Chapter 4- The Secret Friend

937 30 2
                                    

This was not proof-read so if you see any errors, I am deeply sorry.

Enjoy!

_______

Chapter 4- Secret Friend

"Finalize everything. The charity tonight will be one of the grandest to date and a bunch of investors are coming. This will also boost to the sales of Nazsiancina wines so make sure everything is settled." Utos ng ama ni Daniel nong natapos na ang pangumagahan nilang meeting.

"Yes, mayor." He said like a puppy.

Tumango ang ama nito, "Cassandra will be coming tonight so I hope you give her the best attention she deserves," Tumango ulit si Daniel sa sinabi ng ama.

Pagkatapos ng lahat ng utos nito ay kaagad na siyang umalis para bumalik sa mansion nila kung saan naghihintay ang pinsan niyang si Marco. When he opened his personal office he saw Marco drinking a glass of brandy while staring at his computer.

"Ano? May nakita ka ba?" Tinanggal ni Daniel ang suot na suit at tinupi ang polo hanggang sa siko. Nilapitan niya ang pinsan niya at tinignan din ang computer.

BInigay niya ang log book na hiniram niya sa police station nong nakaraan araw. Marco started his expertise at huling update niya dito ay isa isa muna niyang hinanap ang mga taong nasa listahan.

"So far Andrew Garcia had 5 visitors. Jennifer Garcia is his youngest sister. Harold Banes is his lawyer. Then there's this three unknown visitors. I'm still tracking the three more identities."

Kinuha ni Daniel ang nagawang listahan ni Marco na sinulat niya sa sariling notebook.

Gilbert Jose

Henry Chua

Flora Hernandez

All the names doesn't ring a bell.

Daniel needs to find the vigilante. The anger inside him is still boiling every time he hears a thing about the vigilante. Hindi siya mapapakali hanggang sa hindi niya ito mahuli. He wants to see the culprit behind bars and give justice to what happened to his mother.

"This is an impossible mission, dude. Masyadong magaling ang lalaking to na magtago. There's no such thing as a perfect crime as what they say pero mukhang expert na ang isang to."

Kinuha ng pinsan niya ang isang folder na pina photocopy ni Daniel. Ito yong huling gawa ng vigilante. Binuksan yon ng pinsan niya at pinagmasdan. Nakita niya na parang naliwanagan ito.

"What?" KAagad niyang tanong. Umiling ang pinsan niya.

"I'll do more research bago ko sasabihin sayo." Ngisi ng pinsan niya. Hindi naiwasan ang inis nito.

"What's the use in hiring you if you don't tell me?"

Humagikhik ang pinsan nito, "Well I'm starting to enjoy this." SInulyapan nito ang folder bago binalik ang nakakainis na mukha nito sakaniya.

Malalim na bumuntong hininga muna siya bago tumalikod, "I need to prepare for tonight. Yong suit mo ay nasa hotel mo na." Nakita niya ang pag-apila nito at inis sa mukha, "You don't have a choice. Si mayor na ang nag-utos na dapat nandon ka."

Umirap si Marco, "Yeah, right."

Hindi na niya pinansin ang pagmamaktol ng pinsan at umalis para gawin ang utos ng ama.

Sinalubong siya ng even coordinator at inisa isa na ang mga nagawa. So far so good kaya napagdesisyunan na niyang umalis nong tumawag na ang secretary niya na natapos na ang kaniyang suit para sa gabing yon.

The Vigilante PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon