7th Chapter
Sleepy heads
Yssa's POV
7am pa lang ay gising na ako. May iba na ring gising. Nagluto muna ako para sa almusal namin dahil tinatamad daw silang magluto tsk. Ginawa pa nga akong tagaluto ng mga to. Nakakainis eh.
Matapos akong magluto ay tinawag ko na sila. Bacon, ham, hotdog, eggs at fried rice ang mga niluto ko.
Umupo na kami sa hapag at napansin kong wala ang dalawa sa amin.
Wala si Eizzel at si Elai. Tss. Mga tulog mantika. Sleepy heads.
"Teka guys, tawagin ko lang sila Elai." Tatayo na sana ako ng pinigilan ako ni Hazel.
"Ako na. Kanina ka pa may ginagawa eh." Aniya.
Tumango lang ako at ngumiti. Ngumiti naman siya pabalik sa akin.
Aya's POV
Nakatitig lang kami sa mga pagkain at hinihintay sila Hazel na bumalik.
"Guys! Guys! Sila Elai!!!" Pababa si Hazel sa hagdan.
Lahat naman kami napatayo sa sinabi niya.
"Huh?! Anong nangyare?!" Tanong ni Ghel.
"Halikayo!" Aniya at sumunod na kami sa taas.
Pumunta siya sa kwarto nila Eizzel.
"Nakita ko na silang ganyan pagpasok ko kaya pumunta agad ako sa inyo."
Nakita namin na wala na si Eizzel at si Elai. Patay na sila. Natatakot na ako. Hindi ko na kaya to. Gusto ko nang umalis dito sa isla at iwanan sila. Pero hindi ko magagawa iyon. Walang signal dito at hindi namin alam kung asaan ang bangkang sinakyan namin. Natatakot ako baka sumunod na ko. Ayoko pa. Madami pa akong gustong gawin sa buhay.
Nakakalungkot talagang mawalan ng importanteng tao sa buhay mo. Naranasan ko na yan. Nung namatay ang tatay ko. Wala na akong ginawa kung hindi magkulong sa kwarto. Hindi ako kumakain. Siya kasi yung superhero ko. Siya yung kaclose ko. Nawala na nga ang tatay ko tapos ngayon, nawalan pa ako ng kaibigan. Lima na kaibigan na ang nawalan kami.
Lima.
Gian's POV
Nakita namin si Eizzel at Elai na duguan. Sino ba namang hayop ang gagawa nito? May kasalanan ba kami sa kanya? May atraso? O ano? Bakit ganito?
Si Eizzel may nakalagay na, 'Isolate' sa kanyang palad.
Kay Elai naman ay, 'Antidote'
Anong meron dun?
Bakit may ganun na nakasulat?
Napapansin kong, kada namamatay sa amin ay may nakasulat sa iba't ibang bahagi ng kanilang katawan.
Anong ibig sabihin nun?
Nilagay na ng mga lalaki ang bangkay nilang dalawa sa basement.
Iniisip ko ang nangyayare. Inaalala ko isa isa. Mag isa lang ako dito sa attic. Pinagsusunod sunod ko ang mga nangyayari. M sa noo ni Cath. Apricot kay Mika. Red kay Mikel. Isolate ang kay Eizzel. Antidote ang kay Elai.
M-A-R-I-A
Maria ang nabuo ko. Hindi kaya ang batang nasa orphanage yun?
Inisa isa ko sa isip ko ang mga kaibigan ko. Lahat sila inisip kong mabuti kung sino ang pwedeng gumawa nun.
Nang maisa isa ko na ay alam ko na ang sagot. Kilala ko na ang pumapatay. Siya ay ang bestfriend ko dito sa grupo.
May naramdaman akong papalapit sa akin dahan dahan akong humarap.
"Bye, bestfriend. Alam mo na pala." Pagkasabi niya nun ay hinampas niya ako ng tubo sa ulo.
At biglang nagdilim ang paningin ko nanghihina na ako. Katapusan ko na ito.
BINABASA MO ANG
Mystery between friends
HorrorAno nga ba ang mysteryong nagaganap sa labinwalong magkakaibigan na ito? May kinalaman kaya ito sa kanilang pagkatao? O sadyang may gumugulo talaga sa kanila?