CHAPTER: 13 (EDITED)

805 29 0
                                    

Erika's POV

Nasan ako?

Bakit ang dilim?

Bakit hindi ako makagalaw?

Bakit itim ang suot ko? Maging ang labi ko ay kulay itim na may halong kulay lila. Meron din akong koronang itim. Hindi mo maintindihan bakit ganon?

Nakatayo lang ako at sa harap ko ay may malaking salaminkitang kita ko ang sarili ko. At nandito ako sa kwartong hindi ako pamilyar kulay itim lang ito at nakakatakot.

Nagulat ako nang biglang magsalita ang salamin.

"Ikaw na ngayon ang reyna" nawiwirdohan na ako sa mga nangyayari.

"Hawak mo na sa leeg ang iyong karibal" karibal? Anong karibal?

"Ang umagaw sayo sa lahat ng bagay. Kapangyarihan, pangalan at trono ngunit hindi siya nagtagumpay" ano bang sinasabi niya.

"Hayaan mong ipakita ko sayo ang nangyari"

Biglang may nag form sa salamin. Andun ako kasama si Yumi. Habang aanunsyo na ang magiging reyna.

Naglakad ako papunta duon dahil alam ko namang ako ang magmamana pero nagulat ako nang hindi ako ang tawagin kundi si Yumi. Ang sama ng tingin ko sa kanya. Kita sa mata ko ang inggit sa kanya.

Habang natutulog siya bilang reyna. Pumasok ako sa silid niya. At hindi ako makapaniwala sa nakita ko! Sa likod ko ay may hawak akong maliit na espada at tinapat ko iyon sa puso niya at handa na akong saksakin siya

Hindi ito totoo! Nakita kong sinaksak ko siya. Napatingin siya sa akin na may namumuong luha.

Narinig kong sinabi ko "ang dali mo naman palang tapusin" pero may isang bagay akong napansin naging kulay lila ang buhok ko.

At napatay ko siya.....

Sunod na nagdatingan ang mga kapatid ko at gulatna gukat sa nakita nila. Agad ko silang hinawakan sa leeg gamit ang aking kapangyarihan.

Naging kulay puti lamang ang mata ko. Maging ako ay hindi na makilala ang aking sarili. Tila ba nalunod na ako sa galit. Nakakatakot ang sarili ko.

Hindi hindi ko ito magagawa inposible! Dahil ako mismo alam ko sa sarili ko na kahit kailan ay hindi ako nagtanim ng sama ng loob o inggit sa kahit na sinong kapatid ko.

Alam kong hindi ko sila kaiinggitan at magiging proud pa ako sa kanila. Hindi totoo ito.

Napasigaw ako.

At hindi ko alam kung bakit pero bigla akong napabangon. Panaginip langba iyon? Pagtingin ko sa damit ko bestida ito na kulay lila pero light lang ang kulay. Pang tulog ito. Pagtingin ko sa orasan. Ay hating gabi na pala.

Anong nangyari? Ang natatandaan ko na lang ay biglang sumakit ang ulo ko. At the rest wala na.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang mga kapatid ko kasama si Yanah. Lahat sila mga naka bestida na at halatang matutulog na.

"Nakita ko gamit ang aking kapangyarihan na hindi ka komportable kaya pinuntahan kita dito hindi naman sila mapalagay sabi nila kaya nakita ko na lang sila nasa tapat ng pinto mo" sabi ni Macy.

Isa isa ko silang tinignan bago napatigil ang aking tingin kay Yumi.

Magiging masama ako....

Ako ang mismo ang papatay sa mga kapatid ko...

"Ate ayos ka lang ba? Wala kang malay na inuwi ka ni John dito ano bang nangyari?" Tanong ni Anne.

The Secret Of The Nerd (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon