9th Chapter
Behind your back
Aya's POV
Tatlong araw pa lang na andito kami. Madami na rin ang namatay sa amin. Labing-isa nalang kaming natitira. Ako, Ghel, Mhae, Hazel, Yssa, Aubrey, Sharen, Sam, Mark, Junjun, at si Angelito. Sa tingin ko ay hindi na kami makakaalis dito sa impyernong to na buhay. Dun lang ako nakakasigurado.
Kasalukuyan akong nasa veranda ng kwarto ko. Wala akong ganang kumain. Mamamatay din naman ako eh.
Nag-iisip isip ako. Pano kaya kung namatay ako? May makakamiss kaya sa akin? May magluluksa ba? Pero, tanggap ko naman na mamamatay ako. Para makasama ko na rin ang tatay ko.
"Aya, hindi ka ba talaga kakain?" Hindi ko alam kung sino ang nagtatanong nito.
"Hindi." Sinabi ko yan ng nakatalikod pa rin.
"Aya! Sa likod mo!"
Nanlaki ang mga mata ko at dahan dahang tumingin sa likod ko.
Babae. May hawak na martilyo.
Nakaharap kay Junjun dahil siya yung sumigaw.
Pinupukpok niya sa ulo si Junjun. Hindi ko na kaya tong nakikita ko. Naaawa ako. Nagkalat ang dugo sa kwarto. Ako na nga ang susunod.
Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa akin. Wala na akong pake kung sino man to dali dali akong kumuha ng kahit anong bagay para lang mapukpok sa kanya.
Ihahampas ko na sana tong tubo na hawak ko ng..
Dahan dahan siyang lumingon sa akin. Oh no. Siya pala ang pumapatay. Napakawalang hiya. Hindi ko alam kung bakit niya to ginagawa sa amin. Magkakaibigan kami.
"Ikaw?!"
"Oo. Ako nga Aya."
"B-bakit mo to ginagawa?"
"Malalaman mo rin."
"Hayop ka!"
"Salamat. Paalam."
Ngumisi siya. Nakakatakot na ngisi. Baka demonyo na nga tong babaeng to.
Itinaas niya ang martilyo at biglang pinukpok sa ulo ko.
Paalam.
Ghel's POV
Malapit na kaming matapos kumain pero hindi pa rin bumabalik si Junjun. Anong nangyare? Hindi kaya may masama nanaman na nangyari?
"Mark, pakitawag nga si Junjun. Di pa nabalik eh."
"Yes boss."
"Leche."
Umakyat na si Mark patungo kung naasaan si Junjun at Aya.
"HOY PUMUNTA KAYO DITO!!!" Sigaw ni Mark galing sa taas.
Mabilis naman kami umakyat dahil bakas sa boses ni Mark ang takot.
Pagkarating namin sa kwarto kung nasaan si Aya, nagulat kami sa nakita namin.
Wala na silang buhay.
Bakit ganito? Malaki ba talaga ang kasalanan namin kung sino man ang pumapatay?
Nung kumain kami ay tatlo lang naman silang wala. Si Aya. Si Aubrey at si Hazel. Posible sa kanilang dalawa ang pumapatay.
BINABASA MO ANG
Mystery between friends
TerrorAno nga ba ang mysteryong nagaganap sa labinwalong magkakaibigan na ito? May kinalaman kaya ito sa kanilang pagkatao? O sadyang may gumugulo talaga sa kanila?