CHAPTER 21 (EDITED)

553 18 0
                                    

Erica's POV

Kasama ko ngayon si John. Nasa loob kami ng auditorium.  Walang tao dito maliban sa amin. Kailangan lang namin maging tahimik.

Break time namin ngayon kaya naman kumakain na kami. Tahimik lang kaming kumain.

"Erica"

"Hmm?"

"Mahal kita"

"Mahal din kita. Amo illum (Gustong gusto ko rin ito) ung magkasama tayo. Walang pakielam sa iisipin o sasabihin ng iba" ipinatong ko pa ang ulo ko sa balikat niya.

"A-ate?"

Gulat akong napalingon sa may entrance ng auditorium. Doon nakita ko si Yumi kasama pa sila Macy. Nahuli nila ako sa ganoong posisyon. Agad akong lumayo ng bahagya kay John. Nakita ko ang kirot sa kanyang mata.

Pumasok sila sa auditorium at sinarado ang pinto. Habang si Yumi naman ay tila ba napako sa kinatatayuan. Wag please. Wag.

Ilang minuto pa ang lumipas at wala ni isa sa amin ang nag lakas loob na magsalita lahat ay nagkakatinginan lang. Habang patagal ng patagal ay pataas ng pataas ang buhok ni Yumi. Pinipilit siyang pakalmahin nila Macy at Anne ngunit nasa akin lang ang atensyon niya. Naisip siguro niya na trinaydor ko siya na hindi ko tinupad ang pangako ko sa kanya. Patawarin mo ko.

Sa isang iglap pumasok din sa auditorium ang mga kapatid ni John at sinara ang pinto. Ako dahil ako may kasalanan dito. Ginamit ko ang aking upang ma protektahan ang silid na ito. Ginamit ko rin ang aking kapangyarihan upang walang maka rinig o maka ramdam ng kahit na sino sa maaring mangyari.

Sa isang iglap nawala ang Yumi na nakilala namin. Tumilapon sa ere sina Anne at Macy. Nakita kong nahihirapang tumayo ang dalawa. Ito na ang kinatatakot namin. Hindi kayang kontrolin ni Yumi ang galit niya. Sumpa din ito sa kanya ni Rafael.

Nakita ko na kahit nahihirapan si Anne ay inilayo niya sina Gino, Bryan at Charles na bahagyang lalapit. Sa loob ng auditorium ay may isang malaking bilog pero apat lang kami ng mga kapatid ko ang narito. Inilabas nila sa bilog na ito ang magkakapatid upang hindi sila madamay.

Nawala ang masiyahin kong kapatid napalitan ito ng. Kulay puting mata. Umaangat siya sa ere at tumataas ang kanyang mga buhok. Bigla itong nagbago ng anyo. Ang suot nito ay kulay pula na tinitignan ako nito ngayon na para bang hindi niya ako kilala.

"Yumi.. ako ito" naiiyak kong sabi.

Itinapat niya sa akin ang kanyang palad at may lumabas na liwanag duon handa na upang ako'y patayin. Immortal kame ngunit ang tanging paraan upang mamatay kami ay ang tamaan kami ng malakas na kapangyarihan sa aming puso.

Napa pikit na lamang ako rinig ko ang sigaw ni John at ang pag pupumilit nila ng mga kapatid nila na makapasok sa bilog. Ngunit sadyang hindi sila makakapasok. Esmerteya, Tiburius tulungan ninyo ako.

Nagulat na lamang ako nang hindi ako tinamaan ng kapangyarihan ni Yumi pagka dilat ko nakita ko ang kapatid ko na nasa magkabilang gilid ko.

"Tama na Yumi kumalma ka. Kami ito ang mga kapatid mo" sabi ni Macy sabay diretsyo ang tingin kay Yumi.

"A-ate tulungan niyo ako" bahagyang bumalik sa normal ang pagka tao nito.

Pero tinira kami nito ng kapangyarihan niya. Sunod sunod. Wala kaming magawa kundi salagin ito.

Nag teleport ito at sa isang iglap hawak na nito ang aking leeg habang itinataas ako. N-nahihiran akong huminga.  Nakita ko na bahagyang lumapit si Anne upang tulungan ako ngunit mabilis si Yumi at lumabas ang maliwanag na ilaw sa palad niya at tinamaan ito si Anne dahilan upang mawalan ito ng malay. Narinig ko ang mura ni Gino.

The Secret Of The Nerd (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon