Sixteenth.

139 3 1
                                    

1 Week.

It's been 1 week simula ng huli kaming nagkausap ni Rence.

7 Days.

168 hours.

10, 080 minutes.

At ang hirap.

Super duper hirap.

Minsan, nahuhuli ko nalang ang sarili kong nakatulala sa mga bagay at mga lugar na pinupuntahan namin ni Rence, habang ang mga luha ko ay tumutulo.

Masakit hindi dahil siya lang ang nadiyan para saakin, kundi, dahil Mahal ko siya. Mahal na mahal. Kailanma'y di ako naapektuhan ng anumang bagay. Dito lang. Kahit ang mga parents ko, hindi ako naapektuhan sa kanila ng ganito.

I just did'nt think na kaya niyang i let go ang friendship namin ng ganun ganun lamang.

*Flashback*

"You.... you what?"Tumutulo na ang luha ko at kumikirot na ang aking puso.

"You want our friendship to end? You want us to end? Ganon ganon nalang yun? *Sob* W-would you please stop being so childish?" Malumanay kong sinabi sakanya, dahil hindi galit ang nararamdaman ko, lungkot.

"Stop being so childish? All my life, I've been trying to be so mature to stand up for you. Because you just can't handle yourself. At ako pa ang childish." Galit niyang sinabi, tumutulo na rin ang kanyang luha.

"Th-that's not what I mean! You know that I love you and you're the only one that I have. Kung kelan tayo tumanda, dun mo ako iiwan? Childhood friendship lang ang meron tayo?"

"Mahal mo ako and I'm the only one? Oh please, save that speech for yourself...." Pinunasan niya ang luha niya at naglakad palayo. "I won't be talking to you anymore. Go to sleep." Papasok na siya nga kotse niya.

Huminga ako ng malalim at sinabing "O-okay. J-just tell me why you're doing this to me." Pinunasan ko na ang aking mga luha.

"I have to go." At humarurot na ang kanyang kotse.

*End of Flashback*

Pagkatapos ng gabing iyon ay hindi na ako ganun nakakatulog at napapaiyak ako lagi. Buti nga at hindi ako nauubusan ng luha eh. Napansin ko na rin na madalas na akong nalilipasan ng gutom kaya't ako ay nangangayayat na.

Hindi na din ako nakakapasok sa school dahil pinagbawalan muna ako nina daddy, hindi nila alam ang reason kung bakit ako nagkakaganito. Gusto lang nila na maayos ko muna ang sarili ko bago ako pumasok sa school. For the first time ata na nakita ko ang pagcare nila. Tinawagan nila ako from States at kinamusta ako.

*ding dong*

Baka si Rence yun.

Baka naisipan niyang balikan ako.

Baka naisipan niya na di niya din kaya na wala ako.

Dali dali akong bumaba ng stairs.

Kamuntikan na nga ako mahulog eh.

Binuksan ko ang pintuan.

"Kath?" Hindi si Rence. Si Drew.

Kapansin pansin ang gulat niya. Siguro dahil sa kung ano ang hitsura ko ngayon.

Napatingin ako sa sahig at napapikit.

Naramdaman kong lumapit siya saakin. Ipinatong niya ang kanyang kamay sa magkabilaang braso ko.

"Look at me Kath." Mahinahon niyang sabi.

Hindi ko siya tiningnan.

"Look at me." Ulit niya. Huminga ako ng malalim at tiningnan ang kanyang mga mata.

It's You.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon