CHAPTER: 14 (EDITED)

783 25 0
                                    

Erika's POV

Madaling araw na at lahat kami ay nasa secret library. Pinag uusapan ang mga gagawin dahil mag uumpisa na ngayon ang paghahanap namin sa sandata.

<><><><><><> flashback <><><><><>

Nakabalik na ako. At madaling araw pa ren. Ramdam ko ang lamig. Pero ngayon hindi ko na kasama si John. Pinauwi ko na rin siya.

Pagpasok ko nakita ko silang naka upo sa sofa at halatang hinihintay ako.

Ramdam ko ang malamig na tingin sa akin ni Yanah. Hindi niya rin ako kina usap.

"Bukas na bukas na rin mag uumpisa ang paglalakbay ninyo. Yumi" bago tumingin siya kay Yumi.

"Sayo ko ipagkakatuwala ang lahat. Sayo ko ituturo ang daan. Hahanapin ninyo ang mga instrumento at sandata na paniguradong makakatulong sa pagtalo niyo kay Rafael"

Bakit kay Yumi? Ako ang pinagkakatiwalaan mo dati. Ako ang sinasabihan mo ng mga bagay na yan dahil sinasabi mong ako ang panganay. Dapat ako ang nakaka alam ng mga importanteng bagay. Pero bakit hindi mo sa akin sabihin?

Ramdam ko ang pasimpleng tingin nila Macy. Okay lang ako. Ngumiti ako sa kanila.

"Ummm tanong lang. Pano namin malalaman kung un na ba talaga ang bagay na hinahanap namin? At pano kung hindi namin makita?" Tanong ni Macy.

"Kailangan ninyong makita dahil kung hindi niyo ito makita si Rafael ang makakakita" kaya ganoon na lamang ang gukat namin. Pano napasok sa usapan na ito si Rafael? Anong ibig niyang sabihin?

"Rafael? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Anne. "Tama kayo ng rinig. Hindi lang kayo ang naghahanap sa mga gamit na ito. Dahil kakailanganin rin ito ni Rafael upang talunin kayo. Kaya paunahan na lang. Isa pa nararamdaman ko na kahit saan ang prisensya ni Rafael" ibig sabihin? Kailangan naming habulin ang oras?

"Ibig sabihin may plano na talaga si Rafael" sagot ni Yumi. Pero bakit? Hindi ko maintindihan una nakita ko ang future ko. Kahit hindi ko i deny palaging pumapasok sa isipan ko ung nakita ko. Ibang iba ako duon.

"At ikaw naman Macy. Ikaw ang unang maghahanap ng magiging sandata mo. Tandaan mo ikaw lang ang makakahwak nito."

"Eh pano ko naman malalaman kung ano ung akin?" Tanong niya. "Hindi ko maaring sbaihin masisira ang balanse ng panahon kunga no ang nakatakda un na talaga ang magaganap" nakita kong umirap si Macy.

"Arte nento" pero feeling ko wala sa mood si Yanah ngayon.

"At ikaw naman Anna. Siguraduhin mong mapapakiramdaman niyo ang bawat kilos niyo. Yon lang ang tapos na ang diskusyon natin" teka eh pano ako?

Napatingin silang lahat sa akin. Nakatayo na si Yanah at nakapag lakad na.

Bago tumigil at nagsalita. "At ikaw Erika.... maiiwan ka dito" bago pa man ako maka pag reklamo ay nagsalita na siya. "May pag uusapan tayong mahalagang bagay may ibibigay ako sayong mahalagang misyon" hindi na ako nagsalita dahil alam kong hindi niya rin naman ako iintindihin.

<><><><> end of flashback <><><><>

At tumulong na lang ako sa paghahanda nila. Nagsanay na sila habang ako walang ginagawa.

Naisipan ko na munang pumunta s amay puno ng mangga. Ito nga palang punong ito malapit lang sa bahay sa may likod kasi ito ng playground malago rin ang mga dahon.

May mga bunga pa rin dito. Naka rinig ako ng ingay di kalayuan.

Pagtingin ko may binubully hindi na lang sana ako makikielam dahil wala naman akong pake sa kanila. Pero bigla kong nakita si John na ung binubully.

Ewan ko pero nakaramdam ako ng pag aalala. Bonak kasi ayaw lumaban! Hindi na ako nag alinlangan at tinulungan ko na siya.

Nagulat pa siya nung makita ako. Pero agad naman akong nakipag laban. Sus sisiw.

John's POV

Nagulat ako nang biglang dumating si Erika. Stupida! Kaya nga ako di lumalaban para sayo tapos dumating ka naman! Pero nagulata ko nang kayanin niya ang mga iyon at nagtakbuhan na sila.

"Ayos ka lang?" Hinawakan niya ako sa braso pero....

Erika's POV

"Ano ba?!" Wow ha. Siya na tinulungan siya pa galit! Nakakainis siya ah! "Bonak! Bakit hindi ka lumaban?!" Sigaw ko. "Stupida ka rin ano? Bakit ka sumingit sa away namin?! Hindi ka naman kasali!" Ano bang kinagagalit niya?

"Wow ha. Imbis na magpasalamat ka sa tulong ko sayo yan pa talaga ang nakuha ko mula sayo?!"

"Eh sino ba kasi nagsabi sayong tulungan mo ko?!"

"So gusto mong mabugbog sarado ka?!"

"Stupida ka talaga ano?! Paano kung napahamak ka?! Paano kung hindi ka naka laban?! Paano kung abangan ka nung mga yun?! Pano... pano kung napahamak ka dahil saken?!" Nagulat ako kasi biglang may tumulong luha sa mata niya.

Pero mas ikinagulat ko ang biglaan niyang paghila sa akin at niyakap niya ako. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at niyakap ko na lang rin siya.

Nakaramdam ako ng kakaiba sa tiyan ko. Parang butterflies? Tapos ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. Nung humiwalay siya hindi ko alam pero parang siya na lang ung nakikita ko. Parmag biglang nag slow motion ung paligid. Ano ba?! Bat naging cheesy ako?!

Pagkatapos ay tinitigan niya ako sa mata. Ung parang sobrang lalim ng tingin niya na parang ang dami niyang gustong sabihin. Ang daming sinasabi ng mata niya.

Bigla kong naalala na ang mga panaginip ko. Papatayin ko rin kaya siya?

Bigla akong napa atras. Kita ko ang gulat sa mata niya.

Umiling iling ako. Hindi pwedeng makahalata siya. "Gagamutin ko muna ang mga sugat mo" sinabi ko na lang. At parang nakahalata naman siya at pinayagan lang niya ako. Hindi niya alam pero pag nilalagay ko ang band aid sa sugat niya pagkatapos kong lagyan ng betadine at pasimple ko itong hinaplos upang gumaling agad.

Gagaling sana ito na walang bakas kaso ayaw ko naman siyang makahalata.

Pag uwi ko sa bahay nagulat ako sa sobrang dilim at walang tao.

"Erika...."

Isang boses na sigurado ako kung sino ang nagmamay ari. Rinig ko ang tambol ng puso ko sa sobrang kaba. Anong kailangan niya?

Tbc....

Tagal ko bago maka update hehe. Sensya na tamad kasi ako. Bwahahaha aminado na ako dun. Naglalaro rin kasi ako ng ml yownnnss bwahahha im sure maraming ml players dito. Sino fav hero niyo? Pabuhat naman char bwahaha gumagawa rin ako glmv at pino post ko sa youtube bwahahah wala lang trip trip lang. Sorry ah maikli lang. Di bale babawi aki next chapter promiseeee.

(^__^)

The Secret Of The Nerd (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon