[a/n] kung napansin niyo pong nagiba yung characters, eh opo. Nagiba ng name. Name lang naman po yun eh.
- alyssa <3
--------------------
"Uhm.. Boyfriend mo ba si Rence?"
"Uhm.. Boyfriend mo ba si Rence?"
"Uhm.. Boyfriend mo ba si Rence?"
=_=
PATI IKAW?
Ikaw lang boyfriend ko Drew. HAHA. Jk.
Pero seryoso ba siyang tinatanong niya yan? Grabe naman 'tong si Drew. Bluetooth siya? Nakasagap ng chismis dun sa mga babae kanina? Hay.. Kung di ko lang to crush eh napeltukan ko na sia. Kaso hindi eh. Crush ko siya at wala ng iba.
Tiningnan ko siya at tinaas kilay. "Bakit mo naman natanong yan?" Wow grabe. Ang taray ko sakanya. Baka sabihin nentong masungit ako tapos maturn off sia.
Mawawalan na ako ng PAG-ASA :'( Kawawa naman ako.
Tumawa siya. Ano to? Nagjoke ako? Jusmi. "Eh kasi, mukha talagang kayo. Hindi lang ako sure. Kasi kung mag act kayo, eh para kayong couple. Ang cute niyo eh. Ha-ha-ha."
"Ang cute niyo eh."
"Ang cute niyo eh."
"Ang cute niyo eh"
kanina pa echo ng echo yung mga sinasabi niya 0.o
Pero.. Kami? Cute? So cute pala ako. :'> haba ng hair ko noh? First time lang ako nakakuha ng compliment sa guy eh. Except kay Rence.
me: *SPEECHLESS*
"Kath."
"Huy KATH!" Nagulat naman ako dun. -____- "Wag mo ako masyadong isipin. Napapagod na ako kakatakbo sa isip mo" Rence talaga kahit kelan. Pero hindi siya seryoso dun. I think? Dahil alam niyang si Drew iniisip ko.
Sina Drew at Dannica, tinawanan ako. :'(
Haaaaaaaay. "Oy BABE." Tiningnan ko siya. Nasa tabi ko na pala siya. And nandito na rin yung pagkain namin. Oo, ako na gulat. At oo, galit ako. Heart attack eh.
Nilagay niya yung arms nia sa chair ko. Parang nakaakbay tuloy siya ngayon. Lumapit siya and sinabing: "Joke lang yun, wag serious. Mas papangit ka."
"Ah ganun?" =_=
"Yes, ganun yun" Nag evil smile siya. HAHAH. OMG. Gwapo talaga ni Rence. Ay, erase. Erase. He's my bestfriend. At tinawag niya akong panget.
Hinampas ko siya nung bag ko. "Panget pala ako." Binaba ko yung bag ko. Tapos nagkunwaring offended. Best actress ata 'to.
Ay shocks. Sila Drew.. at Dannica. Nasa harap parin namin sila. Akala ko wala na eh -____- makikita nila na brutal ako >.<
"Joke lang yun uy. Ang brutal mo naman eh. Alam mo namang ikaw ang pinakamagandang babae sa buong mundo ko eh." Ngumiti si Rence at kumain nung kinakain niya. Si Rence, alam kong pala biro yun. Kaya minsan, di mo alam kung dapat bang paniwalaan sinasabi niya o hindi.
"Eh baliw ka pala eh. Bakit sa mundo mo lang? Eh nagiisa lang naman ako dun?" Nagsad face ako.
"Ikaw, may nalalaman ka ng ganyan. K ka lang?" Sabi ni Rence.
Hinampas ko lang ulit siya. Dahil halos buong tao sa canteen, tinitingnan na kami. Ngayon ko lang narealize na ang ingay pala ng boses namin ni Rence. Lahat talaga nakatingin eh. Including my one & onlehh. Si Drew.
Si Rence, walang pakielam yan. Kasi sanay na siya sa attention eh. Kaya ako, mejo nasanay na din. Pero ngayon? Naiilang ako kasi ngayon lang ako tiningnan ng ganto ni Drew. Ngayong araw niya nga lang ata ako nakita eh.
Rence: "Uy pare. Balita ko, sa Ateneo ka mag-aaral ah" Mejo tropa sila ni Drew eh. Pero ako yung laging kasama ni Rence kaya di masyadong ganun ka close si Rence sa mga katulad ni Drew.
"Oo pre. Gusto kasi ni Dannica na kasama ko siya" Then lumingon siya kay Dannica at nagsmile.
Napasmile ako. FAKE yung smile siyempre. Dahil alam mo yung feeling? Yung crush mo, iba yung katabi. Yung crush mo, iba yung susundan. Yung crush mo, iba yung kasama. At yung crush mo, iba yung mahal. Masakit talaga <//3 Yung luha ko, nagsstart nang magform sa mata ko. Grabe naman Drew. Bakit kelangang harap harapan pa?
"Ah." Sabi ni Rence. Tiningnan ako ni Rence. Naramdaman siguro nento ung sakit na nararamdaman ko. Kinuha niya yung kamay ko and he squeezed it. Yun ung ginagawa niya sakin kapag nasasaktan ako at wala siyang magawa at the moment. Alangan namang yakapin niya ako at hayaang umiyak sa canteen? Pangit kaya nun. Baka akalain pa nila, siya yung nakakasakit sakin.
"Sige pre. Una na kami. May klase pa tong si Kath eh" Actually, mga 30 minutes pa bago magstart yung klase ko. Tumayo na siya. Hanggang ngayon, hawak niya pa yung kamay ko. Kaya napatayo na rin ako.
"Uhm. Nice meeting you Drew and Dannica" I smiled. Yung voice ko nga eh, ang weak. Masyado akong halata anubayan -___-
Umalis na kami ng canteen. And nagstay muna sa garden nung school. Umupo kami sa isang bench dun. Ung tambayan namin nung first year palang kami.
"Kath."
"Hmn?" Sa baba ako nakatingin. Dahil ayaw ko na mapansin nanaman ni Rence na paiyak na ako.
Niyakap niya ulit ako at binulong niya sakin : "Alam mo, wag kang ganyan. Alam mo namang nahihirapan ako tuwing malungkot ka eh. Ngiti ka na para saken. Baka kasi sabihin ng mga tao, may problema ka. Ay. Meron nga. Pero dapat wag mo ipahalata, okay? Ngiti ka na please?"
:( ang hirap nun.
"Rence.. ewan ko."
"Yes Kath, I know. Mahal mo parin siya. Sige, iiyak mo lang. Last na to ha?"
At umiyak na nga talaga ako.
----------------
Hello! Sana maenjoy niyo tong chapter na 'to. 3am ko to natapos kay baka may mga typo error. Sorry sa mga ganun. Pero haha. ang ewan ko. Kinikilig ako kay Rence eh. Kayo ba?
Thank you sa pagbabasa nitong chapter nato. See you again sa next update ^^,
- alyssa <3
BINABASA MO ANG
It's You.
Teen FictionWas known as 'In Your Dreams' Copyright © 2012 by MONALEESA All Rights Reserved.