6th Chapter
Sabotage
Ghel's POV
Feeling ko talaga ay sinasabotahe kami. Kasi imposible naman na, isa sa amin ang pumapatay. Walang may kayang ganun sa barkada namin. Kilala na namin ang isa't isa. Kilalang kilala. Bakit ganun? Pangalawang araw pa lang namin ay may dalawa na agad na namatay. Natatakot ako para sa amin. Hindi kami makahingi ng tulong kasi walang signal dito. At yung speedboat... Ah! Yung speedboat!
"Yung speedboat!! Umalis na tayo dito. Baka mapahamak tayo lalo." Kumaripas kami ng takbo. Tumakbo ng tumakbo kami.
Pagkarating namin ay wala, wala ng speedboat.
"Aubrey, yung speedboat?!" Galit na sigaw ni Hazel.
"H-hindi ko alam. B-baka may k-kumuha."
"Bullsht!"
"Yung bunganga mo naman Hazel!"
"Oh, mag aaway away pa ba? Ngayon ba?! Hindi tayo dapat mag away!!" Sigaw ko naman sa kanila kaya tumahik sila.
"Tara balik na tayo." Aya ko sa kanila dahil wala kaming mapapala dito.
Hazel's POV
Sinisisi ko si Aubrey dahil sa tingin kong siya talaga. Gusto ko malamang siya ang pumapatay sa amin. Para kahit papaano maging handa ako sa gagawin niyang pagpatay sa akin.
Kutob ko talaga na siya iyon. Siya yung pumapatay. Dahil siya ang nag offer sa amin na rest house na ito tumuloy. Siya. Walang iba.
Aubrey's POV
Ako. Ako ang sinisisi ni Hazel na pumapatay. Minsan sumasanggi sa isip ko na baka nga siya ang pumapatay. Pero bat ginigiit niya na ako? Hindi ko siya maintindihan. Ang labo labo niya.
Nakabalik na kami sa resthouse namin. Nakatingin lang ako sa orasan. Baka sunset na. Nakita kong malapit na mag6pm ay lalabas muna ako.
"Saan ka pupunta Aubrey?" Tanong ni Mhae sa akin.
"Sa labas."
"Sama ako."
"Wag na gusto kong mapag isa." Sabi ko sa kaniya at iniwan ko na siya.
Gusto ko talagang mag isip. Nakatingin lang ako sa sunset. Ang ganda. May mga ibon akong nakitang lumilipad. Parang ang saya nila. Buti pa sila mukhang walang problema. Kami, nagkanda leche leche na ang mga buhay namin. Hindi naman dapat ganito eh. Hindi dapat.
Nagmumuni muni ako ng lumapit si Ghel sa akin. "Tara kain na."
Tumango ako at ngumiti.
Sinundan ko siya hanggang makarating kami sa bahay. Nakahain na. Hindi pa sila nagsisimulang kumain dahil hinihintay nila ako.
Habang kumakain kami ay nagkkwentuhan lang kami.
Nahagip ng mata ko ang sliding door doon. Parang may tao. Goosebumps. Nakakatakot. Parang nakatingin rin siya sa akin at ngumiti. Nakakatakot ang mga ngiti niya. Nag iwas nalang ako ng tingin at binaling ko ang tingin ko sa mga kaibigan ko. Nakakatakot talaga ang nakita ko.
Pagkatapos namin kumain ay napagdesisyunan na naming matulog.
Lumipat nang kwarto si Elai at si Eizzel. Dun sila matutulog sa bakanteng kwarto na wala namang tao.
Pumasok na kami sa aming mga kwarto at tumingin ulit ako sa bintana. May shadow dun. Nagtaka ako pero wala namang tungtungan dun. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko at natulog na sa sobrang takot.
BINABASA MO ANG
Mystery between friends
TerrorAno nga ba ang mysteryong nagaganap sa labinwalong magkakaibigan na ito? May kinalaman kaya ito sa kanilang pagkatao? O sadyang may gumugulo talaga sa kanila?