CHAPTER: 20 (EDITED)

592 22 0
                                    

Yumi's POV

Pinahanda na kami ni ina.

Hindi pa rin nawawala sa isip ko kung ano ang mga bagag na maaring mangyari. Naisip ko rin na pano kaya kung hindi ako ang itinadhana? Naisip ko rin minsan na pano kaya kung mag isa akong makipaglaban kay Rafael? Atlis sigurado akong magiging ligtas ang mga kapatid ko.

Pero kapag sinabi ko sa kanilang ang bagay na to, na siyang gusto kong mangyari panigurado pagagalitan lang nila ako. Gusto rin nila maka sigurado na ligtas ako.

Kamusta na kaya ang school sa mundo ng mga tao? Kamusta na kaya si Charles? Aish teka nga! Bakit ko ba iniisip ung lalaki na yun? Pake ko sa kanya! Wala naman akong gusto sa kanya ha? Ay teka nga bat ko naman nasabe iyon?! Ako may gusto sa kanya?! Wala kaya! Sapakin ko pa siya eh! Pero ung mahina lang baka masugatan ung mukha niya eh ang kinis pa naman ng mukha non parang may 10 step skincare ang kupal. Tas dudungisan ko lang? Eh bakit ba kasi siya iniisip ko? Nababaliw ka na Yumi.

Iniwaksi ko sa isipan ko si Charles oo si Charles kasi buisit siya tumatambay sa isipan ko. Kailangan mo Yumi mag focus sa gagawin mo okay? Sa misyon niyong magkakapatid? Okay? Pagtapos nito hindi niyo na kailangan bumalik sa nakakaloka at magulong mundo ng mga tao. At hindi mo na rin siya makikita...

Pag tapos naglakbay na kami, sa paglalakbay namin may nakita akong templo tapos nakatulog na lang ako bigla.

Paggising ko may mga engkanto, para silang mga diwata na nasa ilalim ng kapangyarihan. Nagulat na lang ako ng bigla nila akong sinugod sabay sabay silang umatake. Hindi ako sigurado kung ilan nga ba silang lahat. Ang mga kilos nila, mabibilis. Tila ba kakampi sila ng hangin, ang kanilang mga tingin nanlilisik tila ba leon na papaslang sayo. Mga alerto rin ang mga ito. Hindi ko lang maintindihan dahil hindi ako makapag punta sa ibang lugar o pwesto gamit ang kapangyarihan ko.

Pagkatapos may mga espada na ang lahat, nag laban kami talo silang lahat pinagpawisan ako dun.

Nagpatuloy ako sa paglalakad nakita ko si RAFAEL gulat na gulat pa rin ako. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. At paano ko nalaman na si Rafael na ang kaharap ko ngayon kung wala naman kaming clue ni isa kung ano bang itsura niya? Bigla ko na lamang naramdaman na siya na nga hinahanap namin.

"Kamusta ka munting prinsesa" nakangiti nitong bati sa akin ang mata'y ni hindi kumu kurap sa pagkatingin sa akin tila ba may masamang plano.

"Hindi to totoo hindi hindi hindi" pilit kong pinapaniwala ang sarili ko na hindi ito totoo. Pero sinong niloko ko? Nasa harap ko si Rafael at hindi ko alam ang gagawin ko ni hindi ko ma sulyapan ang aking mga kapatid.

Di pa ako handang talunin siya naglaban kami ang hirap niyang talunin nang mapansin ko ung kwintas sumilip ako di siya un isang engkantong nag balatkayo lamang pala at napansin ko rin ung espada niya! Ang espada ko!

Kailangan kong makuha un. Pero mukhang makapangyarihan tong engkantong ito ahhh.

Naglaban kami pagtulak niya sa akin tumalsik ako hirap akong tumayo pero pinilit ko tumayo tapos nag espada ulit kami. Dumaplis sa balat niya ang espada kong dala ngayon na lalo naman niyang kinagalit.

"Ikaw?!" Sabi nito.

"Ang pinakamakapangyarihan sa apat na magkakapatid na tatalo sayo" sabi ko
Laban ulit aray! Ang tagiliran ko, dumaplis ung espada niya, hirap na hirap na ako di na ako makakilos.

Alam kong panaginip lang ito pero totoo na rin to para sa akin. Nang sasaksakin niya ako may espadang pumigil at pagtingin ko kung kaninong espada ang pumigil sa aking kamatayan nagulat ako. C-Charles? Anong ginagawa niya dito? At panong? Teka hindi ko maintindihan!

The Secret Of The Nerd (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon