. Sa pagkakaibigan namin. Imposible na isa sa amin to. Siguro may naiinggit samin at naisipang patayin kaming lahat. Napakabaliw naman ng taong iyon. Kung sino man siya.
Mhae's POV
Kailangan naming magplano. Desperada na talaga akong umalis sa isla na ito. Hindi ko masisisi si Hazel kung iniisip niya si Aubrey ang pumatay. Dahil si Aubrey rin naman ang nagyaya. Siya ang may plano nito. At dito pa sa rest house nila.
Alam kong masama ang manghusga pero hindi ko maiwasan eh. Lagi akong napapaisip. Sino nga ba sa amin ang pumapatay? Ako ba? Si Aubrey? O kung sino man?
Wala. Wala na akong kaalam alam. Gulong gulo na ko. Sirang sira na ang grupo namin dahil madami na ang nawala sa amin.
Yssa's POV
Lahat kami natatakot. Nag iisip. Isa sa amin ang gumagawa nito. Pero kanina nung nasa sala kami, walang umaalis. Lahat kami andoon pwera lang kay Gian. Kaya ngayon, gulong gulo na ko. Hindi ko na alam.
Buong buhay ko wala pang ganitong nangyayari. May nakakaaway ako pero hindi ganito. Kailangan talaga pumatay ng tao? Napakadesperada/desperado naman nun.
Pinaghihinalaan ko si Angelito. Posibleng siya dahil nung namatay si Mikel ay paakyat pa lang siya. Nung namatay kasi si Mikel ay may tali na kakalabit sa baril kapag nahila yung tali. Posibleng si Angelito hinila yung tali, bumaba agad, nung nakita na kaming papalapit, tska naman siya umakyat. Pwede. Pwedeng siya.
Tiwala. Yan nalang ang hindi ko mabibigay. Hindi mo alam na yung akala mong hindi pumapatay ay iyon ang pumapatay. Kailangan naming mag ingat. Kailangan namin ng armas.
Minsan nakakakita ako ng babae. Pero madilim eh. Hindi ko maaninag ang mukha. Minsan naman may matang nakasilip. Pinapanood ang bawat galaw mo. Minsan, may bata. May batang masama ang tingin. Batang babae. Kinikilabutan ako.
Palagi ko yun nakikita. Lalo na tuwing gabi. Minsan sa bintana. O kaya may nakasilip sa pinto. Multo kaya yun? O yun ang pumapatay? Wala. Hindi ko alam. Wala akong ka alam alam.
Isa nalang ang gagawin ko. Ang magdasal. Ipapanalangin ko nalang na, sana hindi ganito ang nangyayari ngayon. Sana wala ng sumunod na mawala sa mga kaibigan ko. Pero hindi ko alam kung matutupad ba iyon.
Tinignan ko ang isa't isa sa mga mata. Puno ng takot ang mga mata nila. Hah. Ang pplastik naman kung ganon. Nagpapakainosente. Wala na talaga dapat akong pagkatiwalaan pa. Baka mamaya, yung taong pinagkakatiwalaan mo ay yun pa ang papatay sayo.
Hindi ko alam baka ako na ang sumunod na patayin.
BINABASA MO ANG
Mystery between friends
HororAno nga ba ang mysteryong nagaganap sa labinwalong magkakaibigan na ito? May kinalaman kaya ito sa kanilang pagkatao? O sadyang may gumugulo talaga sa kanila?