CHAPTER: 30 (EDITED)

823 22 0
                                    

Ang digmaan ng dalawang kaharian

Anne's POV

Tatlong linggo na rin ang nakaraan simula nang may mag tangka sa buhay ni Yumi. Alam kong alam ni Yumi kung sino ang may sala pero ang ipinagtataka ko ay kung bakit hindi niya sinasabi sa amin.

Nakita ko nang tumatakbo ang mga kawal. Na para bang natataranta.

"Kawal anong nangyayari" nag-aalala kong tanong.

"Sinusugod po tayo ng mga tauhan ni--" hinihingal na sabi ng aming kawal na di niya natapos dahil biglang nagkulay violet at lumiwanag ang aking mata. Nakita ko na lamang ang nangyayari. Dumating na ang araw na kinatatakutan ko.

"May parating na digmaan balaan ang lahat. Ang lahat ng bata at babae sabihang magtago at wag na wag lalabas sa kani-kanilang tahanan hangga't hindi pa ito natatapos" sabi ko. At nagmamadaling tumakbo.

Agad akong nagtungo sa kwarto ng aking mga kapatid at nakita kong lahat sila ay di mapakali habang nasa kwarto ni Yumi. Si Yumi ay parang binabangungot nagwawala siya habang tulog. Nagulat kami nang bigla siyang lumiwanag at pagkawala ng liwanag ay nakatayo na siya.

"Ito na ang kinatatakutan ko ito na ang araw na iyon" sabi ni Yumi habang tumingin sa may bintana nito. Umaga pa lang dapat pero dahil sa nalalapit na digmaan naging kulay itim ang langit.

"Sa pagkakataong ito hindi ko alam kung sino ba ang magwawagi" sabi ko na para bang nagdududa. Dapat handa na kami rito eh.

"Kabutihan o kasamaan" sabi naman ni Erica.

Agad kaming nagtransform at nagpatawag lahat ng kawal. Kasalukyan kaming naglalakad at ang giyerang ito ay malapit nang mag umpisa. Ewan ko ba pero kinakabahan ako sa mga oras na ito. Pinangunahan ang giyerang ito ni Yumi habang nakasunod kami. Nasa tapat na namin ang mga kampon ni Rafael.

"Nagagalak akong makita ka.... prinsesa" at may kasama pang isang babae si Rafael. Na hindi namin inexpect na kasama nito.

Yumi's POV

Ewan ko ba pero bigla akong kinabahan. Ngunit mas nagulat ako nang makita kung sino ang kasama ni Rafael. At tinawag pa niyang anak! Si Gwen! Para bang planado ang lahat. Nakita ko sa peripheral vision ko ang panlalaki ng mata nila Charles maging ng mga kapatid ko.

"Handa ka na bang makita ang unti-unting pagkamatay ng iyong nga mahal sa buhay" sabi ni Rafael kitang kita ko sa mata niya ang matinding galit. Seryoso lamang ang tingin sa akin ni Gwen.

"Sa panaginip mo" ganti ko naman.

"Sa panaginip kong mangyayari na ngayon" sabi niya at ngumiti ito ng nakakatakot.

"Wag kang puro satsat umpisahan na natin ito"sabi ko at inikot ang espada ko.

At dahil dun maraming kawal ni Rafael, halimaw maging mga diwata ang naglaban laban. Ang espada ko ay punong puno ng dugo mula sa laman ng mga pinapatay ko. Habang sila Charles at ang iba pa ay pumapatay ng kalaban. Sa pinakagitna mismo nagharap kami ni Rafael. Sa ngayon nilabas ko na sa dalawang kamay ko ang cursed at light sword at isinantabi ko na muna ang aqua sword.

Nauna akong tumira pero nakashield siya sumunod siya ginamit niya ang thunder at ang langit ay sobrang dilim at tatamaan ako ng kidlat pero umiwas ako.

"Hmmm mabilis ka... prinsesa ... pero hindi ito hadlang para matalo kita"
At dahil dun agad akong tumakbo papalapit sa kanya at nag espadahan kami nabitawan ko ung light sword.

Ngayon ay naka upo na ako isangdiretsyo na lang mamatay na ako. Oo dahil nakatutok sa akin ang espada niya. Nang sasaksakin na niya ako bigla akong gumulong sabay nito ay ang paglaho ko. Bitbit ko na ang espada ngayon ay nasa harap kami medyo malayo kami ng konti sa kanya. At sabay nun ang lumabas sa palad namin pilit nagtatapos ang mga ilaw na nagmumula sa palad namin kahit sino ayaw magpatalo.

The Secret Of The Nerd (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon