1st Chapter
Orphanage
Yssa's POV
Pupunta kami sa orphanage ng mga kaibigan ko. Actually, 1st year college na kami. Since 2nd year highschool namin ginagawa ang pagbisita sa orphanage na ito. Wala kasi kaming mga kapatid. Kaya naisipan naming tumulong. Kahit college na kami syempre di mawawala yung pagkakaibigan namin. Kami pa. Chos. Hehehehe.
"Hoy Aya, van niyo gagamitin papunta dun ah?" Mhae.
"Oo na. Lagi naman. Hahaha."
"Eh asan na?" Elai.
"Wala pa. Pero tinawagan ko na. Wag nga kayong atat. Hahaha"
Maya, maya dumating na yung kanilang sasakyan. May driver na rin.
"Uy, next week swimming tayo! Inet eh!" Yaya ko sa kanila.
"Oo nga. Di na rin tayo nakakagala minsan. Sabi ni Elai.
"Saan naman?" Aubrey.
"Sa, hmm? Saan ba maganda?" Ghel
"Sa Laguna nalang tayo!" Aya
"Anlayo tas ang mahal!" Angal ni Czarina
"Sagot ko pagkain pati kotse. Gora na!"
"Kelan?" Tanong ko.
"Next week. Saturday. 16 yun. Monthsary!"
"Sige, tara! Magpapagoodshot na ko para payagan." Hazel.
Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan hanggang sa makarating kami sa orphanage na ito. Pumasok kami at sinalubong kami ni sister Jenny. Siya ang pinakaclose namin sa mga nun dito.
"Hi sister, goodafternoon po." Ghel.
"Oh, mga iha't iho, mabuti naman nakapunta kayo."
"Oo nga po eh. Busy nga po kasi kami kasi college life na." Ako.
"Kahit di graduating daming ginagawa tss." Hazel.
"Hahaha. Ganyan talaga. Oh, pasok kayo." Pagkasabi ni sister Jenny ay pumasok na rin kami. Nakikipaglaro kami sa mga bata ng may napungaw ng attensyon ko.
"Ah? Sister? Sino po iyon?" Sabay turo sa isang bata na nasa isang sulok nakaubob lang siya sa mga tuhod niya.
"Ah iyong batang yan ay si Maria. Bago pa lang yan dito."
"Ah sige po sister. Lalapitan ko lang po."
"Teka lang, hindi yan masyado gusto ng attensiyon iha. Mag ingat ka ha."
"Sister, bata lang po yan. Harmless naman po siya siguro hahaha."
"Hindi na bata iyan."
"Ano po sister?"
"W-wala iha. Sige mag ingat ka nalang." Harmless naman siya diba? So ayun nga nilapitan ko siya.
"Maria?"
"Hmm?"
"Gusto mo ba makipaglaro?"
Tumingin siya sakin ng masama. "Ayoko!!! Lumayo ka sakin!" O.o creepy ng batang to ah!
Habang nagtataka ako kung anong nangyayari, nakita kong tumingin siya sa bintana, gabi na pala. Hapon kasi kaming pumunta dito. "Sige ate, laro tayo. Sorry kung nasigawan ko kayo." Tumayo na siya. Maganda naman pala siya.
"Wait lang ha? Ano ba gusto mong laro? Tatawagin ko lang sila."
"Tagu-taguan po."
"Sige." Sabay tumigin ako sa mga kaibigan ko, "Guys! Laro tayo. Dito bilis!" Sigaw ko at naglapitan naman sila.
"Anong laro?" Aubrey.
"Hide and seek daw gusto niya."
"Wag. Gabi na." Ghel.
"Huh? Eh dito lang naman tayo. Di tayo lalabas ng gate." Gian.
"Sige na po ate." Maria.
"Tss. Sige na." Ghel.
Nagbilangan na kami at taya ay si Cath. Nagbibilang siya at nagsitaguan na kami.
Maya maya di niya pa rin kami nahahanap. Bat ang tagal naman nito?
"AAAAHHHHHHH!" Wah! Sigaw ni Rina yun ah? Umalis ako sa pinagtataguan ko at pumunta ako dun. Nagkukumpulan ang tropa.
Ang nadatnan namin, si Cath, nakabulagta.
Tadtad ng saksak.
At yung leeg, may matinding sugat.
May nakalagay na "M" sa kanyang noo.
Anong ibig sabihin nito?
At sino ang may kagagawan nito?
--
BINABASA MO ANG
Mystery between friends
HorrorAno nga ba ang mysteryong nagaganap sa labinwalong magkakaibigan na ito? May kinalaman kaya ito sa kanilang pagkatao? O sadyang may gumugulo talaga sa kanila?